Jenna's POV
Ilang araw na ang nakalipas nang mamatay si mommy Matilda, I’m back with my old life pero may kaunting pagbabago, ang dating minamalupit at inuulila ni mommy Matilda ay wala na. Para bang isang Prinsesa ang buhay ko rito, maraming mga kasambahay ang nagsisilbi dito sa bahay ganoon na din sa akin, pero tuloy ang mga trainings. Sa totoo lang hindi pa bumabalik lahat nang mga ala-ala ko at pakiramdam ko ay meron pa akong nakalimutang importanteng bagay ngunit hindi ko mawari kung ano.
Gusto kong makapagtapos nang pag-aaral at dahil graduating na ako, kailangan kong magreport sa klase, mula sa harden ay tumungo ako sa office ni Daddy, pagbukas ko nang pinto ay agad bumungad ang larawan niya kasama si mommy, masaya silang dalawa at bagong kasal, ito din ‘yong larawan na huli kong nakita bago umalis ng bahay.
“Sweetie, anong problema?” Agad nadapo ang tingin ko kay daddy.
“Dad, I wanna go back to school, graduating na ako sayang naman ang naumpisahan kong course.” Pag-uumipisa ko.
"Anong course ba ang kinuha mo anak?" Tanong ni dad.
“Business Administration dad. Nais ko rin kasing magnegosyo.” Saad ko habang papalapit sa desk niya.
Ngumiti siya “Nagmana talaga sa akin ang anak ko.”
Ngumiti naman ako sa sinabi niya “Naman dad!”
“Kailan ka papasok sa school? Magpahatid ka kay Mateo hah, siya na rin ang magbabantay sa’yo doon, alam mo namang siya lang ang maaasahan ko.” Sambit nito na ikinalungkot ko.
“Next week dad and… pwede bang ako na lang? Kaya ko namang magcommute, at isa pa sanay na akong mag-isa.” Napansin ko ang biglaang lungkot sa mga mata ni dad pero agad niya itong napalitan na para bang walang narinig.
“Hindi pwede, ngayon lang ulit kita nakasama Aliciah, hindi ko kaya kapag may mangyari pang masama sa’yo, kung maaari nga lang padalhan kita nang maraming bodyguards.” Sambit ni dad at naiintindihan ko naman siya, kahit na kaya kong pangalagaan ang sarili ko I need to calm his mind.
I nodded “Okay po.” Ngumiti ako “Sige dad, aalis na ako tuloy mo na ang ginagawa mo.”
Ngunit bago pa man ako makalayo “Aliciah!” tawag nito kaya napatigil ako at hinarap siya. “Mag-usap nga tayo halika.”
Bumalik ako patungo sa desk niya at umupo na lamang sa harap nito. May prepared chairs kasi sa harap ng desk kung sakaling may client o bisita.
“Bakit po?” Tanong ko.
“Pansin kong matamlay ka ano bang problema?” Paninimula niya at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Tumungo ako “W-wala po.”
“Hhmm… lalaki ba?” Agad akong napatingin kay daddy at nakitang nakangisi ito.
Ramdam kong namula ang mga pisngi ko atsaka tumingin sa malayo “H-hindi noh.”
“Kahit na matagal tayong hindi nagkita anak, kilalang kilala kita.” Sambit ni daddy sabay tawa.
“Tch. Alis na ako dad.” Tatayo na sana ako nang higitan niya ang mga kamay ko, pagtingin ko kay daddy ay seryoso na ang mukha nito.
“Umupo ka muna Aliciah, may dapat akong sasabihin sa iyo.” Seryosong sambit nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, sa mga pananalita at sa seryosong mukha ni dad parang hindi ko nais marinig ang kaniyang sasabihin “A-ano po ‘yon?”
“Naaalala mo pa ba ang sinabi sa iyo ng mommy Oliviah mo?” Malumanay na sambit nito.
“Tungkol sa alin dad?” May mga naaalala naman ako tungkol kay mommy pero hindi lahat.
“Tungkol sa pagpapakasal.” Sambit nito at agad namang may pumasok sa aking isipan.
Magkasama kami ni mommy na nakaupo sa ilalim ng puno habang ako ay nakakandong sa kaniya.
“Baby, when you got bigger… you will get married to a fine young man.” Sambit ni mommy na agad ko namang ikinangiti.
“Talaga mommy? At magkakaroon din ako ng mga anak?” Mahilig kasi akong maglaro ng bahay-bahayan at syempre ako ang nanay, magkakaroon na din sila ng daddy!
“Of course!” Maligayang sambit ni mommy. “I have already talked to your future husband, he’s handsome and you will like him baby.”
Kinilig naman ako sa sinambit ni mommy “Makakausap ko din po ba siya?”
“Yes, on the right time my child.” Sambit niya sabay tingin sa malayo.
“Aliciah, ayos ka lang ba?” Alalang tanong ni dad.
“A-ayos lang ako dad, may naalala lamang po ako.” Sambit ko sabay hawak sa aking ulo.
“Naaalala mo ba?” tanong ni daddy.
I nodded, hindi ko alam na ipapakasal din pala ako.“Anong plano mo anak? Kung ano man ito ay malugod kong tatanggapin, pero iyon ang kahilingan ng iyong ina kaya pag-isipan mong mabuti.” Sambit ni dad.
My mom prepared for it at iyon ang kagustohan ni mommy ang maipakasal ako sa hindi ko kilalang lalaki, kasalanan ko kung bakit nawala si mommy, kahit na man lang sa kahuli-hulihan nais kong makabawi sa kaniya ngunit ang mukha ni Jacob ang tanging humaharang sa isipang pagpapakasal.
I looked down, kung pwede ay ayaw kong maipakasal sa iba. Tanging si Jacob lang ang nilalaman ng puso ko pero hindi ko hawak ang tadhana, hindi ko hawak ang hinaharap… aanhin ko ang lalaking ipapakasal din sa ibang babae? At sa isang Royal Princess pa na wala akong pantama.
“I-I have to think about it dad.” Mahina kong sambit atsaka tumayo.
“Here’s the picture of your future husba-“ Hindi na naituloy ni daddy ang sasabihin nang wala sa sarili akong naglakad patungo sa kawalan.
Umalis ako sa office ni daddy na para bang pasan ko ang buong mundo “Young lady.” Sambit ng isang kasambahay sa harap ko ngunit nilagpasan ko lamang ito na pawang wala akong naririnig.
Ikakasal ako sa ibang lalaki, at ikakasal din si Jacob sa isang Royal Princess. Wala na talaga kaming pag-asa, kahit na tanggapin ko pa ang alok niyang magpakalayo-layo ay hindi parin kami sasaya, ayaw ko nang may tinatakasan pa. Pero ang kalayaan ko ay kasabay nito ang pagkawasak ng puso ko.
Kung hindi ko tatanggapin ang pagpapakasal para namang binalewala ko lang ang effort ni mommy, kahilingan niya ang maipakasal ako sa hindi kilalang lalaki na ‘yon at sa pagkawala niya pakiramdam ko ay dapat ko itong gampanan, to make peace with my mind.
Maalala ko pa lang ang malagim na nangyari, kusang kumikirot ang puso ko, kung sana nakinig ako sa sinabi niyang, behave hindi sana nawala si mommy.
Napansin kong nakarating na pala ako sa kwarto ko kaya wala sa sariling sumalampak na lamang ako sa kama. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
***** viona99 *******
Sana nagustuhan mo, please vote and comment. And please follow me for more stories.
BINABASA MO ANG
The Missing Royals (Completed) ✔
RomancePaano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang...