JISOO'S IDEA

652 12 1
                                    

CHAPTER 72

--

Narrators POV

Masayang kumakain ang buong squad dito sa loob ng hospital room nila Jisoo at Lisa. Tuwang tuwa sila dahil unti unti ng gumagaling ang mga sugat na iniinda ng dalawa. Habang kumakain sila ay nagkakakwentuhan sila tungkol sa nangyari dun sa insidente.

"Paano nyo pala nalaman na may balak na masama sa akin si Kyungsoo nung araw na yun?" - Lisa

"Magkakasama kami noong araw na yun, kasi naisipan kong ireview yung CCTV footage nung nandun si Kai sa opisina ni Jennie para maniwala ka ng wala syang ginagawang masama." - Jisoo

"Pero nagulat kami biglang dumating si Jungkook, bugbog sarado. Sinundan daw sya ng tauhan ni Kai at nahuli na tinatawagan ka at balak sabihin sayo ang plano nila. Nawalan pa nga daw sya ng malay sa loob ng cr ng bar nya tapos nung nakita lang siya ng mga staff nya dun lang sya nagising. Kaya kahit daw masama pakiramdam pa nya ay pinuntahan nya kami dito para sabihin. Malas nga lang kasi hindi ka sumasagot sa mga tawag namin." - Seulgi

"Narinig ko nga nun, sinabi ni Kai na dapat pinapatay na lang nya si Jungkook kasi nagsalita sa inyo." - Lisa

"Exactly. Buti nga sumagot ka after 45 tries. Hay nako, Manoban." - Jisoo

"Naalala ko non, inaya kasi ako ni Kyungsoo kasi sabi nya sa akin may nakita syang magandang location for the new building. Laking pagtataka ko pa nun, kasi yung location eh parang patay na lugar dahil wala masyadong bahay at sasakyan. Kaya rin siguro hindi nyo ko macontact kasi wala talagang signal dun sa lugar kaya ang ginawa ko eh nilabas ko mula sa bulsa ko yung phone ko at hinawakan ko na lang para makasagap ng signal. Nakaloud speaker ako nung tumawag kayo kaya narinig nya siguro na kailangan ko ng tumakas pero hindi ko na nagawa." - Lisa

"Kalimutan nyo na lang yun, masamang panaginip na lang yun guys. Ang mahalaga safe tayong lahat, at safe kayong dalawa." Saad ni Jeongyeon habang naka crossed arms at nakasandal sa pader.

Tumango lang ang lahat at lumabas mula sa mini kitchen si Krystal at Nayeon na may dala dalang ice cream. Tuwang tuwa si Lisa dahil daw sa wakas daw ay makakain na uli sya nito. Lahat ay busy na kumakain ng biglang nagtanong si Jisoo kay Lisa.

"Bro? So paano pala yung condo building na sana pagiinvest-an ni Kyungsoo?" - Jisoo

"Tuloy pa din yun, im just looking for investor." - Lisa

"How about me?" - Jisoo

Ang lahat ay nagulat sa sinabing yun ni Jisoo dahil hindi nito ugali mag invest kung saan saan dahil sya ang kadalasan hinahabol ng mga investors.

"Are you sure?" - Lisa

"Yes im sure. But, papangalan ko yun kay Chae." Saad ni Jisoo sabay tingin kay Chae.

"What?!" - Chae

"Yes for you baby. No buts, no doubts. Alam na ni Mommy to, sinabi ko to sa kanya noong nasa oras pa kayo ng trabaho." - Jisoo

"So? Wala na si Chae as my secretary pag nagkataon?" - Jennie

"Yes, kasi tutulungan na nya ko sa TRK company magmanaged dun. Sorry Jennie, pero sa akin ni si Chae!" Saad ni Jisoo at nagbelat pa kay Jennie. Agad naman sya napatingin kay Chae at halatang kinabahan ito sa narinig nya.

"Dont be nervous, i know you can do it. So kailan natin sisimulan yun bro?" - Jisoo

"As soon as possible, kapag nakalabas na tayo dito, pwede na natin sya simulan." - Lisa

Ngumiti lang si Jisoo at Lisa sa isat isa at nagkaroon ng asaran at kulitan rito sa loob ng hospital room lalo na at lahat kami dito ay in a relationship na. Kanya kanyang siraan at labasan ng baho sa bawat isa pero sabi nga namin ay kahit anong gawin nyo ay kami pa din ang magkakasama hanggang huli. Napagdesisyunan naman ni Minnie na magplay ng movie sa tv na nandito sa hospital room at kanya kanya na kami ng pwesto. Ang tatlong newly couples ay magkakatabi sa couch. Si Seulgi at Irene ay nasa couch sa kaliwa ni Jisoo. Si Chae naman ay nakaupo sa gilid ng kama ni Chu at si Jennie ay nakaupo din sa gilid ni Lisa. Walang iniidang problema ang grupo dahil lahat sila ay masaya at hindi na nag iisip ng magiging problema.

Sa kalagitnaan ng palabas ay biglang kumatok ang isang nurse rito sa hospital at nagbigay ng gamot para sa dalawa.

"Nakakahiya po pala pumasok, may anim na nagddate. Haha!" Saad ng nurse habang tinutulak ang pinaglalagyan ng mga syringe at gamot nito.

"May single pa kaming kaibigan nurse, baka gusto mo hahaha!" - Seulgi

"Speaking of him, tumatawag!" Saad ni Jeongyeon habang angat ang cellphone at tumatawag si Jungkook. Tumawag ito para sabihin na magpapadala sya ng pagkain para sa amin dahil hindi sya makakapunta dahil busy sya sa bar. Nagpasalamat naman ang squad sa kanya at binaba rin ang tawag rito.

"Ano nurse, gusto mo ba? Hahaha!" - Seulgi

"Ikaw talaga Mam Seulgi! Hahaha! By the way, okay na po. Basta sundin nyo lang po palagi yung utos ni Doc ha. Salamat po, una na ko. Enjoy!" Saad ng nurse ng matapos nya mapainom ang gamot sa dalawa.

"Thank youuu!" Sigaw naman ng squad sa nurse na papaalis at lumabas na ito ng hospital room.

"Kayo talaga binugaw nyo pa si Jungkook." - Irene

"Tama yan, para wala ng maiwan sa grupo. Hahaha!" - Byul

Nagtawanan ang lahat habang nanunuod ng movie. Ang iba ay busy manuod habang kumakain at yung iba naman ay minsan nakakatulog na. Maya maya lang ay mommy naman ni Seulgi ang pumasok.

"Hi mom!" - Seulgi

"Hello po tita, kumain ka na?" - Irene

"Hello po tita!!" Sabay sabay naman nilang bati sa kanya.

"Mukhang masaya kayo ha. Hahaha! Yes Irene, ive already ate. By the way, ano ba gusto nyo unahin ko? Good news or bad news?"

Nagkatinginan ang lahat sa sinabing iyon ng mommy ni Seulgi na agad tinawanan ng doktora.

"Biro lang naman! Hahaha! Oh eto, pwede na lumabas sa isang araw si Jisoo at Lisa. Dun na lang sila magpagaling sa mga bahay nila, or sa condo units nyo basta ang bilin ko na no muna sa junkfoods and not healthy foods, sundin nyo. And yung medicines nyo kailangan nyo inumin. Ikaw Lisa, yung therapist pupunta sa condo or bahay nyo every day to check your broke arm. Ittheraphy nya yan para mapabilis ang recovery. Okay? Sige na mauna na ko. Kang Seulgi! Behave here ha, huwag maharot."

"Yes mom, thank you po!" - Seulgi

"Thank you po tita!" - Jisoo and Lisa

"Salamat po!" Saad ng lahat sa mommy ni Seulgi.

At tinuloy lang ng squad ang panunuod ng movie.

Ng matapos ito ay napagdesisyunan na ng newly couples na umuwi na dahil mag gagabi na at kailangan na nila magsipag pahinga.

"Mauna na kami ni Nayeon, bro. Pagaling na kayo ha." - Jeongyeon

"Sabay sabay na tayo." - Minnie

"Oh sya, mag ingat kayo ha." - Lisa

"Salamat sa inyo, sa mga dala nyo. Ingat kayo!" - Jisoo

"Ingat guys!" - Chae

Agad na lumabas ang tatlong newly couples at hinatid nila Jennie, Seulgi, Irene at Chae ang mga ito. Nagkaroon naman ng pagkakataon mag usap ang dalawang naiwan na sila Jisoo at Lisa sa loob ng hospital.

"Alam mo ba bakit ko gusto maginvest sa bagong tatayong building mo?" - Jisoo

"No, i have no idea. Ano ba balak mo?" - Lisa

"I will tell you pag nakalabas tayo dito at isasali kita sa plano kong iyon. Just trust me, Monkey, okay?" Saad ni Jisoo at kindat sa kasama nya sa loob ng kwarto

---

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon