Special Chapter (adoption)

45 3 3
                                    

Warning: Spoilers

(These part will not be shown on Ella's story. It was just a side story part of how Ella brought children home to be her daughters)



15 years after...

Arya Madison Kelly;




Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto namin ng asawa ko. Ano na namang problema kaya ito? Madilim pa ah. I checked the clock and it's still early in the morning. Like fuuuuuuuuck..


Ginising ko naman si Gabriel sa tabi ko. Hindi parin tumitigil ang katok at tinatamad akong magbukas. Mukhang hampas na nga maituturing yun eh, hindi na katok.

“Hoy, bangon may kumakatok,” yun lang ang sinabi ko bago nahiga ulit.

“Teka bakit ang lakas naman ata... Hayaan mo na, panaginip lang toh. Higa tayo ulit.” niyakap niya pa ang braso sa beywang ko.

Pareho kaming napabalikwas nang sumigaw na nga ang tao sa labas ng kwarto.

“Mama!!” boses yun ng panganay ko

“Ma!!” ang isa naman ay boses ng bunso kong lalaki

“Papa! Gising!” ang huli ay boses ng kambal niya.

Napabuntong-hininga nalang ako bago tuluyang bumangon at umalis sa kama, sinout ko ang robe bago pumunta sa pinto. Bumangon na rin si Gabriel habang sinusout ang T-shirt niya. Hinintay ko muna siya matapos bago buksan ang pinto.

There I saw my three angels. Ellaija Mounique, Carmen Blair and her twin Jordan Riley. They were smiling happily in front of me. Blair got her father's ocean blue eyes while her twin Riley got my Hazel brown one.

“Oh, Ella, Blair and Riley. Ang aga niyo naman. Anong kailangan niyo?”

Nakasout pa ng pajamas ang kambal na kulay blue and pink. Magulo pa ang buhok at namumungay pa ang mga mata habang si Ella naman ay nakasuot pa ng pangparty na damit. Mukhang kakarating lang niya.

5 am na ah...


They were so excited when they pulled us on the way to our living room.

“Come on mommy, we will show you our pamangkin!” excited na tili ni Blair habang hawak ang isa kong kamay.

Napahinto naman ako at nanlalaking tumingin sa panganay ko. Buntis siya?! at the age of 20?!

“B-buntis ka?!” di makapaniwala kong sigaw. Nasa hallway pa kami at di pa nakakababa ng living room. Si Gabriel naman ay mabilis na tumakbo papunta sa direksyon namin nang marinig yun.

“Sinong buntis?! May nabuntis ka Jordan? Ang bata mo pa ah!”

Di ako makapaniwalang tumingin naman kay Gabriel.

“Hoy! 14 years old palang yang anak mo. Si Ella tinutukoy ko!”

“Huh? Mom. Dada, huminahon nga kayo. Walang buntis dito, okay? Tayo na nga lang sa living room. God, I'm just 20 years old. I didn't even have a boyfriend!” naiinis niyang sagot sa'min.

“Akala ko ba si Drake?” pabirong singit ni Gabriel.

“Anong si Drake? Tigilan niyo nga yan dad. may girlfriend na yung tao. Hayaan niyo na lang...” napairap pa ang anak ko habang pababa.

Tumatawa-tawa nalang ang asawa ko ngayon. Kahit kelan talaga hindi matino kausap.

Upon arriving at the living room. I am surprised to see a little girl holding a baby. Parang bagong panganak lang yun at nasa lampin pa. Madungis din ang batang may hawak sa kaniya. Mukhang kakatakas lang.

1: What's Hidden Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon