Six

67 25 7
                                    


Shun Gabriel;

"Is this all you want me to investigate, sir?" our personal investigator asked.

"Yes. Sa ngayon, you need to gather all of the victims of Mr. Huarez para mas mapalakas pa lahat ng mga ebidensya laban sa kaniya. Alam kong wala na siya pero kailangan parin nating masigurong lahat ng pag-aaring meron siya na mula sa ilegal ay mawawala sa kaniya at mabigyan na rin ng sapat na hustisya ang mga pamilyang na-argabyado niya."

"Yes, sir. We'll finish gathering them para sa pagkakakilanlan ng iba pang kasabwat niya. By this evidences you have, Maraming ibang politicians ang exposed. Kailangan lang nating mangalap ng mas marami pang ebidensiya. We'll start to search for the witnesses today, Sir."

"Good. You can go now."


"Yes sir." He bowed a bit on me and left my office.

I massaged my head.


I'm stressed out. Mabuti nalang may imbestigador dito kundi mababaliw ako kakahanap ng mga witnesses ng mga kagagohang pinanggagawa ng Governor na yun. Wait, is it governor or congressman? Nevermind.

Marami ring ibang politicians ang involved kaya dapat mas matibay na ebidensya ang kailangan para mapatalsik sa pwesto ang mga iyan. Masyado nang hindi maganda ang pamamalakad ng gobyerno. Dapat nang itama.

Nakabalik ako sa kasalukuyan nang may marahang kumatok sa pinto.

"Pasok!" I shouted.

Pumasok naman ang isa sa mga katulong namin rito sa bahay. "Sir, nariyan na ho ang Bodyguard niyo."

Nang banggitin niya ang bodyguard ko ay bigla kong naalala na sasamahan pala namin ngayon pauwi ng isla sila Naomi.

It's been 2 days since Naomi was discharged in the Hospital at ngayon ang alis nila papuntang isla na pagmamay ari nila sa palawan. Medyo malayo iyon sa maynila kaya sasamahan namin sila doon.


I got my phone and bag and went downstairs. Naabutan ko siyang nakatayo at nakatingin sa relo niya. Hindi naman siguro kami late?



She's gorgeous as always. Ang di lang ako sigurado ay kung sa lalaki o babae ba ito nagkakagusto. She's now wearing a white plain oversized shirt tacked in her denim jeans. She's wearing a sneakers. Nakalugay rin ang maiksi at bagsak niyang buhok na hanggang ibaba ng balikat.

She's pretty all over-

I stopped admiring her beauty as she slapped my shoulders hard.

"Stop staring at me and let's go." Ma-autoridad niyang sabi.


Kung makapagsalita akala mo naman siya ang boss. Kung makahampas kala mo lalaki!



Nauna na siyang maglakad sa'kin kaya sumunod nalang ako. She's holding a small bag with her. I'm simply wearing a gray T-shirt and a cargo shorts.

"Who's the one driving?" she suddenly asked.

Bumaling ako sa kaniya at nagsalita. "Ah me-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang pumasok na siya sa drivers seat. Masyadong mabilis ang kamay niya di ko namalayang na sa kaniya na ang susi. Damn it! What kind of life does she have?! Maybe a snatcher? Nanghoholdap siguro ito bago naging alalay ni mama.


Masyadong malalim ang iniisip ko di ko namalayang matagal na niya pala akong tinititigan. "Are you deaf or not?, malalate na tayo susunduin pa natin sila diba?"

"Oh. yeah,"

Sumakay na rin ako sa shotgun seat. Inayos ko ang pagkakakabit ng seatbelt. Well it's my First time riding my own car and I'm not the one driving it. Magaling kaya siyang magdrive? Well, it's double meaning so piliin niyo nalang kung anong isipin niyo.

1: What's Hidden Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon