KIM MEETS THE MANOBANS AGAIN.

1.1K 26 3
                                    


CHAPTER 27

---

Lisa' POV

Kakatapos lang mag luto ni Jennie ng Kimchi fried rice, blackbean noodle at magtimpla ng juice. Agad na nya kong inaya sa dining table para kumain dahil baka lumamig pa raw ito..

"Lisa! Tara na, kain na tayo!" - Jennie

"Hhmmm!!! Ang bango nito ah, mukhang sinarapan mo nga." -Lisa

"Sabi mo diba, baka mamaya di mo pa kainin. Baka nilutuan ka na nito ni Jinny ah!" - Jennie

"Baka kamo pinakain mo na ng ganto si Kai." sabi ko tapos nagrolled eyes lang ako.

Tumakbo sya sakin at akmang sasabunutan ako pero agad akong tumakbo palayo rito. Tumakbo sya sakin at piningot ako sa tenga at sinabing wag na ko magharot at kumain na.

"Lalisa Manoban, wag kang maharot, kumain ka na dyan." - Jennie

Kumuha na sya ng dalawang plato at hinainan nya ko at ang pwesto nya. Sinandukan ko naman sya ng pagkain at sinabi kong maupo na para makakain na kami. Habang kumakain ay nakwento ko sa kanya ang balak na pag turn over ni Daddy sa akin ng posisyon as CEO ng kumpanya at tuwang tuwa sya rito. Sinabi ko na rin na wag na sana magpa event para di na rin malaman ng media. Pero agad nyang kinontra, dapat daw kasi ay meron para macelebrate.

Natapos na kami kumain at sinabi kong ako na maghuhugas ng mga platong ginamit naming dalawa. Nung una ay ayaw nya pero sabi ko, sya na nga tong nagluto, kaya ako naman ang in charge sa hugasin. Sinabi ko rin na manuod nalang sya ng tv sa sala at antayin nya ko.

Pagkatapos ko hugasan lahat ay nakita ko si Jennie na hinihilot ang kamay nya sa sala. Halatang masakit ito dahil kapag ginagalaw nya ay sumasama din ang awra ng mukha nya.

"Hilutin ko gusto mo?" Sabi ko sa kanya

"Uhm? Its okay. Pahinga ka na lang dyan." - Jennie

Umupo ako sa tabi nya at kinuha ang kamay nya at minasahe. Ayoko nahihirapan si Jennie at lalong ayokong nakikita na may masakit sa kanya o ano. Kinuha ko din ang isa pa nyang kamay at minasahe rin ito. Alam kong pagod na pagod sya sa opisina nito kaya rin siguro ito nanakit. Tumayo naman ako sa likod ng couch at pinasandal ko ang ulo nito sa sandalan at hinilot ang ulo nito. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at sinabing.

"Kung gusto mo na magpahinga, matulog ka na ha, dito lang ako sa labas." - Lisa

"Bakit ka dito matutulog? Pwede ka naman sa loob eh." Sagot ni Jennie at humarap sa akin.

"No, mas okay dito para maenjoy mo ang kama mo. Besides, mas gusto ko makakapag pahinga ka. Okay lang naman ako dito, wag ka mag alala. Okay?" At hinalikan ko sya sa noo. Tumango lang sya at inalalayan kong pumasok ng kwarto..

"Lisa, para kang baliw. Di naman ako baldado." - Jennie

"But, i want to take care of you. Higa ka na." - Lisa

Dahan dahan sya humiga sa kama dahil alam kong masakit ang buong katawan nito. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Mommy.

"Lisa, baby, where are you?! The condo staff just called, wala ka raw at hindi ka pa umuuwi? Lalisa Manoban, nasaan ka?!!" Sigaw ni Mommy sa kabilang linya.

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon