SEULRENE

500 14 2
                                    


CHAPTER 47

---

Seulgi's POV.

I'm on my way home dahil badtrip na badtrip ako sa nangyari kanina pero ay maya maya lamang habang nagmamaneho ako, ay nagchat si Lisa sa gc namin na nag aaya sya ng inom. Mukhang may problema si monkey, at isa din to sa solusyon ko para makalimutan ang nangyari kanina. Agad akong nag u-turn sa kabilang kanto ng kalsada at bumalik papuntang daan para makarating sa The Beach. At kung tatanungin nyo kung bakit ako badtrip ...

Earlier ....

Papunta na ko sa opisina nila Jennie dahil susunduin ko sana si Irene. Tinanong ko si Chae at Jennie kung nasaan sila pero sinabi nilang sinundo na sila ni Jisoo at Lisa at si Irene na lang ang natitira sa opisina. Hindi kasi ito nagrereply kaya yung mga katrabaho na lang nya ang napili kong kausapin.

Ng makarating ako sa opisina nito ay agad kong pinark ang sasakyan sa parking lot. Bumaba ako at dumiretso sa sa elevator para makarating kung saan ang opisina ni Chae at Irene. Kilala naman na ko ng mga guards dito kaya hindi na nila ko tinatanong at hindi na kailangan ng paalam para makapasok ako. Hindi ko malaman na dahilan pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang andito pa lang ako sa elevator.

Ng tumunog ito ay agad na kong bumaba at dumiretso sa pintuan ng opisina ni Irene, nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang pinto pero hindi ko inaakala ang nakita ko.

Si Irene, si Irene kasama yung lalaking nagngangalang Kim Jun-Myeon o kilala nila sa pangalan na Suho. Eto yung businessman dito sa Korea na may gusto kay Irene at nanliligaw raw rito base sa mga sinasabi sa akin ni Chae at Jennie. Ang hindi ko pa nagustuhan ay magkayakap silang dalawa ng datnan ko.

"Seulgi???"

"Im sorry for disturbing you both, excuse me."

"Suelgi!! Wait!!" Sigaw ni Irene mula sa opisina nito.

Agad akong lumabas at rinig ko ang sigaw ni Irene
pero hindi ako lumilingon. Agad ako sumakay ng elevator at hindi nya ko inabutan. Tumalikod ako sa elevator at humarap sa salamin ng nakita kong may tumutulong luha na sa mga mata ko.

"Bakit, Seulgi? Bakit ka umiiyak? Ano mahal mo na si Irene no? Sabi ko kasi sayo, sa company mag iinvest, hindi sa maling tao. "

"Tahan na, walang kayo. At mukhang hindi ka naman gusto nun. Hayaan mo na."

Bakit ang sakit? Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero ang sakit. Palagi kong hatid sundo si Irene kahit may duty pa ko sa ospital. She's everything to me, and i admit. Mahal ko na nga si Irene. Pagkatunog ng elevator ay syang tong pagbaba ko pero hinarang ako ng mga guards.

"Ma'am, sabi po ni Mam Irene wag kayong lalabas." - Guard

"Papalabasin mo ko o kakasuhan kita?!"

Binitawan agad ako ng guard at sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko ito ng mabilis at nakita ko si Irene sa side mirror ko na tumatakbo at hinahabol ako.

End of flashback ...

Kaya ngayon papunta ko sa The Beach dahil nag aaya din naman si Lisa uminom. Kanina pa din tawag ng tawag sa akin si Irene pero binababa ko lang ang tawag nito. Nilagay ko na lang sa airplane mode ang cellphone ko para hindi na makatanggap ng kahit anong tawag.

Ilang minuto lang ay nakarating ako sa bar at nakita ko lang si Chu at Lisa. Pagkarating ko ay agad ako inabutan ni Jisoo ng isang bote ng alak at nakatitig lang sya sa akin.

"Hey, whats wrong buddy?!" - Jisoo

"Nothing, where's Byul, Jeongyeon and Minnie?"

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon