Chelle POV
"Hi I'm Chelle Joaquin, ang babaeng mabait sa mabait, masipag,matalino.. yan mo na sa ngayon ... Dahil may pupuntahan pa ako ngayon." pakilala ni Chelle
May pupuntahan ngayon si Chelle sa hospital para bisitahin ang kanyang ama na may sakit sa puso na si Mr.Joaquin. Mabait na anak si Chelle napakaswerte ng kanyang ama dahil may anak sya na maalaga.Dahil sa edad na 18 ay napaka independent na niya. Ulila na si Chelle sa Ina. Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na Cancer. Mayaman noon sila Chelle dahil may sarili silang companya. Pero di alam ng ama ni Chelle na niloloko na paka sya patalikod ng kanyang business partners. Kaya bumagsak ang companya nila Chelle. Noon maganda ang buhay ni Chelle. Pero ngayon naghirap na sya sa buhay kasama ang ama nya.******** Hospital
"Ano ba miss di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo !" sigaw ng lalaki ky Chelle
Nag mamadali si Chelle papunta sa room ng kanyang ama para maibigay nito ang pagkain sa pang almusal. At di na nya napansin na may naka bangga syang lalaki na gwapo ... Pero napakacold kung titignan ang kanyang mga mata.
"Pasensya na po nag mamadali kasi ako ,sorry" habang pinunasan ni Chelle ang damit ng lalaki
"Sorry! Ano ba ang magagawa ng sorry mo sa tinapunan mo ng kape ang damit ko,miss" galit na sinasabi ng layaki
"Hoy!Mister sorry na nga di ba Di ko po sinasadya,sorry"sabi ni Chelle
" Kainin mo yang sorry mo, dahil Hindi mo naman matanggal tong dumi sa damit ko!" Na iinis na sabi ng lalaki ky Chelle habang paalis na into
"Sorry na po ,sir" Sabi ni Chelle
Di na pinansin ng lalaki ang sinasabi ni Chelle dahil umalis na ito ...
At ganun na din si Chelle papunta na sya sa kanyang ama.
"Papa namiss kita" habang niyakap ni Chelle kanyang amang may sakit
"Bbygirl ko namiss kita subra" Sabi ng papa ni Chelle
"Bbygirl kamusta ka na anak don sa tita mo, musta na pag aaral mo, hayyy anak yung sinasabi ko sayo na_"
Di pa natapos ang sasabin ng papa ni Chelle ay sya na ang tumapos sa sinabi ng kanyang papa.
"Wag muna mag boyfriend dahil di pa pwede, pag aaral muna ang atupagin bago ang pag ibig" habang nakangiti nasabi ni Chelle sa kanyang ama.
"Papa, di kp yun kinalimutan dahil wala akong plano na biguin kayo, At papa okay naman ako kila tita inalagaan naman ako nila, at higit sa lahat di ko pinabayaan pag aaral ko papa." Habang sinasabi nya yun sa kanyang ama ay naka upo sa tabi ng higaan ng kanyang papa.
"Mabuti naman kung ganon anak,pakabait ka doon bbygirl,mahal na mahal kita " sabi ng papa nya
"Pakagaling po kayo papa, mahal na mahal na mahal ko po kayo papa" sabi naman ni Chelle sa kanyang ama
"Papa, kain na po kayo may dala akong pag kain dito" sabi .
Masayang nag kukwentuhan ang mag ama. Dahil sa ganon lang na paraan para mag bonding silang dalawa. Masaya si Chelle dahil makita na ang kanyang papa na gumagaling na.P.s update na lang ako bukas... Salamat sa pagbabasa
Paki follow po ako. At follow back ko po kayo .. Lovelots😘
YOU ARE READING
Mr.Coldman (On Going)
Teen FictionPano kung isang araw ay makatagpo ka ng isang tao na napakacold parang yelo, pano mo sya mababago. Makakaya mo ba na mainlove sa kanya o pipigilan mo na lang ang nararamdaman mo sa kanya .