Kyla's POV
Dahil sa nangyare kahapon ay nandito kami ngayon sa kwarto niya. Sabi niya kasi pupuntahan niya ako sa school at sabay kami uuwi. Todo rason naman ang ginawa ko kay Paolo. At oo di niya pa alam, ayoko munang malaman nila hanggat di pa ako nakakakuha ng tamang tyempo.
Bago naman kami umuwi ni ate e, dumaan muna kami sa malapit na drugstore para bumili nung pregnancy test kit sabi ni ate. Di ko rin nga alam ano ang itsura nun e.
So yun nga andito na ako sa bathroom at sinunod ko naman yung instruction na binigay ni ate saakin. Nung matapos na ay lumabaa na ako pero di ko pa din tinitingnan yung hawak ko.
Triple triple yung kabang nararamdaman ko. Parang sasabog na yata yungJ puso ko e.
"Ano na? Nakita mo na ba? Pisitive ba o Negative?" Tanong ni ate. Di na ako nag dalawang isip pa at sabay naming tiningnan yung hawak ko at halos lumuwa na ang mata ko nang makita kong dalawang linya yung nandon. Napatingin naman ako kay ate na ngiting ngiti saakin.
"Mommy kana Kyla. Di ka ba masaya?" Tanong niya.
"M-masaya, kaso nagulat lang ako' Sabi ko pero ang totoong iniisip ko e si Paolo. Paano kung malaman niya? Magiging masaya ba siya? Nagulat aki at natago ko agad ang hawak ko ng bumukas ang pinto..
"Oh. Bat ganyan ang muka niyong dalawa? Bumaba na kayo at kakain na" Sabi ni mama. Nag tinginan kami ni ate.
"Opo mama. Susunod po kami" Sabi ni ate.
"O sige. Bilisan niyo nang di lumamig ang pag kain" Sabi ni mama
"Opo" Sabi ulit ni ate. Pag labas na paglabas ni mama. Doon lang ako napahinga ng maluwang.
"Bumaba na tayo" Tunango ako tapos itinago ng mabuti yung pregnancy test.
Sana maging masaya si Paolo kapag malaman niya na magiging Daddy na siya..
**
BINABASA MO ANG
UNTIL WHEN [COMPLETED]
Roman d'amourHe's not still giving up. He's still waiting. Waiting for a girl that he doesn't know for how long he will wait.. On the other side, She is also waiting for him, for him to move forward, for him to give up with his past and start for new with her ...