UNEXPECTED

957 31 0
                                    

CHAPTER 16

---

Jennie's POV.

Nagiimpake na ko ng mga gamit ko dito sa room ko ng maisipan ko munang dumaan sa canteen ng ospital dahil nagutom ako at nagcrave ako sa ramen. Tinigil ko muna ang pag-aasikaso nito at agad kinuha ang pera at susi ng room ko rito at tuluyan ng pumunta na sa canteen.

Agad na kong sumakay sa elevator at ng makarating sa floor ay agad na kong bumaba. Wala naman masyadong tao rito sa canteen kaya nagtataka ako at nauna pang iserve ang pagkain ng katabi kong table kaysa sa akin. Napatingin naman ako sa kanya pagkatapos iserve ng isang tauhan nito ang pagkain.

"Eatwell Mam Seulgi." Sabi nito.

Seulgi??? Si Seulgi na kaibigan ni Lisa???
Baka namali lang naman ako ng dinig.

Ganto ba talaga kaliit ang SoKor kaya ngayon ay kaibigan naman ni Lisa ang narinig ko. Nung nakaraan lang Engineer. Manoban ha. Sinusubukan ba talaga ko ng tadhana?

Tinignan ko sya mula sa kanan ko at lumipat sa harap na upuan, kaparehas ng table ko para magkaharap na kami. Tinignan ko sya. Oo, si Seulgi nga. Siya nga. Hindi nga ako nagkakamali.

Nakatitig lang ako sa kanya at napansin niya siguro yun kaya siya tumingin sa direksyo nko. Muntik na sya mapaso ng kinakain nya kasi napatingin sya sakin at halos mabilaukan. Nanlaki ang mata nya ng nakita nya ko at parang namutla pa.

"Jennie?????" Saad nito sa akin.

"Yes? Seulgi?? Ikaw ba yan?? Ikaw nga bear!!!! Kamusta ka na???" Sagot ko naman rito.

Tumayo sya at inakap ako at ganun din ang ginawa ko. Nilipat nya ang ramen na kinakain nya sa table ko at saktong dumating rin naman ang ramen na inorder ko.

Magbabayad na sana ko sa naghatid ng ramen pero sabi ni Seulgi ay wag na. Kaya nagtataka ako kung bakit pero inincist ko na bayaran pero ayaw nya talaga pumayag.

"It's been 5 years, Jen. How's life?" - Seulgi

"Ayun, pressured sa company. Hay. Eh ikaw?"

"Ito, busy na busy dito sa ospital." - Seulgi

"What do you mean? Doctor ka dito?"

"Nope, my family owns this hospital, and the other 3 branches here in SoKor." Sagot nito sa akin habang hinihigop ang sabaw ng ramen niya.

Halos magulat ako sa sinabi nya. Ang bigtime na nitong kaharap ko ngayon. Parang dati lang eh nagkukulitan pa kami ng harutan sa school. Hahaha.

Pero biglang naisip ko din, kung sya ang may ari nitong ospital ay sya rin ang hinatid ng dalawang babaeng tinutukoy ni Chae at Irene. Pero hindi ko na rin naman iyon tinanong dahil baka hindi niya rin matandaan dahil sabi nga nila ay lasing ito nung hinatid dito.

Nagkamustahan lang kami ni Seulgi at kinamusta ko ang iba pang kaibigan. Habang busy siya magkwento ay biglang nag message naman sa akin si Chae at tinatanong nito kung nasaan ako. Rineplyan ko naman ito na andito ko canteen kasama ng isang long time friend.

After 5 minutes ay dumating din si Chae at Irene. Nagkamayan silang tatlo at pinakilala ko ang bawat isa sa kanila. Napansin ko din ang panay sulyap ni Seulgi kay Irene. Sounds fishy. Hahahahaha.

Nagpaalam na din naman agad si Seul after nito kumain at naiwan kami rito dahil umorder ng pagkain saglit si Chae at Irene. Nagulat naman ako ng biglang napasigaw si Chae.

"Jennie! Di'ba yun nga ang owner ng hospital, so means, she knows the one whos wearing white polo na naghatid sa kanya nung isang araw, and she also know sino naghatid sayo?" - Chae.

Sabi ko na at ioopen nya yun eh. HAHAHAHAHA. Pero hindi ko nga tinanong si Seul dahil masyado na itong pribado.

Pagtapos naming kumain ay bumalik na kami sa kwarto at agad din namang umalis pagtapos magbayad ng hospital bills. Pero hindi tinanggap ng cashier ang bayad ko dahil bilin daw ito sa kanila ni Seul.

---

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon