JISOO'S REVELATION

1K 25 4
                                    


CHAPTER 28

--

Jisoo's POV

Nagising ako ng medyo tanghali na dahil wala naman akong pasok sa opisina ngayon. Di muna ko bumabangon at hinanap ko ang phone ko at tinignan ko ang oras, 8:45 pa lang ng umaga. Babangon na sana ko kaso tinatamad pa ko kaya naisipan ko munang imessage si Chae.

To: Chipmunk

"Good morning, Chae. Hows sleep? :)"

Wala pang isang minuto ay may nagmessage na sa akin, laking pagtataka kong imposibleng si Chae yun. Nakita ko na si Lisa pala.

From: Monkey
"Good morning Chu, punta kayo mamaya sa bahay nila Chae. Mga after lunch, dun na tayo magmeryenda at mag dinner and may sasabihin ako sa inyong importante. After that may night swimming din tayo with the squad."

Importante? Ano naman kaya yun? Agad na rin ako bumangon pagtapos ko mabasa yun. Palabas na ko ng kwarto at kinuha ko na ang cellphone ko at dumiretso sa kusina. Nilapag ko to sa mini bar ng unit ko at kumuha ng gatas at cereal sa fridge.

Nitong mga nakaraang linggo ay busy ako sa mga gawain sa opisina dahil malapit na ko maging CEO ng kumpanya. Sobrang busy din naman ni Chae as secretary ni Jennie kaya di kami masyado nagkikita. Pero nag uusap naman kami palagi pagtapos ng duty nya at ng trabaho ko. Palagi ko rin syang pinapadalhan ng bulaklak at nagtatanong na nga daw si Irene ano meron sa amin. Hahaha.

Kumakain na ko rito sa dining table ko ng tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Chae.

"Goodmorning, Chu! My sleep is all good, nakapagpahinga talaga ko ng maayos, how about you? By the way, did you receive Lisa's message?" - Chae

"My sleep is also good like yours, Chae. Yeap, i already receive it. I will fetch you at 1pm later okay, dont bring your car. Ayoko mapagod ka, and sabi rin pala ni Lisa, you can bring clothes if you want to sleep over with us and bring extra for our night swimming later." - Jisoo

"Okay okay, kumain ka na dyan ha. Kakain na din ako and aayusin ko na dadalhin kong gamit. Just text me if you are on the way na para makababa na ko ng condo. Mag ingat sa pagmamaneho, Kim Jisoo. You know my rules." - Chae

Sa araw araw na magkausap kami ni Chae ay araw araw ko sya nakilala. Napakabait nya , napaka jolly pero napaka bilis maghinala at magtampo. Hahaha.

Pagkatapos ko kumain ay agad na kong naghugas ng pinagkainan ko kasi aayusin ko pa ang dadalhin kong gamit. May swimming pool kasi kila Monkey kaya nagkaayaan ng night swimming. Ng maayos ko ang gamit ko ay agad na kong naligo sa banyo at ng natapos ay kinuha ko na ang gamit ko at kinuha ang phone at susi ko. Minessage ko  na rin si Chae na papunta na ko sa kanya.

Dumaan muna ko sa flowers shop na malapit rito sa condo ko para makabili ng bulaklak para kay Chipmunk. She all deserves this. Ng makarating ako ay bumili na ako ng isang bouquet ng sunflower na paborito nito. Ng matapos ito gawin ng florist ay binayaran ko na ito at umalis na. Pagkarating ko sa condo niya ay nakita ko na syang palabas mula sa entrance. Bumaba na ko at kinawayan sya. Kinuha ko ang dala dala nyang gamit at pinagbuksan ko sya ng pintuan sa passengers seat at sumakay ako sa drivers seat. Kinuha ko mula sa backseat ang sunflower bouquet at binigay sa kanya.

"Chu, lagi kang may pa ganto, ang ganda ko na masyado." Pagbibiro sa akin ni Chae.

"Maganda ka naman talaga, Chae. Kaya deserve mo yan, hope you appreciate it." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako rito.

"Thankyou, turtle rabbit." Sabi ni chae at nagsmile lang ako.

Namula ang pisngi nya sa sinabi ko rito. Napag usapan namin ang magiging planong night swimming mamaya at sinabi kong dumaan na muna kami sa isang pizza parlor para makabili ng pizza na meryenda namin mamaya. Dumaan kami sa drive thru nito at umorder ng 15 box ng pizza. Tinanong naman nya bakit ganun kadami at sinabi kong edi kapag hindi naubos ay dalhin sa night swimming.

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon