Danielle's POV
"Thank you po sa converse at vans from Japan. Salamat sa pagsupporta, thank you kay Ate Yuri sa mga pinadala mo, at sa lahat ng mga KathNiel KaDreamers World Japan, maraming salamat sa pagsupporta." Sabi ko habang nakatutok sa akin yung camera na vinevideohan nila habang nag uunwrap kami ng gifts.
"Aww ate, hindi kasya..." napatingin ako kay Kath na sinusukat yung red wedge niya galing sa fans naming from Japan.
"Maliit. Saying ang ganda pa naman." Sabi niya ulit.
"Magpaliit ka na lang, Kath." Pangaasar ko. Tumawa naman sila.
"Ikaw nga dapat mag paliit sa sobrang tangkad mo eh." Grabe tong si Kath. Hindi maka sagot sa akin kasi may mga fans. Maingat sa pag sagot eh noh.
"DJ, may necklace din siyang pinadala sa inyo." Sabi ng isang KaDreamer at binigay kay Kath yung isang plastic. Agad ko namang kinuha yun.
"Ay ang cute." Sabi ni Kath noong binuksan ko na. Isang necklace yun na hat tapos glasses then mustache. Yung paborito namin ni Kath na combination.
Sinuot ko agad yun. "Bagay ba sa akin yan Kath?" tanong ko sa kanya na nag uunwrap ng gifts.
Tumingin siya sa akin. "Oo."
"DJ kasama mo ba si Kath sa mallshow mo bukas?" tanong ng isang fan.
"Aww... hindi eh, may taping ako." Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng nakakaasar.
"Loser ka."
"Loser ka din."
"Weh? Di nga?"
"Oo." Teka, nagsitilian tong mga to.
"Sana kasama si Kath noh, mas sulit talaga." Sabi nanaman ng isang fan.
"Baka next time, puwede na." Sabi ni Kath at ngumiti sa kanila.
Siguro mga 1 hour pa silang nag tagal dito at saka umalis na din. Niligpit na namin yung mga gifts na pinadala sa amin at nagpahinga na, its been a long day though.
Nakahiga na si Kath sa folding bed niya ng tumabi ako sa kanya. Umupo lang ako sa gilid ng kama.
"Kath." Napatingin naman siya sa akin, grabe tong babaeng to. Masyadong adik sa phone niya.
"Oh?"
"Ano gagawin mo bukas?"
"Papasok sa school."
"Akala ko ba eh nag stop ka na ng schooling mo?"
"Kaya naman ng schedule eh. Saka gusto ko naman din noh. Hindi na lang lagi sa harap ng camera ako nakatira."
"Saan ka ba nagaaral?"
"Sa eskwelahan."
"Seryoso."
"Sa OB Montessori Inc." Sa OB? Doon lang pala eh.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala lang."
"May binabalak ka noh?" napakunot yung ulo ko sa sinabi niya.
"Anong balak?"
"Try mong sundan ako doon. Mapapatay kita." Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Celebrity Status [Hiatus]
Novela JuvenilTwo stars. Two worlds. Because of one misunderstading, two opposites collide. How long can they hide their little secret when they know in the world of fame, every secret is revealed.