IT'S A YES.

806 22 4
                                    


CHAPTER 34

---

Jennie's POV

Nakakuha na kaming lahat ng pagkain namin ng tinignan ko ang direksyon ng squad ni Lisa na nagmamadali maubos ang pagkain nila. Tinignan ko naman si Chae at Irene at tinanong kung bakit nagmamadali ang mga iyon kumain. Sabi nila sa akin ay hindi nila alam at baka lalabas sila para dun magharutan.

Tinignan ko din ang ibang staff dito sa hall at tinanggal ang pinaglalagyan ng mic at inayos ang buong stage ng walang kahit anong nakalagay rito.

"May party pa ba after nito? Natanong mo ba si Jisoo about dito?"

"I'm sorry Jennie, pero hindi ko kasi alam eh." - Chae

Ng masagot ako ni Chae ay agad sila nagtinginang lima at pakiramdam kong may tinatago sila sa akin. Napahinto ako sa kinakain ko ng tumayo ang squad ni Lisa at lumabas.

"Saan naman kaya pupunta yung mga yon?" - Irene

"I don't know. Hindi nga nagpaalam sakin si Jisoo eh." - Chae

Ng makalabas ang anim na asungot ay agad na niligpit ng mga waiter ang pinagkainan nila at nakita kong palabas na sila ng entrance ng hall. Nagbubulungan pa sila at naghaharutan. Inisip ko na lang na baka nga magkkwentuhan sila sa labas kaya ganun.

Ng matapos kami kumain ay agad ko ding inaya ang girls sa comfort room para mag retouch. Agad naman sila pumayag at tumayo na. Ng makapasok kami sa cr ay tinanong ko sila kung gagamit ba sila ng cubicle o hindi.

"Ihi lang ako girls, wait for me here." Saad ko sa kanila.

Pagkapasok ko sa cubicle at ng matapos ako umihi ay lumabas din ako kaagad pero ang laking pagtataka ko ay kanina may kasama ako at ngayon ay wala na.

"Chae???? Irene??? Girls??? Nasan kayo??" Sigaw ko sa loob ng comfort room.

Ng napansin kong walang sumasagot ay nagretouch lang ako ng mabilis at lumabas din. Talagang nagulat ako ng may batang babae na lumapit sa akin pagkalabas ko rito.

"Ate? Di ba po ikaw si Ate Jennie?"

"Yes baby, ako nga? Bakit? Nawawala ka ba?"

"Ah, hindi po ate. Samahan mo po ako." Sabi ng bata sa akin at sinamahan ko naman sya. Mahirap na at baka mawala ito at kunsensya ko pa.

Nagtataka ko at ang daming guards ang nakatingin sa akin at kinausap uli ako ng bata.

"Ate, para sa inyo po pala ito oh!" Sabay abot ng isang bulaklak. Red rose.

"Hala? Thank you baby. Kasama ka ba sa event sa loob?" Pero hindi ito sumagot at agad na tumakbo papasok sa hall.

Papasok na sana ko ng lumapit sa akin si Moonbyul at may hawak na isa ring rosas. Inabot din nya ito sa akin at ngumiti. Pagbubuksan na sana ko ng pintuan ng mga staff kaso may kamay na pumigil sa akin at nakita kong kamay iyon ni Jeongyeon, nagulat ako at binigyan din nya ko isang rosas. Nagpasalamat din ako sa kanya kahit na takang taka at kinakabahan na ko sa nangyayari.

Pagkabukas ng pintuan ng hall ay nakita ko si Seulgi, Minnie at Jisoo na may hawak na mga Daisy na bulaklak at inabot din nila sa akin ito. Tumingin ako sa stage at nagtataka ko na wala namang tao pero lahat ng bisita sa ibaba ay nakatingin sa akin at nakangiti.

Biglang lumiwanag ang paligid ng natapatan ako ng spotlight, lumapit din sa akin ang organizer na diretso lang daw ang lakad ko at pinapapunta ako sa direksyon ng stage.

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon