Kabanata 1 : Ang Pulubi

1.8K 81 15
                                    

Hayyysss. Sobrang nakakapagod ang buhay pero patuloy parin akong lumalaban.

Hello! Bago ako magsimula, magpapakilala muna ako. Ako si Jenna Madrigal, lahat ng legal pinapasukan ko para lang may mapagkakitaan, eh sa mahirap ako kaya ganyan, dapat praktikal. Naninirahan akong mag-isa sa maliit na apartment sa loob na ng apat na taon.

Ang mama ko namatay na, si papa naman para sakin eh patay na. Mag-isang anak, kaya nagtatrabaho ako nang husto para lang sa pag-aaral at sa ikabubuhay ko.

Nag-aaral pa ako, pero ngayon, graduating na sa kolehiyo gamit ang aking pinaghirapan. Kahit na... binubully ako dahil sa sitwasyon kong 'to, wala akong pakialam, wala naman akong inaagrabyado.

Kakatapos ko lang ng shift ko dito sa Cafeteria kaya uuwi na ako. Nang makalabas ako madilim na ang paligid...

Nagsimula akong maglakad hanggang sa madaanan ko ang Bakery ni Aling Martha. Tamang-tama gutom na ako! Bumili ako nang isang supot ng tinapay. Kakainin ko to mamaya sa bahay.

Sa aking patuloy na paglalakad dito sa kalsada bigla kong nakita ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang hihingi ng barya...

Teka- anong nangyari sa mundo ba't ganito kagwapo ang pulubing 'to??? Hhmm... Iuwi ko kaya to sa bahay... Oh shi*! Jenna! Ano bang pinag-iisip mo!? Pulubi yan!

Hayysss. Hopeless romantic talaga ako, sa edad kong 20 eh hanggang ngayon, wala pa akong boyfriend!

Hindi ko naman maikakaila, busy eh, wala akong time lumandi sa ibang lalaki, eh wala din naman akong makitang pwedeng landiin... haysss. Pero sa totoo lang busy talaga ako. Umaga ba naman, pag-aaral inaatupag ko, sa gabi mga raket ko naman. Paano pa ako makakahanap ng ideal man? Hehe pero okay lang basta makapagtapos ako ng pag-aaral.

Teka! Nakalimutan ko, haha natulala na naman ako. Gabi na, siguradong gutom na ang taong to. Eh kung nagtrabaho kaya siya nang may mapagkitaan din!? Eh ang laki ng katawan niya noh! Well-built pa.

Hindi ko maintindihan kung bakit ko binigay ang tinapay na kakabili ko lang kay Aling Martha. Siguro sa awa, hindi naman sa kagwapohan ano?

Mas kakailanganin niya to, makakapagluto naman ako mamaya.

"Heto oh, kainin mo ngayong gabi. Pasensya na iyan lang maibibigay ko." Nakangiti kung iniabot sa kaniya ang supot pero napansin kong hindi ito dito nakatingin kundi sa kanang kamay kong may hawak ng supot. Sandali pa'y nag-angat na ito ng mukha at...

Nang tumingin siya sa akin. OMG! Hihimatayin yata ako, ang gwapo niya sa malapitan! Nang ngumiti siya... pigilan niyo ako! Iuuwi ko na to! Jenna naman! Maghunos-dili ka, pigilan mo nga yang hormones mo!

Ang gwapo my gosh. Ala Greek God! Pwede to maging supermodel! Eh bakit nandito ito? Baka walang gustong tumanggap dahil pulubi...

"Thank you." English!? Nosebleed naman ako! Pero grabe ang boses niya makainlove! Hihi. Jenna! Tama na huhu, kahit pulubi papatusin mo...

Kinagat ko na lang ang lower lip ko habang kinukuha niya ang supot ng tinapay. Nakakapanghinayang... Kung makita ito ng isang manager, siguradong sisikat 'to. Hayyysss... iba na talaga ang mundo, ang gwapo ng pulubi.

Bago ako mawala sa sarili ko at baka maiuwi ko pa ang pulubing ito, tumalikod na ako at naglakad ng mabilis pauwi.

Bahay! *Grrrr*

Agh! Gutom na ako, huhu. Kinuha ko ang dalawang pancit canton sa aparador at nagsimulang magluto.

Naligo muna ako at nagbihis sa itim kung tshirt, paborito ko 'to eh. Tamang tama hindi na masyadong mainit ang noodles. Hmmm... Nang isusubo ko na ang kutsara biglang may kumatok sa pintuan.

Aish! Ano ba naman yan! Sino ba namang kakatok sa pintuan ng hating gabi!? Teka- OMG! Hating gabi may kumakatok sa pintuan ko... huhu.

Biglang lumakas ang pagkatok, baka emergency... pero wala naman akong kaibigan na kakatok ng ganitong oras. Mas lumakas at bumilis ang pagkatok ganun na din ang bilis nang pintig ng puso ko. Hayss... bahala na! Anong silbi nang trainings ko sa Taekwondo at Karate kung hindi ko naman gagamitin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nang may inis sa mukha, paano ba naman pinutol ang kain ko. Pero... "Oh my gosh!!" nagulat ako sa aking nakita... pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.

*********** ************

Who might it be? Who do you think it is?

Please vote if you like the story. Thank you so much!

The Missing Royals (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon