Kabanata 8 : Hatid

767 48 3
                                    

Tinignan ko ang orasan, 10 pm, sa wakas natapos na din ang shift ko, inayos ko ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad papalabas dala-dala ang bag ko ngunit hindi pa naman ako tuluyang makalabas nang, "Jenna!" Tawag ni Erick, siya ang kasama kong katrabaho tuwing oras ng shift ko rito sa Cafeteria kaya napalapit na din siya sa akin.

"Bakit?"

"Uuwi ka na? Hatid na kita." Alok niya.

"Oo eh, huwag na ma-abala ka pa." Sambit ko saka binuksan ang pinto at lumabas, sumabay naman siya.

"Ano ka ba, kahit kailan hindi ka abala sa akin. Delikado ang panahon ngayon, I insi-" naputol siya sa sasabihin niya nang may biglang tumawag naman ng pangalan ko.

"Jen," humarap ako dito at nagulat sa aking nakita, bakit ito nandito!? "Tapos na ba trabaho mo?"

Tumango ako "Bakit ka nandito?"

"Sinusundo ka, tara na uwi na tayo." Wow hah, makapagbigkas ng 'tayo' to parang mag-asawa lang kami ah.

"Teka dude, sino ka?" Tanong ni Erick placing himself in front of me.

"Boyfriend ako ni Jenna, ikaw?" Panghahamon ni Jacob na pwersahang hinugot ang kamay ko papalapit sa kaniya at siya naman itong tinago ako sa likuran niya.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Erick at ang lungkot dito "Totoo ba 'yon Jenna?"

"Ah... eh..." tumingin ako kay Jacob at pinandilatan siya pero tinaasan lang ako nito ng kilay na para bang nagsasabing 'sabihin mong oo or else' paano kung malaman ni Erick na sa tinutuluyan ko ito nakatira? Paano ko sasabihin na pulubi siya kaya pinatuloy ko sa bahay? Sa gwapong mukha ni Jacob, lalabas akong sinungaling nito. "Oo." Sagot ko kay Erick.

"Ah ganun ba, sige mauuna na ako." Paalam niya at saka umalis.

"Ba't ka nagsinungaling doon?" Iritang tanong ko.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Balik niyang tanong.

"Huy Jacob, ito ang pakakatandaan mo hah baka nakalimutan mo. Pinatuloy kita sa apartment ko dahil naawa ako, 'yon lang. Walang namamagitan sa atin. Tuldok." Ipinagdiinan ko sa kaniya.

"Huwag kang magsalita nang patapos Jenna, wala PANG namamagitan. Ganoon 'yon." Sagot niya.

"Ay sarap mong sapakin, maiwan ka na diyan wala kang kwentang kausap!" Bulyaw ko at nagsimulang maglakad dala ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ko, ano ang nais niyang iparating na wala pa? May plano ba siya?

Napakagat labi na lamang ako habang pinipigilang ngumiti. Shit! Ano ba 'tong ginagawa ko? Ano 'tong nararamdaman ko, hindi pwede ito.

Nang makarating kami sa apartment ay agad ko siyang tinanong. "Kamusta ang sugat mo? Kumikirot pa ba?"

Tumingin siya sa akin at nagkibit balikat "Parang okay naman na, hindi ko naman nararamdaman ang sakit maliban na lang kung magalaw ang mismong sugat."

"Patingin nga?" Tanong ko at lumapit na kaniya.

"Tsansing ka lang eh." Biro niya.

"Nagmamalasakit lang ako Jacob dahil nasa pamamahay kita, kaya kung ayaw mo edi 'wag." Aalis na sana ako nang hinigit niya ang kamay ko paharap sa kaniya, bigla akong nakaramdam ng sparks sa kamay namin na parang magkahawak, nilingo ko ang ulo upang mawala ang kung ano mang hindi nais na kaisipan.

"Eto naman hindi na mabiro, ito oh." Agad niyang tinanggal ang blue shirt niya at mabilis ko namang tinakpan ang mga mata ko.

"Ah! Sinabi ko bang maghubad ka!?" Pagalit kong saad.

"Tch. Ayaw mo nyan with package." Sagot niya.

Maaga akong mamamatay nito eh.

"Isuot mo nga damit mo!" Bulyaw ko habang takip parin ang mga mata.

"Tignan mo na, arte nito parang hindi pa nakakakita ng katawan eh. Huwag kang mag-alala 6 pack abs pa 'to." Alam kong kahit hindi ko nakikita ay nakangisi siya.

Bumuntong hininga na lamang ako nang may pagkalakas, wala akong mapapala sa tigas ng ulo ng lalaking ito.

"Aish." Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko at... olah! Abs! Whaaa! Jenna! Yung sugat! Focus okay, focus sa sugat.

"Pinagnanasaan mo na ata ako eh, dapat na ba akong matakot." Mahinang sambit nito.

Tinignan ko siya sa mata at pinandilatan "Pinalitan mo na ba 'yang bandage?" Magdadalawang araw niya na din itong suot.

"Wala pa." Simpleng sagot nito.

"Tch. Umupo ka nga sa sofa." Utos ko at sinunod naman niya habang naghuhukay ako sa bag ko at ayun! Yung bandage, binili ko 'to kanina nu'ng papunta ako sa trabaho, nadaanan ko kasi ang pharmacy at bigla kong naalala si Jacob, hindi naman siya gaanong kamahalan kaya binili ko na.

"Saan galing 'yan?" Tanong niya nang makita ang hawak kong bandage.

"Napulot ko sa daan." Sabi ko at umupo sa tabi niya, hinanap ko na agad ang dulo ng bandage na nakapulupot sa kaniya.

"Tch. Ikaw hah inaalala mo talaga ako, siguro hindi ka nakakatulog kakaisip sa akin noh?"

Hangin 'to ah! Habang unti-unti kong tinatanggal ang bandage sa katawan niya ay sinadya ko namang galawin ang mismong sugat, pero mahina lang.

"Ouch! Jenna! Kung plano mo akong patayin sabihin mo lang." Bulyaw niya.

"OA nito, nagalaw ko lang nang hindi sinasadya eh." Depensa ko "Siya nga pala Jacob, huwag mo sanang mamasamain, may itatanong lang ako."

"Ano?" Tanong niya at sumandal sa headboard ng sofa.

"May kakilala ka ba? Relatives or friends?" Simpleng tanong ko.

"Wala." Sagot niya at pumikit.

Sa totoo lang, kanina pa ako init na init eh, tuwing lumalapit ang mukha ko sa katawan niya, aish! Ba't ba kasi ang hot nito.

"Tagasaan ka ba talaga? Mukha ka namang hindi galing dito sa Pilipinas. Hybrid ka nga eh." Binulong ko na lamang ang mga huling salita, mamaya marinig niya, magalit pa.

"Sa Mars." Pasimpleng sagot niya.

Alien ba 'to!?

"Sagutin mo nga ako nang maayos Jacob, tinatanong ng maayos eh." I pouted habang sinisimulan ko nang ilagay ang bandage.

Nagmulat siya ng mga mata at umupo nang maayos, hindi naman ako mapakali sa mga titig na pinupukol niya. "Importante pa ba kung saan ako nanggaling Jenna?" Tanong nito pero sa tono niya mukhang seryoso siya.

Nagkibit balikat ako "Hindi naman, pero bakit ka ba nasa lansangan? Wala ka bang kakilala o uuwian man lang?"

"Wala. Pinapalayas mo na ba ako?" Tanong nito na may bahid ng lungkot.

Matagal na ah! Ngayon niya lang alam? Tch.

Tinitigan ko ito sa malaberde niyang mga mata "No, wala ka din namang pupuntahan."

Konsensya ko pa.

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon