Twenty Five

48 6 0
                                    



Arya Madison Kelly;

"Happy birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday dear Elle... Happy Birthday to you..."

We sang in chorus as we clap our hands slightly. Ellery were smiling from ear to ear while holding Ellaija on her hand. Sabay pa silang nagblow ng candle. Parang silang dalawa yung may birthday eh. Nakakatuwa silang dalawa tingnan. Sa loob ng isang araw ay naging close na nga ang dalawa.

Kami-kami lang naman ang narito. Kasama narin sila Eric, Isay at manang. Naka-held ang mini-party sa pavilion ng mansion na ang tapat lang ay ang magandang dagat.

"Sige, kainan na!" sigaw ni Gabriel na parang siya yung may birthday. Eh nakikibirthday lang naman siya. Tsk.

Naka-buffet ang mga pagkain kaya nagsikuha na kami ng makakain. Inuna kong kuhanan si Ellaija ng pagkain. Kinuhanan ko siya ng Juice at binigay muna sa kaniya yun bago tanungin kung anong pagkain ang gusto niya.

"Anong gusto mo?"

"Yung beef steak mommy, please then yung fries po. Thank you mommy."

Di ko naman na pansin na nakasabay ko ng kuha si Isay ng steak.

"Una na po kayo Ate," aniya habang iginiya ako sa steak na kinukuha ko.

"Thank you, pero teka nga Isay... kung nandito ka, sinong nagbabantay sa Café?"

"Si ate Xoan po... nagkausap na sila ni Lady Airreanna at nagpresenta siyang siya muna ang magma-manage ng café..." imporma niya sa'kin.

"Okay sige... pero mag-uusap tayo bago kami umalis ng isla, may importante akong sasabihin sa'yo."

"A-ano po yun?" Kinakabahan niyang tanong.

"Sabi nang pagka-alis lang namin dito sa isla eh, sige na bumalik kana doon sa mesa," ginulo ko ang buhok niya bago siya bumalik doon sa mesa na pagkakainan namin.

At ayun nga matapos kong kuhanin ang gusto ng anak ko ay hinatid ko na siya doon sa upuan sa tabi ni Gabriel.

"Wow, nauna ka pa talagang kumain kesa sa anak mo noh!"

Binatukan ko kaagad siya. Napalingon naman siya sa akin dahil sa ginawa ko. Akala ko aawayin niya ako pabalik pero kabaliktaran ang nangyari. Nakangisi siya ngayon nang nakakaloko.

"So okay na tayo? Tanggap mo na ako as daddy ni Ella? sabi mo anak ko eh. Ehh, ikaw talaga Maddy... Sabihin mo na kasi na mahal moko para mapakasalan na kita,"

Pinagsasabi nito?

"Tumigil ka nga jan. bitawan mo nga ako! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo," winaksi ko na yung kamay niya at tinulak siya palayo. Nakakapanindig- balahibo ang pinagsasabi niya. Naiilang na rin ako sa makahulugang tingin ng mga tao sa hapagkainan. Ang laki rin ng ngiti ng anak ko habang nakatingin sa'kin.

Nung naglakad ako paalis, narinig ko pa na kinakausap ni Gabriel si Ellaija.

"Rinig mo yun anak? Nakakakilabot daw kaya kumain ka nang marami para di ka maging katakot-takot sa eyes ng mama mo. Sige hatiin ko muna yung steak mo..."

Nang bumalik ako sa buffet nakatawag kaagad ng pansin ko ang meat balls sa tabi. May kasama yung Sweet-chili sauce para mas sumarap iyon. Naglagay kaagad ako ng isa sa plate na hawak ko at yung isa ay sinimulan ko nang kainin.

Mmm... Masarap nga at crunchy ang laman. Teka, bakit crunchy? bakit nag-iinit ang lalamunan ko?

Oh sh!t...







1: What's Hidden Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon