Hindi parin maiaalis sa isip ko ang kaba simula nang malaman kong may nakitang patay sa lugar namin, worse ay pinatay ito, ilang taon na ako sa lugar na iyon pero hindi pa nagkaroon ng ganoong balita. Inaamin ko, noong bata pa lamang ako ay sanay na ako sa mga ito, halos bawat araw krimen ang ginagawa ng mga workers ni daddy o di kaya'y si daddy mismo. Iyon nga lamang ay hindi maialis sa isip ko na baka may kinalaman dito si daddy.
"Huy!" Nakita ko ang pagpitik ng mga daliri ni Zairah sa harapan ko, tinignan ko siya "Kanina ka pa tulala ah, anong problema? Nag-away ba kayo ng HINDI mo jowa?"
"Tch. Tigilan mo nga ako sa lalaking 'yon." ani ko naman na may bahid na inis pero hindi ko maikakaila ang kilig tuwing maiisip ko ang nangyari kagabi, omo! Nagyakapan kami!
"Ayan, nangingiti ka na naman, baliw ka na Jenna. Naku! Magpatingin ka na sa Doctor, doon sa HINDI mo jowa." Tch, ilang beses niya ba talaga pagdiinan ang hindi!?
"Andyan na si Prof, pumunta ka na sa upuan mo." Pagbabago ko nang usapan saka naman ang pagpasok ng Prof. namin. Agad na nagmadaling bumalik sa upuan si Zairah.
*****
Pagkatapos namin magdinner ay agad ko nang inayos ang hapagkainan.
"Kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ni Jacob.
"Ayos naman. Graduating kaya medyo busy na." Sagot ko at tumango ito.
Agad kong hinugasan ang mga pinggan, nang matapos ay pumunta na ako sa sala at nakitang nanonood si Jacob ng God Must be Crazy, maya-maya pa'y natawa ito. Teka... "Saan galing 'yang popcorn?" Tanong ko nang makita ang kaniyang kinakain.
"Binili ko doon sa labas kanina, habang naghihintay sa'yo." Sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa TV sabay tawa.
Umupo ako sa kaniyang tabi at umabot ng popcorn mula sa supot na hawak niya pero, "Ouch! Ba't mo 'ko pinalo!?" Singhal ko sabay himas ng kamay.
"Huwag kang kukuha ng hindi sa'yo, ito oh." Sabi niya at inabot sa akin ang isa pang supot ng popcorn.
Ngumiti ako "Binilhan mo rin pala ako, salamat hah."
"Welcome!" Ngumisi siya at bumaling ulit sa TV.
Nanood na lang din ako sa TV kaysa siya ang panoorin, but on the other hand, masarap siyang panoorin. Jenna!
Aish. Tinuon ko ang pansin ko sa TV, and then nakita ko ang isang German na lalaking buhat-buhat ang isang magandang babae sa ilog para hindi ito mabasa ngunit bigla itong natumba kasabay nang pagtilapon ng babae sa ilog, natawa ako. Shit! Comedy pala ito!
Nakangiti akong nanonood habang kumakagat ng popcorn ngunit napansin kong tahimik na si Jacob kaya agad ko siyang binalingan ng tingin ngunit namula ang mga pisngi ko nang makita itong nakatitig sa akin. Muli akong tumingin sa TV, awkward.
"Jen..." tawag niya.
"Hhmm." Sagot ko na hindi ito tinitignan, mamaya hindi ko na mapigilan sarili ko eh sunggaban ko na 'to, wala pa naman akong tiwala sa sarili ko.
"Paano kung isang araw mawala na lang ako bigla, anong gagawin mo?" Tanong niya na nagpakunot ng nuo ko.
I glanced at him. "Saan ka naman pupunta?"
Kibit balikat siyang sumagot "Ewan, siguro sa pinanggalingan ko... hindi ko alam."
"Saan ka ba kasi talaga nanggaling?" I asked demanding for an answer.
"Sa Mars." Pilosopong sagot nito at bumaling sa TV.
"Jacob! Huwag ka nga magbiro." Suway ko rito.
"Tch. Hindi na importante kung saan ako nanggaling." Sagot niya at sa tono nang pananalita nito mukhang hindi niya ako sasagutin nang maayos.
"Eh bakit ka ba napadpad sa lugar na 'to?" Tanong ko, siguradong may malalim na dahilan kung bakit ang gwapong nilalang na ito ay isang pulubi at nakarating sa lugar namin.
"I was looking for my first love." Malalim itong nakatingin sa TV but I don't think nanonood ito.
Nakaramdam ako ng sakit pero hindi ko mawari kung ano, saan at paano. First love... para siyang isang kutsilyo na binaon sa puso ko... ano ito?
Lumunok ako "May first love ka pala?"
"Oo, in fact napakaganda niya." Sagot nito sabay tingin sa akin.
"Nahanap mo na ba?" Tanong ko rito.
"Sa tingin ko." Nagkibit balikat siya.
Another pain was shot right at my heart "Sino?"
Ngumisi siya "Secret, hindi mo nga sinabi sa akin kung sino crush mo eh. 'Kala mo ikaw lang."
Tinoon ko ang pansin sa TV at humugot ng hininga "Nakita mo na pala siya, bakit hindi ka pa bumalik sa pinanggalingan mo?" Hindi ko alam pero biglang tumigas ang pananalita ko, siguro sa dugong nananalaytay sa aking ugat, sadyang lumalabas kapag hindi ko macontrol ang nararamdaman ko.
Ano ba kasi ang nararamdaman ko?
"Ayaw mo na ba akong makasama?" Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Jacob kaya agad akong napatingin dito.
"Hindi naman sa ganun, ayaw mo bang umuwi?" Malumanay kong saad, may kakilala naman pala siya eh... iyong first love niya.
"Wala naman akong mauuwian. Siya nga pala," may hinugot siya sa bulsa ng pantalon niya, nakabili na pala siya ng mga damit nitong nakaraan, sinamahan ko kasi siya sa ukayan. Agad siyang may ibinigay sa akin na mukhang matigas na papel, "Ayan ang larawan ng first love ko. Mas cute pa 'yan sa'yo kaya sa'yo na 'yan." Pagmamalaki niya.
Nakatalikod ito kaya hindi ko pa nakita at wala akong balak tignan, I don't care kung mas cute o maganda pa siya sa akin, proud ako sa sarili ko noh.
"Bibigay mo saakin?" Tanong ko.
"Oo, nahanap ko naman siya kaya hindi ko na kailangan." Sambit niya sabay dapo ng tingin sa TV.
"Okay, matutulog na ako." Sabi ko sabay tayo at naglakad na papasok sa kwarto.
Tch. Aanhin ko naman itong larawan ng first love niya, tingin niya kapag makita ko ang larawan kakainggitan ko ang babae niya, no way!
Kaya hangga't hindi ko pa nakikita, inipit ko na lang ito sa loob ng libro na pinakamalapit sa akin. Hindi ko na lang ito titingnan baka mamaya maconscious pa ako sa sarili ko. Oo na! Hindi ako kagandahan, eh ano naman. Kaya siguro walang lalaki ang lumalapit sa akin. Mayroon nga pala, nakikitira lang naman.
***** viona99 *****
Vote and comment and please follow me, thank you!❤
BINABASA MO ANG
The Missing Royals (Completed) ✔
Roman d'amourPaano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nang...