•SEULGI•
pag dating ni Irene nagulat ako dahil tumabi sya saken, parang may kuryente akong naramdaman. Bakit ganto? hiyang hiya ako pag kasama ko sya.
"hi, seul" bati sakin ni Irene. Shit ang ganda nya
"oy haha" hiyang sabi ko sakanya at nginitian sya. Diko alam iaakto ko buti nalang dumating si Dahyun.
"Hi ireneeee" bati ni Dahyun sakanya. Nginitian naman agad sya ni Irene.
Tumayo si irene at lumipat sa tabi ni dahyun dahil mag uusap sila tsaka diko rin naman masyadong pinapansin si Irene. Mas okey na rin na lumipat sya.
Habang nag uusap sila nag lalaro lang ako ng ml sa cp ko at nakikipag laro na rin sa mga bata. May mga bata rin kasing bisita.
"Seul, ganda daw ng kulay ng buhok mo" sabi ni dahyun sabay tingin sakin. Kaso diko masyadong naintindihan yung sinabi niya, ang ingay kasi
"huh? ano?" sabi ko at tumingin sakanya, nahuli ko naman na naka tingin saken si irene habang nak ngiti, kaya bigla akong umiwas ng tingin.
"Ang ganda daw ng kulay ng buhok mo sabi ni Irene" sabi ni Dahyun,
"Ah, hahahaha" sabi ko at nahihiya.
Medyo lumapit ako sakanila at narinig ko naman ang pinag uusapan nila. Narinig ko yung pangalan ni Rose, siya yung magandang babae tapos ang galing pa sumayaw.
"kilala mo ba si Rose?" rinig kong tanong ni Irene kay Dahyun.
"Ah, oo naman" sagot agad ni dahyun
"ex ko kapatid non e" sabi mo naman. Lumingon ako ng konti at binawi rin. Kahit ex niya yon, diko alam kung bat ako nakakaramdam ng selos.
"aywe? ganda non e no. Si jennie? ex mo pala yon" sabi ni dahyun at enjoy na enjoy naman nila ang pag uusap nila.
Maya maya pa at lumapit na silang dalawa sa inuupuan ko, nagulat ako ng tumabi sakin si Irene. Naka upo kami sa maliit ma sofa, dalawa na maliit yon at pinag dikit lang. Sila dahyun naman nak upo sa malaking sofa sa gilid.
Habang nag cecellphone ako may naramdam akong kumuha ng buhok ko. Napatingin agad ako kay irene kasi siya lang naman katabi ko.
"penge isang buhok HAHAHAHA" tawang sabi niya. Ang tahimik kasi namin kaya niya siguro ginawa yon
"sige lang hehe" sabi ko at kumuha nanaman siya
"tignan mo o, ang satisfying"sabi niya at pinakita sakin yung hawak niyang isang pirasong buhok ko. Tinignan ko to habang hawak niya nakaka satisfy nga. Yung kulang ksi ng buhok ko kalahati lang yung kulay, sa baba lang.
"Oy, nakaka ilang kuha kana sa buhok ko ah. Ako ren dapat" sabi ko at kumuha ng buhok niya. Tawa naman kami ng tawa. Ang weird namin no? buhok pa napag tripan HAHAHAHAHA.
Habang nag kukulitan kami at nag uusap biglang bumaba yung tita ko at sinabing uuwi na daw kami. Nalungkot naman ako bigla.
"Tita, dito po muna si Seulgi hehe" paalam ni dahyun saken. Halos mapatalon ako ng pumayag yung tita ko.
"Tara kain muna tayo, gutom kana ba?" sabi ko kay irene.
"di naman" sagot mo naman
"Tara kain tayo" yaya ko sakanya at niyaya ko rin sila dahyun
After naming kumain nag kayayaan ng umakyat para matulog. Dito daw matutulog kasi matutulog sila Irene kasama si Ate tiffany at taeyon.
Nang makaakyat kami nag kwentuhan pa kami nag gitara pa si Irene habang nakanta. Maya maya pa at nag kayayaan ng matulog, tutulog na sana kami kaso niyaya kaming mag inom sa baba dahil bday ng kuya ko. Di naman pwede si Irene kaya nasa taas lang siya
habang nainom kami, biglang nag chat si Irene. Hays gusto ko siyang akyatin
Joohyun: Di ako maka tulog, nag iinom kayo?
Seulgi: ah, oo e. Gusto ko na nga matulog medyo antok nako, ang bagal kasi ng ikot
Joohyun: Tara, tulog na tayo. Tabi ka saken
bigla akong napa ngiti sa sinabi niya, gusto ko ng umakyaaatttt huhu. Kaso di pwede, baka sabihin nila ang kj ko
Seulgi: di pwede e, dipa ubos yung alak tsaka baka hanapin ako nila dahyun.
Joohyun: gawa nalang muna ako ng tula
Seulgi: gawan mokooo
Joohyun: sigesige, wait
Seulgi: sige, tyt. Shot muna kami dito
Habang nag iinom kami si Irene lang naiisip ko, puro kwentuhan kasi dito marami rami na rin kaming nainom. 3:45 am na rin. At mukang wala pa silang balak matulog.
Joohyun:
Ngiti mo lang ang akong nais
Marinig ko lang ang iyong bungisngis
Halika dito at tayo'y mag biruan
Kasama mo ako tayo ay mag tawananAlisin natin ang lungkot
Na sayo'y naka palibot
Marami kang kaibigan
Hindi ka namin iiwanJoohyun: ayan na HAHAHAHA sana magustuhan mo.
Seulgi: Thankyouuuu!! nagustuhan ko sobraaa. Naappreciate ko
Joohyun: wow HAHAHAHAHA welcome.
Seulgi: dika pa tutulog?
Joohyun: Dipa e.
Seulgi: puyat ka niyan, tulog kana
Joohyun: mamaya nalang. laro muna ko
Seulgi: Sigesige, tyt.
Chinarge ko muna cellphone ko at nag inom kami ulit 9:30 am kami natapos mag inom. Umakyat na kamj para matulog, pag akyat ko nakita kitang tulog na. Tatabihan sana kita kaso may katabi kana kaya natulog nalang ako sa gilid.
YOU ARE READING
Unexpected Person
FanfictionDiko inaasahan na susugal ulit ako sa isang tao, akala ko di na ulit ako mahuhulog. Pero bakit ganon? nung una kitang nakita parang huminto lahat ng nangyayare sa paligid ko, at ang tanging ngiti mo lang ang nakikita ko at pinag mamasdan. Handa na b...