Chapter 9: Change

62 4 0
                                    

Paolo's POV

Paggising ko ay ang sakit ng ulo ko. Naalala kong mag aalas tres na pala ng madaling araw ako natulog at di ko alam anong oras umuwi sina James.

Masakit man ang ulo ko ay kinakailangan kong pumasok dahil may quiz kami ngayon.  Napilitan akong bumangon at pumunta sa bathroom para maligo. 

--

After fixing everything ay di nako kumain at pumunta na ng school.  Ipinark ko na ang kotse ko at lumabas na,  dumeretso nako sa classroom at nadatnan kong nagtatawanan ang tatlong mga ugok na parang mga walang hang-over, lumapit ako sa kanila at umupo.

"Oh pare. Kamusta? " Sabi ni Myro

"Wala kang pake. " Sabi ko naman.

"Owsss. Kagabi lang e halos ubusin mo na pati yung bote ng alak e.  Hahaha" Sabi ni Kevin at sinundan naman nina James ng tawa

"Mga ugok! " Sabi ko nalang at hinilot muli ang sintido ko.

"Hang-oveeeer ang lokoooo! " Sabay sabi nilang tatlo.  Tss.  Mga baliw.  Hinayaan ko nalang.

"Maiba nga tayo pare,  ano na?  Kamusta na kayo ni Kyla? " Tanong ni James

Napatingin ako sakanya.  Anong kamusta kami?  Tsk tsk.

"Walang kami,  James" Sabi ko naman. Nag tinginan silang tatlo

"E bat kung maglasing ka kagabi parang sobra pa sa break up ang status niyo?" Sabi ni Kevin.  Bakit nga ba? Hay.

"Kasi sa sobrang galit ko nasigawan ko siya,  nasabihan ko pa ng masama" Sabi ko.  Oo yun lang ang dahilan.

"Yung lang nga ba? " Sabi ni Myro

**

Nang matapos ang klase sa hapon ay dumiretso na kami sa gym. Ang daming eatudyante pero bakit paramg may hinahanap ako?  Tsk.  Iling iling. Wala kang to.

"Guys start na ang practice niyo. But now one on one tayo,  alright? , heto ang makakalaban ng bawat isa.... Inannounce na ni coach ang makakalaban ng bawat isa at ang kalaban ko sa one on one ay ang karibal ko sa pagiging MVP, si Joshua. Di kami mag kasundo neto e kahit noon pa man. Nag start na ang game at pang 3rd kami. Nakaupo kami sa bleachers ng gym nang magsalita etong katabi ko...

"Hmm. Humanda ka Ferrer" Sino pa nga ba edi si Joshua.  Di ko nalang pinatulan.. Matapos ang dalawang game ay kami na nga ang mag lalaro,  ang daming tumitili pero wala dun si Kyla. Tss.  Bat mo ba hinahanap yun Paolo?  Napailing nalang ako. Nag stary na ang game at pantay lang ang score.  Ang one on one kasi nato ay paunahang maka reach ng score of 70, at ang mauna ay siyang panalo.  Kaya ang score ngayon ay 10-10 Ang close ng laban namin dahil kada shot ko nakakashot din siya... Ilang minuto na ang lumipas at ang score ay 44-45 at lamang ako dahil naka shot ako ng 3 points kanina. Nakikita ko ang determinasyong manalo ni Joshua,  kaya niya ginagawa ang makakaya niya.  It was a close game na malapit nang matapos in a score of 43-43. Nasaakin ang bola at binabantayan naman ako ni Joshua,  kasalukuyan kong dinidrible ang bola nang may ibinulong siya saakin dahilan para maisip ko siya....

"Andun si Kyla oh. " Sabi niya kaya naisip ko ang boses niya at ang pag tili niya ng----"Goooo Paolooooo!!  Ishoot mo para sakiiin!!! " Napatingin ako sa mga tao sa gym pero wala siya. Bakit ko siya naisip?  Huli na ang lahat nang sigawan nalang ang maririnig sa buong gym at nabalik sa realidad ang lahat nang tinapik ni Joshua ang balikat ko at sinabiiing---"I won" Sabay pa ng ngiti niyang nakakaloko

F*ck. What was that?  Lumapit ako kina James.

"What was your game pare? Akala ko panaman mananalo ka! " Sabi ni James

Mayamaya lumapit si coach saakin, "Im dissapointed Paolo.  Ganyang game ba ang makikita ko sa event natin?  Bat parang distracted ka?  Ano bang iniisip mo? " Sabi ni coach

"Sorry coach.  Practice palang naman po e. " Sabi ko

"Anyway youre right.  Next time, I dont want to see you distracted" Sabi ni coach

"Yes coach" Sabi ko nalang

Nang makaalis na si coach ay nag salita su James.

"Distracted ka nga ba? " Tanong niya

"I saw you na palingon lingon kanina after nung bulong sayo ni Joshua.  Is that about Kyla? " Sabi ni Kevin.  Alam mo minsan di ko alam kung sadyang mindreader,  manghuhula,  oh ang lakas lang ng pang amoy neto. "Huh?  Ah-Eh" Napakamot nalang ako ng batok. Ano ba sasabihin ko?

"See?  Is that about Kyla.  Why?  Are you dissapointed nang di mo siya makita?  Na di mo narinig ang sigaw niya? " Sabi ni Kevin

"Wow brad, manghuhula? " Natatawang sabi ni James

"What now Paolo? Gusto mo na ba siya? "Sabi ni Kevin

"N-no Way! " Sabi ko naman

"You're just in indenial stage" In with that,  umalis na siya. Ano daw?  Indenial?  Ako?  Tss.

"Problema nun? " Nasabi nalang ni James.

**

After naman nang practice ay umuwi nako sa bahay hindi sa condo baka kasi pagalitan ako ni mama na napapuadalas na ang tulog ko sa condo e.  Sumalubong naman sakiin si Ella na natatawang parang may katext sa sala

"Oh Ella para kang tanga" Sabi ko

"Whatever kuya just mind your own business, haha ang funny ni ate Kyla" Sabi niya pero ano daw Kyla?

"Sinong Kyla yan ha? " Sabi ko at mabilis na lumapit saakin

"Kyla Clarrise,  new friend ko po.  Bakit may crush ka bang Kyla ang pangalan? Ayieee. Kuya ha? " Sabi naman niya"Whatever Kyla,  just mind your own business" Saka na ako pumanhik ng hagdanan...

¤¤¤¤¤¤
Til next update guys.  :*

UNTIL WHEN  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon