Jenna's POV
Nakatayo ako rito sa harap ng litrato ni mommy Oliviah na masayang kasama si Daddy Jonathan. Pumunta ako dito sa office ni daddy para sana makasama siya ngunit nang makita kong walang tao, tumuloy na lamang ako since I already got here.
So totoo lang hindi ko makakayang pumasok sa school, sa dami nang napagdaanan ko, ni hindi pa rumehestro sa aking isipan ang lahat. Papasok na lamang ako kapag sa tingin ko ay nakamove on na ako. Pero malabo atang mangyari, I sighed.
Mariin kong tinitigan ang larawan ni Mommy Oliviah "Mom... I'm sorry. I'm sorry for letting you down. I know it was my fault that... we've lost you... I wanted to pay you back for saving me but... mom, it is so hard. I can't marry a man other than him." Kwento ko and I could feel my eyes getting watery.
"Your daughter is inlove, he's the most wonderful and handsome man I've ever met at kahit na hindi kami itinadhana para sa isa't-isa ang puso ko ay nakalaan para lang sa kaniya. Mom... his name is Jacob but... his real name is Jake." Natawa ako at pinahid ang luhang tumulo "Masyadong magkalapit and tunog ngunit magkaiba. He's my happiness mom, sa kaniya ako sumaya nang husto at sa kaniya lang ako sasaya... I'm sorry."
Kahit na walang sumasagot dahil larawan lang ang kausap ko, wala akong pake. Binubuhos ko lang ang lahat ng nararamdaman ko para kahit papaano ay gumaan din. And I knew talking to mom could relieve my pain.
Nangangatog ang mga binti ko kaya napaupo na lamang ako sa swivel chair ni daddy.
Huminga ako nang malalim at napabuga na lamang ng hangin, I should move on but I won't forget.
Humarap ako sa desk and lean on it... ngunit ilang sandali pa'y may napansin akong sobre and it's tempting me to open it.
Hinawakan ko ito at nagulat na lamang ako sa nakitang caption sa harapan nito.
'Aliciah Caspillan's Fiancee'
So, ang nilalaman ng sobreng ito ay impormasyon tungkol sa mapapangasawa ko? 'Yon nga lang ay nagkulang sila ng pangalan sa unahan, it should be Jenna Aliciah. Pero wala nang ibang babaeng Caspillan maliban sa akin.
'Here’s the picture of your future husba-'
Bigla kong naalala ang dapat sabihin ni daddy pero hindi niya naituloy, sa akin nga ito.Tch. Aanhin ko naman ito wala naman din itong silbi, si Jacob lang ang mahal ko at mamahalin ko, pero wala naman sigurong masama kung titignan ko ito.
I just found myself opening it, pero nang makita ko ang nilalaman ay para bang nawalan ako ng lakas, hindi ako makapagsalita... na para bang bigla na lamang tumigil ang mundo... "Impossible." Ang tanging lumabas sa bibig ko ngunit pakiramdam ko'y mas malakas pa ang sinisigaw ng aking puso kesa sa nasambit ko.
Muli kong binalingan nang tingin si mommy na masayang nakangiti katabi si dad "Mom... is this a gift?" Nangangatal ang bibig ko na hindi ko maintindihan ang nararamdaman.
Napakaraming nangyari sa napakaikling panahon, ang paglalayas ko... ang pagkakita ko sa gwapong pulubi, ang pag-ampon ko dito at nang malaman kong isa pala itong prinsipe. Para bang isang panaginip lang ang lahat.
Nang makarating ako sa apartment kahapon, lahat ng mga ala-ala na nangyari sa amin ni Jacob, ang pagsunog niya sa mga pagkaing inimbak ko. Lahat ng mga 'yon ay sariwa pa sa isipan ko at ngayon...
Tinignan ko ulit ang larawan... nananaginip parin ba ako?
Paano nangyari na ang tao sa larawan, ang taong mapapangasawa ko ay walang iba kundi si... Jake Westley II, ang taong pinakamamahal ko.
Pero hindi ako isang Royal Princess. I'm just a dark princess kung saan kabaligtaran sa inaasahan.
Nais kong maniwala but I don't want to be disappointed na sasabihing nagkamali lang... mas masakit 'yon.
Ilang sandali pa'y nagbukas ang pinto ng office ni dad, humarap ako sa kaniya at nakita naman nito ang hawak-hawak kong larawan.
"Nakita mo na rin pala ang lalaking papakasalan mo. Nakapagdesisyon ka na ba anak?" Tanong ni daddy sabay lapit sa akin.
"Dad... how? Hindi ba't isa siyang prinsipe... and I... I was just a simple girl." Hindi makapaniwala kong saad.
Ngumunot ang nuo ni dad "Kilala mo ba siya Aliciah?"
I nodded at napakagat labi na lamang "Yes dad."
"Siya ba ang rason kung bakit ka malungkot?" Malumanay nitong tanong.
I wanted to be honest with dad kaya naman tumango ako at bigla kong naramdaman na sumama ang ihip ng hangin sa paligid.
"Anong ginawa niya sa'yo Aliciah?" Mula sa malumanay ay naging matigas at nakakatakot ang boses ni dad.
I immediately shook my head "W-wala siyang ginawa dad, s-sinaktan ko siya. Ako ang may kasalanan."
Naiiyak kong sambit agad akong nilapitan ni daddy at niyakap.
The man that I've hurt so much is the man that I love...
Siya rin nga ba talaga ang taong papakasalan ko?
***** viona99 *******
Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories.
BINABASA MO ANG
The Missing Royals (Completed) ✔
Roman d'amourPaano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang...