Seven

72 24 7
                                    


Arya Madison Kelly;

"Good morning, Miss Madison. Upo ka" bati sa'kin ni Naomi pagkababa ko mula sa kwarto.

Di pa ako nakapagligo dahil sa lalaking yun! Di ko alam na may pagkamahalay pala.

"Morning." Umupo na rin ako sa upuan na nasa tabi niya rito sa island counter.

Sumimsim ako ng kape at sinimulan nang kainin ang pancake na nakahain sa mesa. Tahimik lang kaming dalawa sa kusina nang makarinig kami ng malakas na iyak ng bata.

Mabilis na tumayo si Naomi at tumakbo papuntang salas ng bahay nila. Sumunod naman ako kaagad.

"Mamaaaaa!" sigaw ng bata nang makalapit kami.


Kinarga naman siya ni Naomi at inalo.

"What happen baby?" tanong niya sa bata.

"Hurt, me. He hurt"


I immediately went to the baby's side and check her. Napansin ko kaagad ang ilang mapupulang pasa sa braso nito na parang hinampas o di kaya nahawakan ng mahigpit. Namumula rin ang sa leeg niya banda.


Pinakita ko naman kaagad iyon kay Naomi. Mangiyak-ngiyak naman siya ngayon.

"Oh my God.. I'm so sorry baby" inaalo niya parin ang bata para kumalma.

"Wait... Diba may sout tong necklace?" I suddenly asked. Agaw pansin kasi ang pagkakagawa ng necklace ng bata kaya napansin ko kaagad na nawawala ito.

After hearing my question, Naomi immediately panicked. She started murmuring something that I cannot understand. Maybe it's about the necklace.


"I think you should go to Shun. Ask him to find my ointment, nakalagay yun sa bedside table. I'll find the one who did this. I will give Ellery's necklace back."


Tumango lang naman si Naomi kaya kinuha ko na ang kape at dinala sa labas para doon na iyon ubusin. Tutal hahanapin ko lang rin naman kung sino ang nakagawa ng ganoon sa bata.

Pagkalabas palang ay bumungad na sa'kin ang katamtamang lamig ng hangin. Napakaganda talaga ng isla. I closed my eyes to have a deep breath.

This place is so relaxing.

Ginamit ko muna ang tsinelas na hiniram ko kagabi para maglakad sa buhanginan. Napakalinaw rin ng tubig rito. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa maka-abot ako sa liblib na parte ng isla kung saan may Kubo sa gitna nito.

I stayed by the seashore for a couple of minutes to finish my coffee.

Nang lumiko ako pabalik sana sa beach house nila Naomi, nakita kong hila-hila ng lalaking manyak ang medyo batang babae. Mga nasa 14-15 yata ang edad base sa itsura. "Diba sabi ko, dapat tahimik ang pagkuha mo nun! E bakit ang tagal mo ha?! Kailangan ko pa tuloy saktan!" mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ng bata. Umiiyak na rin ngayon ang bata.

"So-sorry po"

"Asan na ang kwintas! Napakabobo mo talaga, Isabel!" dinuro-duro pa nito ang ulo ng bata. Pocha! Another toxic na naman sa lipunan. Napagtanto ko namang sila ang rason kung bakit umiiyak si Ellery kanina.

"Di ko po na-nakuha," sagot naman ng bata.


Di niya siguro ako napansin. I brushed my hair and finish drinking my coffee. Walang buhay kong kinuha ang tsinelas at tinapon sa mukha ng manyak nato.


1: What's Hidden Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon