COME BACK TO ME

1K 30 5
                                    

CHAPTER 26

--

Lisa's POV

Tatlong araw na simula nung nangyari dun sa condo ko ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Jennie. Tinatawagan, tinetext, minemessage at email ko ito pero lahat ay walang sagot.

Sa tatlong araw na rin na iyon ay nagpapadala ko ng pagkain at bulaklak sa opisina nya pero sabi sa akin ni Chae ay hindi nya raw ito kinakain o tinatanggap. Minsan pa ay hindi ito pumapasok sa opisina. Nag aalala na ko sa kanya pero kahit anong gawin ko ay hin.di ko naman alam saan sya pupuntahan.

Sa tatlong araw din na hindi kami nag uusap ni Jennie ay napagusapan na namin ni Daddy na baka next week ay ituturn over na nya sa akin ang pusisyon na CEO ng kumpanya dahil nakita na raw nya ang potensyal ko na kaya ko na itong hawakan at asikasuhin. Umo-o nalang ako agad rito at sinabi na wag na magpa party or event para hindi na malaman ng media.

Restday daw ni Seulgi ngayon sa ospital kaya naisipan nya kong puntahan dito sa Condo ko. Puntahan daw namin si Jisoo sa opisina nito tutal wala naman daw kaming gagawin. Bumyahe na kami papunta roon at ng makarating kami ay agad kami binati ng mga tauhan ni Jisoo.

Sumakay kami ng elevator at ng makarating sa floor ng opisina nito ay agad kami inassist ni IU na secretary nya.

"Good afternoon po, Mam Seulgi at Mam Lisa, kanina pa po kayo inaantay ni Ms. Kim sa loob, pasok na po kayo." - IU

Tumango lang kami at nagpasalamat rito. Agad kami pinapasok ni Jisoo at agad napag usapan kung kinakausap na ba ko ni Jennie pagtapos ng nangyari sa amin.

"Ano, okay na ba kayo?" - Jisoo

"Wala eh, di nagrereply." - Lisa

"Anak ng tokwa, ano gusto mo ikaw pa susuyuin?" - Seul

"Bakit hindi ka mageffort man lang puntahan sya o ano? Nangangalawang na ba ang Lisa na kilala namin?" - Jisoo

"Aish! Pano kung di nya ko kausapin?" - Lisa

"Atleast, you tried. No regrets." - Seul

"I agree, besides kasalanan mo naman bat kayo nagkaganyan eh. Di ka kasi marunong umintindi. Ts." - Jisoo

Agad ko kagad tinawagan si Chae habang nag uusap ang dalawa tungkol sa mobile games. Tumayo na ko agad at lumabas muna saglit sa opisina para kausapin ito.

"Hello, Chae?" - Lisa

"Hello Lisa? Bakit?" - mahinang sagot ni Chae

"Andyan ba si Jennie?" - Lisa

"Oo andito kaya mahina lang ang boses ko at baka marinig nyang kausap kita. Bakit?" - Chae

"Pupunta ko dyan ngayon, antayin ko sya sa labas ng building nyo. Huwag mo sabihin sa kanya ha." - Lisa

"Okay okay sige, malapit na rin naman na syang mag out dito sa opisina, Galingan mo ha para magkabati na kayo." - Chae

Agad naman akong nag okay lang sa kanya at binaba ang tawag. Nagasikaso na ko at kinuha na ang susi ng kotse ko at bumaba na agad sa parking lot. Nagpaalam din muna ko kay Chu at Seul na pupuntahan ko muna saglit si Jennie.

Pagka andar ko ng kotse ay agad ako nagmaneho papunta sa paborito naming flower shop ni Jennie.

"Manang! Dating gawi po." - Lisa

"Para kanino ba to apo? Huwag mo sabihing para sa kanya to?' - Manang Sylvia

"Opo nay , bumalik na po si Nini."

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon