Matapos magbihis ay tumingin ako sa salamin, wearing a pink casual dress, tao pa rin naman.
Suddenly, naramdaman ko ang mga bisig na yumakap mula sa likuran ko "Jen, you're so beautiful." Sambit niya sabay tingin sa akin mula sa salamin.
Matapos niya akong buhatin kagabi papunta sa kwarto niya eh pinagbihis na agad ako ng pantulog. Matutulog na raw kaming magkatabi. Tch. Hindi naman kami natulog, tsismoso kasi to, kaya sinabi ko sa kaniya lahat nang nangyari sa akin simula nang umalis siya. Mula kay mommy matilda hanggang sa kaharian ng Namibia kaya parang wala siyang nakaligdaan sa buhay ko.
"Thank you." Sambit ko rito saka bigla akong may naalala kaya hinarap ko siya. "Jake?"
"Hhmm?" He hummed in response as he put a strand of my hair at the back of my ear.
"Nais kong malaman, paano mo ako nahanap? I mean, iyong Jenna noong bata pa ay napakalayo naman sa akin." I asked filled with curiosity.
He hold my right hand sabay tingin dito and then he brushed a part of it, nang tignan ko ito ay nakita ko ang balat na parang hugis rosas. "Tanda mo pa ba noong pag-abot mo sa akin ng tinapay?"
I nodded.
"Ito agad ang nasilayan ko, ang palatandaan mo. Noong bata pa tayo ang pag-abot mo ng larawan ay hindi ko makakalimutan ang balat na hugis rosas. Simula noon kinilala na kita, at alam kong ikaw ang first love ko." Paliwanag nito sabay ngiti.
Ramdam ko naman ang pintig ng puso ko na para bang nagkakarerahan sa bilis.
I bit down my lip "Salamat... at natagpuan mo ako. I love you, Jake." Sabay yakap ko dito.
"I love you more Jenna Aliciah." Napangiti naman ako sa pagsambit niya ng pangalan ko.
*****
"Jake... please. Kailangan kong umattend sa graduation. Gusto ko rin maranasan magmartsa at kumuha ng diploma." I pleaded pouting.
"Jenna, wala ako roon at hindi kita mababantayan. You can still graduate without marching." Saad nito.
"I wanted to, nandoon naman si daddy at isa pa hindi ako pababayaan ng mga tao ni daddy." Depensa ko.
He sighed, "How could I say no, basta huwag na huwag kang lalayo sa nga bantay. You will be the crown queen of Drago kaya kailangan mong mag-ingat."
I smiled widely "Yes sir! Thank you so much." And I pecked his cheek.
"Iyon lang?" Disappointed niyang tanong.
"Iyong lang! Pumayag ka na, you shouldn't take it back!" Saka ako tumakbo papalabas ng kwarto nito.
Magkatabi man kaming natutulog pero wala pang nangyayari sa amin, sinabi ko kasi sa kaniyang kasal muna. At sa araw naman ng graduation ko ay mayroong pagpupulong ang lahat ng mga nasa matataas na posisyon dito sa kaharian ng Drago kaya naman hindi makakapunta si Jake sa Pilipinas. Pero kasama ko naman si daddy.
*****
"Dad, kailangan ko pa ba talagang sumakay ng limousine?" Angal ko sabay harap kay daddy.
Gagraduate lang ako may limo pa, dagdagan pa ng mahigit dalawampung bodyguards! 10 royal bodyguards at 10 Caspillan guard.
"Yes and you can't say no sweetie, pinayagan ka ni Jake na umattend pero mahigpit niyang ipinagbilin na dapat marami kang bantay." Saad nito.
Tch, napakapossessive kasi. Ni hindi ko nga alam kung anong orient niya sa mga ito. Padabog akong sumakay ng Limo suot ang graduation gown.
Nang makarating ang sinasakyan sa gate ng school ay agad nagsilapitan ang mga estudyante.
Biglang may umingay na torotot at gamit ang isang loudspeaker device ay nagsalita si Mateo "Hail to the Royal Princess of Namibia and soon to be Queen of Drago!" Sigaw niya dahilan para yumuko ang mga estudyante sabay pagbibigay daan ng mga ito.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula at kahihiyan, nawa'y kainin na lamang ako ng lupa. Shit! Mapapatay talaga kita Jake!!
Alam kong kagagawan niya 'to, at ang mokong na 'yon paniguradong namamatay na sa kakatawa, mabulunan sana. Aish!
Bumukas ang pinto ng Limo, mas pipiliin ko pang kainin na lamang ng lupa kesa magmartsa sa graduation. Ayaw ko nang lumabas, letse!
"Your majesty?" Sambit ng isang royal guard sabay offer nito ng kaniyang kamay kaya wala na akong magawa kundi tanggapin ito.
Tumingin ang mga estudyante mula sa pagkakayuko at nagulat sila ng ako lang ang lumabas, pansin kong may mga naghihintay pa na may lumabas pero sumara na ang pinto ng Limo dahilan para mapanganga sila.
Narinig ko namang humiyaw si Zairah pero tinabunan nito agad ang bibig sabay ngiti nang malapad.
Nahagip ng mga mata ko si Veronica na sa ngayon ay tulala at nakaawang pa ang bibig. Kaysa manatili ako rito, kailangan ko nang pumunta sa paggaganapan ng graduation ceremony.
Sa aking paglalakad ay nakasunod ang mga royal guards.
Nang makaupo ako sa dapat kong uupuan, sa hindi kalayuan ay nakatayo ang mga bodyguards at nagbabantay. Imbes na magfocus ang mga teacher sa graduation ceremony, ang iba ay natutulala na lamang sa nalaman nilang katotohanan, pero ako ay nakaupo gamit ang manners ng isang Royal Princess. Wala eh, buking na. Kasalanan ito ng Jake na 'yan!
Tumikhim ang speaker para makuha ang atensyon ng lahat sabay ang pag-uumpisa ng seremonya.
Nakahinga ako nang maluwag habang patungo sa Limo, sa wakas ay natapos na din ang graduation at nakuha ko nga ang diploma ko, pero bago ko tuluyang makuha ay nagpapicture pa sa akin ang school president, sumabay naman ang ibang teachers. Kaya ayon, tulong-tulong ang mga bodyguards ko para malayo ako, pero kumalma naman din sila at natuloy na nga ulit ang seremonya hanggang sa nakuha ko nga ang diploma. I sighed.
"Jenna! Este- Princess Jenna!!!" Narinig kong sigaw at alam na alam ko ang boses na iyon, Zairah.
Agad siyang hinarangan ng mga bodyguards ko pero sinenyasan ko ang mga ito na hayaan siya.
"Princess Jenna!!" Sabay yakap saakin ni Zairah na tuwang-tuwa. Lalapit na sana ang mga bodyguards para pigilan siya pero sinenyasan kong okay lang.
"Zai! Namiss kita!" Masaya kong sambit.
Kumalas ito sa yakap "I miss you too, Jen- este Princess Jenna!" Sigaw nito na hindi maiaalis ang ngiti "Marami kang utang na kwento sa akin. Royal Princess ka pala, kamahalan." Sabay ang pagyuko nito.
"Tumigil ka nga, tawagin mo akong Jenna. May utang pa ako sa'yong lunch. So ano, tara?" Tanong ko sabay turo sa Limo.
"Seryoso!?" Gulat nitong sigaw.
Natawa naman ako "Yeah, halika na." Sumakay na ako at sumunod naman siya na tuwang-tuwa.
Tinanggal na namin ang aming graduation gown at tumungo naman ang sasakyan sa isang magarang restaurant, iyon daw utos ni daddy. Tch. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang dahilan kung paano ako naging isang Royal Princess habang kumakain.
"Whaa! Queen pala ang aunt mo, omo!" Gulat niyang sigaw.
"Oo, at mukhang didilim na kaya hatid na kita pauwi." Sambit ko at ngumiti, tamang-tama rin namang tapos na kaming kumain.
"Salamat sa libre Mahal na Prinsesa." Yumuko siyang nakangiti.
"Sa susunod, dalawin mo rin ako doon sa kaharian ng Drago. Welcome ka roon." Sambit ko habang patungo kami sa sasakyan.
"Of course! Dadalawin ko talaga ang matalik kong kaibigan."
Nang maiuwi ko si Zairah ay agad na din akong umuwi hindi ko namalayang gabi na pala. Ilang araw na rin ako rito sa Pilipinas at na miss ko na din 'yong mokong na iyon, pero hindi ko papalagpasin ang ginawa niyang 'to. Pagbukas ko ng pinto ng bahay, ang inaasahan kong bumungad sa akin ay si daddy ngunit...
"Saan ka nanggaling at bakit ganitong oras ka na umuwi?"
***** viona99 *******
Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories. Thank you!❤
BINABASA MO ANG
The Missing Royals (Completed) ✔
RomancePaano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang...