GOODBYE , JENNIE.

954 29 3
                                    


CHAPTER 14

---

Lisa's POV.

Pababa na kami sa sasakyan nila Seul at Chu para makapunta agad sa entrance ng airport. Habang tumatakbo papunta sa entrance ay paaulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung may nagawa ba kong mali bakit ako biglang naisipang iwan ni Jennie. Hindi lang basta break up, lalayo pa talaga sya sa akin. Hindi lang malayo, sobrang layo. Hindi ko alam anobg naisipan niya bakit kailangan niya kong iwan at pumunta pa sa New Zealand.

Habang tumatakbo kami ay tumawag si Minnie kay Jisoo at sinabing sa Gate 7 na lang kami pumunta at mas malapit. Ng makarating kami rito ay agad akong napangiti dahil maiksi ang pila pero sobrang mabusisi ang pagccheck ng mga securities.

Habang chinecheck kami ng mga ito ay mas lalo akong naging balisa nung tumawag si Minnie sa amin na paalis na daw sila Jennie at papasok na sa immigration. Ako na lang ang huling chinechek ng gwardya at saglit lang din at salamat natapos na. Tumakbo agad kami para hanapin sila at ng agad kong nakita ko si Jennie na suot ang bag na binili ko para sa kanya.

Tinawag namin syang tatlo na malakas na syang dahilan bakit ito agad napalingon. Nagulat sya ng bgla siyang humarap at binigyan kami ng what-are-you-doing-here look.

Hindi ko alam, kung bakit ako unti unting lumalapit sa kanya. Hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko na rin iniisip ang itsura ko at sasabihin ng mga tao sa paligid. Basta iniisip ko kailangan ko sya pigilan sa pag alis nito.

"Lisa?" Saad nito sa akin.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo na talaga ko?" Sagot ko naman rito.

Di sya umimik pero narinig kong nagsalita si Tita, ang mommy nya mula sa likod. Kahit ang nanay nito ay hindi makatingin ng diretso sa akin at iniiwasan niya kong tignan.

"Jennie, baby , lets go. Mallate na tayo." Sabi nito sa kanya.

Unti unti ng pumapatak ang mga luha ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng nga tao sa paligid. Basta gusto ko lang kumuha ng sagot. Bakit kailangan nyang umalis. Bakit kailangan niya kong iwan.

"Please give me a bunch of minutes mom." Sabi naman ni Jennie sa kanya kaya tumango lang ito.

"Okay, sumunod ka. Mauna na ako." Sagot ng Mommy nya sa kanya at tuluyan ng umalis.

Humarap na sya sa akin. Walang reaksyon. Walang kahit ano. Pero namumula na ang mga mata nya. Halatang gusto ring umiyak. Pero nilalakasan nya lang ang loob nya para magmukha siyang matapang sa paningin ko.

"Ano ginagawa mo dito? " Agad na tanong niya sa akin pagkaharap niya.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

Hindi sya sumagot. Umiwas lang sya ng tingin sa akin. Tinignan nya si Jisoo, Seul at Minnie na nasa likuran ko at nginitian nya ang mga ito at sabay kumaway.

"May nagawa ba kong mali bat kailangang dumating sa punto na aalis ka pa?" Dugtong kong sabi sa kanya.

"Hiwalay na tayo di'ba? Ano pa bang aasahan mong sagot sakin?" Sabi ni Jennie sa akin.

I feel my heart broke into pieces pagkatapos niyang sabihin iyon. Nanlamig ang katawan ko na para bang alam ko na masasaktan pa ko sa mga susunod nyang sasabihin sa akin.

"Lisa, maayos tayong naghiwalay kahapon. At kung tatanungin mo ko kung anong dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay. Oo, hindi na kita mahal. Ayoko na sa relasyon natin at hindi na ako masaya. Kaya ko pupunta ng New Zealand at para makapag focus ako sa career ko. Alam mo yun sa simula pa lang, sana hindi kana pumunta dito at kwentyunin pa ako, kung anong nangyari sa atin." Paliwanag ni Jennie sa akin habang nakatitig lang sa mga mata ko.

Wala na kong maramdaman sa sobrang sakit. Sobrang sakit marinig sa taong mahal mo ang mga salitang iyon. Para kong sinaksak ng libong beses na hindi ko alam kung makakatayo pa ba ko. Nanlalambot ako. Gusto ko sya yakapin pero hindi ko magawa.

"Sige na, mauuna na ko at baka malate pa ko. Mag ingat ka sa pag uwi, at salamat sa pagpunta rito."

Akmang aalis na sana si Jennie kaso pinigilan ko sya at hinawakan sa mga braso nito. Tutal aalis na rin naman siya, may gusto lang sana akong sabihin sa kanya.

"Jennie, wait. May gusto lang ako hilingin sayo." Sabi ko rito sabay punas sa luha kk.

"What?" - Jennie

"I know, you dont love me anymore. Alam ko masaya ka sa desisyon mong yan, kaya nga nandito ka na ngayon at iiwan mo na ko. Mag iingat ka palagi don ha? And please take care of yourself." Ngiting saad ko sa kanya. Humgina muna ako ng malalim at tsaka sinabi ang pabor na hihingiin ko sa kanya. "Please hug me for the very last time and pretend that you love me. Please?" Umiiyak kong saad sa kanya.

Narinig ko na nagbuntong hininga sya sa sinabi ko. Pero wala na kong ibang maisip na pabor. Gusto ko sya yakapin kahit sa huling pagkakataon lang.

Tinignan nya ko at biglang inakap. At dun na tuluyang pumatak ang mga luha ko. Habang yakap niya ko ng mahigpit ay binulungan nya din ako at sinabing.

"Alis na ko baby. Mag iingat ka rito ha, mahal na mahal na mahal kita. Always take your vitamins ha, and don't forget to drink your favorite chocolate drink every morning. I'm gonna miss you, my Manoban. Babalik ako ha? Hintayin mo ko okay? I love you!" - Jennie

At hinalikan nya ko sa pisngi. Sabay alis sa yakap namin at ngumiti pabalik. Tumalikod na sya at pinunasan ang mga luha niya at hinila ang maleta papasok sa immigration.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng gusaling ito na parang walang ibang tao. Ang lambot ng katawan ko. Iyak ako ng iyak. Hindi ko na alam para san pa bakit ako nabubuhay rito.

Tinignan ko siya habang nasa malayo at papasok na sa loob. Ngumiti na lang ako kahit sobrang sakit at sobrang hirap.

Goodbye, my Ruby Jane. Mahal na mahal kita. Hanggang sa susunod nating pagkikita. I'm gonna miss you.

-end of flashback-

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon