Kabanata 6 : Lunch

881 57 9
                                    

"Sorry na." Pagsusumamo niya pero patuloy ko siyang dinededma habang nag-aayos ng mga gamit ko papuntang school.

"Sorry? Matapos mong sirain ang kusina ko at sunugin ang mga imbak kung pagkain for two weeks! Tingin mo patatawarin kita!?" Galit kong sumbat.

Nanlumo ang mukha niya kahit ganoon paman bakas parin dito ang kakisigan "Niluto ko naman 'yon para sa'yo, at isa pa may dalawang itlog naman na hindi nasunog eh, ganda nga ng pagkaluto ko." Ngumiti siya ng may pagkatamis.

"Dalawang itlog ang naluto nang maayos pero mahigit dalampung itlog naman ang sunog! Anong kakainin ko sa loob ng dalawang linggo!? Sa ikatlong linggo ko pa makukuha ang sahod ko Jacob at dahil sa ginawa mo, magugutom tayo!" Padabog kong kinuha ang bag ko at nag martsa palabas, lalong umiinit ang ulo ko tuwing nakikita ko ang gwapo- ay este demonyong mukha niya! Grrr!

I went for my class at agad akong sinalubong ng kaibigan kong si Zairah. "Oh, anong problema at bakit hindi mapinta 'yang mukha mo."

"Kasi naman, hindi ko lubos maisip kung gaano ko pinagsisihan yung desisyon na ginawa ko." Ang tanggapin sa apartment si Jacob. Hays.

"Jenna, nagawa mo na panindigan mo na lang. Ano nga bang nagawa mo?" Tanong niya.

Itong si Zairah may pa suggest pa hindi naman pala alam kung anong ginawa ko. Tch.

"Ah wala, tara na baka andyan na si Prof." Sabi ko at pumunta na kami sa sarili naming upuan.

******

Pagkalipas ng ilang oras ay lunch break na, agad akong nag-ayos ng gamit ko.

"Jenna, tara sa Canteen kain tayo." Pagyaya ni Zairah.

Nais ko sana dahil gutom na din ako pero iilan na lang ang pera na natitira sa akin, kung titignan kakasya na lamang ito para sa bigas sa susunod na mga linggo, bahala ng walang ulam, mabubuhay naman ako.

"Ah... eh... pass na muna ako Zai, busog pa naman ako." Sambit ko ngunit biglang napukaw ang atensyon namin nang nagtilian ang mga estudyante sa labas. "Ano 'yon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, baka may artista. Tara, tignan natin!" Agad naman akong kinaladkad ni Zairah kaya binuhat ko na lamang ang bag ko.

Nakita naming nagkakatumpukan ang mga babae malapit sa gate ngunit hindi ko maaninag kung sino ang pinagkakatumpukan nila.

"Baka may libreng pagkain." Sambit ko, hays. Gutom na talaga ako pagkain na lang ang nasa isip ko.

"Ano ka ba, artista 'yan! Dali tignan natin kung sino." Sumugod din si Zairah sa mga nagtutumpukang mga kababaihan at ako ito napasama lang.

Nang makalapit kami sa gate agad kung naaninag ang rason kung bakit nagkakagulo ang mga babaeng ito, unfortunately, nakita niya rin ako kaya wala na akong takas.

"There you are! I've been waiting for you." Aba! Maka-English 'tong pulubing 'to, aish. Nag-init naman ang dugo ko nang maalala ang malagim na ginawa niya sa kusina ko.

"Uy kilala ka oh, ikaw yata tinatawag." Kilig na sambit sa akin ni Zairah.

"Hindi ko 'yan kilala." Akma na sana akong aalis nang may humigit sa kamay ko.

"Saan ka pupunta? Kanina pa kita hinihintay, nanigas na nga ako dito oh." He said pouting at narinig ko naman ang tilian ng mga estudyante lalong lalo na si Zairah na may pasigaw pang "Sagutin mo na si fafa!" Pinandilatan ko naman ito.

Tiningnan ko si Jacob "Edi 'wag kang maghintay, sino ba may sabi sa'yong maghintay ka diyan? At ako pa sinisisi mo!"

"Aish, huwag ka nang magalit. Sorry na please, ito oh." May iniabot siya sa aking supot at tinignan ko naman ang laman, biglang kumislap ang mga mata ko nang makita ito, pagkain!

"Salamat, teka saan mo 'to nakuha?" Takang tanong ko, kanin at kaldereta ang laman ng baonan na nakalagay sa supot, paano niya naman ito na afford eh hindi ko naman siya binigyan ng pera.

He smiled cheekily, omo, ang gwapo! "Secret. Tara, sasabihin ko sa'yo." Agad niya akong inakbayan at pinasama sa kaniya biglang lumakas ang mga tili ng mga tao sa paligid pero may iba akong nakita na pinandidilatan ako in particular. Hindi na din maiiwasan at isa pa, sanay na ako.

"Uy, saan mo ba ako dadalhin at bakit ka nang-aakbay!?" Nang makalayo kami, agad kong kinuha ang braso niya sa balikat ko at hinarap siya. "Sagutin mo nga ako-"

"Oo, sinasagot na kita, tayo na." Pagputol niya sa sinabi ko at kumindat, I was speechless teka- ano daw!?

"Huy! Ano bang pinagsasabi mo? Ang sabi ko sagutin mo ang tanong ko, saan mo 'to kinuha? Nagnakaw ka ba?" Pagalit kong tanong, pag ito nagnakaw naku!

"Nakaw? No, hindi ko 'yan magagawa, pinaghirapan ko 'yan ano. Naalala mo ba si Aling Martha iyong tindera sa bakery malapit dun sa pinanglilimusan ko dati?" Tanong niya.

"Oo, bakit naman siya nadawit dito?" Maigi ko siyang tinitigan, sinusubukan ko makita kung nagsasabi siya ng totoo. Pero shemas! Ba't ba nakakadistract ang kagwapohan nito?

"Eh kasi may carenderia din kasi siya open tuwing umaga hanggang 7 ng gabi. Nakita niya ako, gwapo raw kaya niyaya niya akong maging waiter, pero hanggang hapon lang at dahil napakalakas daw ng benta niya ngayon kaya ito, nalibre ako, ganyan talaga basta pogi." Paliwanag niya sabay kindat at nakikita ko namang totoo kaya tumango na lamang ako.

"Eh paano mo nalaman ang school ko?" Takang tanong ko naman dito.

Yumuko siya kinamot ang leeg na para bang nahihiya "Sinundan kasi kita kanina, mamaya dumating naman 'yong killer mo." Tumingin siya sa akin at ngumiti nang mapakla.

Nakaramdam ulit ako ng awa sa kaniya, mabait naman pala siya eh. Pero minsan talaga, napaka ano eh- I sighed, bumabawi naman.

"Kumain ka na ba?" Alalang tanong ko.

Napakagat labi siya, why so kissable lips!? "Wala pa eh."

"Kainin na lang kita." Mahina at wala sa sarili kong sambit, nung marealize ko ang sinabi ko agad kong sinara ito. My gosh! Jenna!

"Huh?" Takang tanong niya, mabuti na lang 'di niya narinig.

"Ah sabi ko, tara kain tayo." At hinawakan ko ang kamay niya, kinaladkad patungo sa bench. Gutom na ako!

***** viona99 *****

I hope nagustuhan mo, please vote and comment. Thank you!

And please follow me for more.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon