"Kaya ka ba mag-isa dito sa apartment? Ikaw lang ba ang bumuhay sa sarili mo?" Tanong ni Jacob.
"Oo, kaysa harapin ko ang sinungaling kong ama makasama niya lang ang kabit niya." Madiin kong sambit atsaka tinitigan si Jacob. "Ayaw ko sa mga sinungaling Jacob. Buong buhay kong paniniwala kasinungalingan lang pala."
"Sshh." Muling niyakap ako ni Jacob, "Hindi ko na hahayaang may manakit pa sa iyo Jenna, ako mismo ang kakalabanin nila." Sambit nito at natawa na lamang akong hinarap ito.
"Promise?" Biro kung usal, raising my pinky finger.
Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Jacob, hindi ko mawari kung ano ngunit ngumiti din ito kasabay nang pagtanggap ng pinky finger ko, mukhang seryoso siya ah?
"Just kidding! Ito naman, kapag may pera ka na makakaalis ka na dito sa apartment. Magkakaroon ka rin nang sarili mong pamilya ano, atsaka kakalimutan mo rin ako." Sinasabi ko lang ang totoo pero mukhang nalungkot ang mukha nito.
"Gusto ko dito lang ako." He pouted at nang rumehestro sa isip ko ang sinabi niya, agad namula ang mga pisngi ko.
"Huwag ka nga, may bayad ang manatili dito noh, hindi libre." Sambit ko sabay tawa.
"By the way Jenna, may gusto sana akong itanong." Sambit ni Jacob na para bang nahihiya.
Kumunot ang noo ko "Ano 'yon?"
"Wala ka ba talagang naaalala before you reached 14 year-old?"
Nag-isip ako sandali pero kahit anong gawin ko wala akong maalala, I shook my head "Wala talaga eh. Ni hindi ko nga maalala ang tunay kong ina kahit mukha niya man lang. Bakit mo pala natanong?"
Umiling ito "Wala lang, curious ako bakit ka nakalimot, may nangyari ba?"
"Hindi ko rin alam eh. Walang binanggit si daddy o 'di kaya'y si mommy Matilda." Saad kong malalim paring nag-iisip.
May mga kakilala kaya ako dati maliban kay mommy na nakalimutan ko rin? Sino-sino kaya? Ano kaya buhay ko dati?
Kung titignan, simula't sapul magulo na ang buhay ko... ang buhay naming mga... Caspillan. Jenna Aliciah Caspillan ang tunay kong pangalan, anak ni Jonathan Caspillan isang malupit na Mafia Lord. Tinagurian akong Prinsesa ng Caspillan Family, kinakatakutang Mafia. Kaya masyadong mahigpit ang bantay ko, home-schooled din dahil ayaw ni daddy na may mangyaring masama sa akin, everyday training ako maliban sa palaging utosan ni mommy Matilda. At kapag nasa mansion ang daddy, tinututukan niya ang bawat trainings ko.
Ito ang mga bagay na hindi ko sinabi kay Jacob. Alam kong pinapahanap ako ni daddy kaya nagtatago ako sa lugar na ito, pati apelyido binago ko hindi lang matunton ng mga tao niya. Marami akong pinagdaanan sa buhay at dahil sa mga trainings ni dad at mommy Matilda, madali kong nalagpasan ang mga ito.
"Bakit ka nga pala nandito? Hindi ka ba natulog?" Tanong ko pagkaraan ng sandaling katahimikan.
"Hindi ako makatulog eh, at narinig kitang sumisigaw kaya tumakbo na ako rito." How sweet, kung boyfriend ko lang ito naku!
"Matulog ka na." Aya ko.
"Ikaw na muna. Gusto mo bang tabihan kita?" Alok niya wiggling his eyebrow.
Kinikilig naman ako, letse. "Aish. Matutulog na ako, umalis ka na!" Tulak ko at siya namang ikinatawa niya.
"Yes ma'am!" Saka siya tumayo at umalis.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatago, kung hanggang kailan ko makakasama si Jacob, alam kong darating din ang araw na... mahahanap ako ni daddy.
At sa araw na iyon, makakasama ko parin kaya si Jacob? Sa ka-unting panahong nakasama ko siya, malaking pinagbago ng simpleng buhay ko dito. Naging magulo pero sa magandang paraan.
I sighed, looking through the window, madilim parin ang kalangitan. Kaya napagdesisyonan kong matulog ulit.
Kinabukasan, nagising ako mula sa masarap na tulog at nag-inat. Nang makalabas na ako sa sala ay agad na nagningning ang mga mata ko "Whaaa! Pagkain!" Mabilis akong umupo sa sofa nang makita ang gatas at tinapay sa lamesa.
Agad namang lumabas si Jacob mula sa kusina at may dalang... coffee? "Uy saan mo 'to nakuha?" Masigla kong tanong.
"Diba sabi ko sa'yo may bonus ako." Sambit niya at umupo sa harap ko.
"Oo nga pala. Nakita mo pala kagabi?" Tanong ko sabay kagat sa tinapay.
"Yup." Simpleng sambit niya at sumipsip sa kape, agad akong natigilan habang nakatitig na kaniya, ba't ba ang hot niya? Kahit man lang paglagok ng kape sa bawat galaw ng lalamunan niya at paglick ng mga lips niya, napakagat labi na lamang ako, ngunit nang dumapo ang mga mata ko sa mga mata niya, my gosh! He was looking at me!
Agad akong yumuko at nagpanggap na inosente habang umiinom ng gatas. Ano ba 'tong ginagawa ko!
I sensed him smirked at agad akong namula. 'Di nagtagal may narinig kaming ingay ng sasakyan na para bang pagmamay-ari ng police car o ambulance.
"Ano 'yon?" Tanong ko kay Jacob na parang walang paki-alam. Kailangang makialam kami noh, mamaya baka ano na ang nangyayari sa labas tapos bigla na lang kaming susugorin dito.
"Ewan, baka may namatay." Sambit niya habang prenteng umiinom ng kape.
Agad akong tumayo "Baka nga, halika tignan natin."
"Huwag na, mamaya baka ano pang mangyari sa'yo diyan." Ba't ba parang walang paki-alam ito? Sanay na siguro.
"Tch." I ignore him saka lumabas ng bahay.
Nakita ko agad sa may kalayuan doon mismo sa mga kakahuyan ang mga taong nagtutumpukan. Lumapit ako at dahil marami sila, hindi ko makita kung anong tinitignan nila, wala akong magawa kundi magtanong sa pinakamalapit.
"Ahm, miss?" Humarap naman ang babae.
"Bakit?" Tanong niya.
"Ano raw ang nangyari?" Mabilis kong tanong.
"May nakita kasi ditong bangkay at ayon sa imbestigasyon, eh pinatay dito kagabi mismo." Sa sinabi niyang iyon hindi ko mapigilang kabahan.
"May lead ba kung sinong pumatay?" Tanong ko.
"Wala eh." Sagot naman niya.
Sino kaya may gawa nun at dito pa talaga sa lugar namin... ang San Jose kung saan kilala bilang pinakamapayapang lugar dito sa pulo.
**** viona99 ****
Hope you like it, vote and comment, lovelots!
And please don't forget to follow me.
BINABASA MO ANG
The Missing Royals (Completed) ✔
RomancePaano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang...