Hate 03

101 15 4
                                    

Christine's

"Christine, sa table 12 itong order na toh. Ibigay mo na." kinuha ko naman agad yung pagkain at pumunta sa table 12

"Here's your order, sir, ma'am." nilagay ko na yung pagkain sa table nila. Nagsmile lang sila sakin at umalis na ko.

Ay nakalimutan ko yung tubig!

Bumalik ako sa kitchen then kumuha ng 2 glases at isang pitchel.

I walked towards table 12, and provided them water. Aalis na dapat ako ng bigla may humawak ng wrist ko.

I was shocked. Well not that shockey shocked but I am. Just a little. So anyway, she held my wrist and faced me to them.

"What the fuck?!" sabi sakin nung babae, like woah! What just happened? O.o

"Shut up, honey. Wag mo pairalin ang galit mo." sabi nung lalaki sa babae na Winat the pak-pak ako.

Inirapan lang ako nung babae at huminga ng malalim.

"Am, bakit po nyo ako---" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita ulit sya.

"I just wanted to ask you something."

"Ano po yun?"

"Why does the water have hair?"

"Po? Eh liquid naman po ang water ah? So paano po sya tutubuan ng buhok?"

"Ginagago mo ba kami?" sabi nung babae na Winat the pak-pak ako.

"Po? Hindi po." inosente kong sagot.

"Ayan oh! Ayan yung tinutukoy namin." sabi ni girl na winat the pak-pak ako habang dinuduro yung tubig na may buhok na lumulutang.

Wait. Buhok?

"Ay! Sorry po sorry po sorry po, di ko po sinasadya. Sorry po." nagbow pa ako sakanila paulit-ulit at humingi ng tawad.

"Pasalamat ka at di kita pinaluhod. Sige na umalis ka na. Nakakairita yang muka mo."

Naginit yung ulo ko sa sinabi nya. Alam kong may mali ako pero di naman ata tama yung sinabi nya.

Pero imbis patulan ko, pinabayaan ko nalang. Mahirap na baka mawalan pa ako ng trabaho.

Pinalitan ko na yung tubig at bumalik na sa kanila.

Sinerve ko na yung water at nag sorry ulit sa kanila. Ngumiti sakin yung lalaki while yung babae inirapan lang ako.

Tusukin ko kaya yung mata nya. Letse yan.

Umalis na'ko sa table 12 at inasikaso na yung iba.

Dumating ang gabi unti-unti na nauubos ang mga costomer. Pagsapit ng 10, wala ni isang costomer. Senyales na ito na dapat na maglinis at uwian na.

Nagpalit muna ako ng damit sa restroom, naka-pants at t-shirt lang ako. Paglabas ko ng c.r. Nakasalubong ko si Gemini, isa sa mga waiter dito. Katulad ko, nagpapart time job lang sya dito. Student din sya. Mas matanda nga lang sya sakin ng isang year. Bale kung Grade nine na ako, grade ten na sya.

Kumuha na ako ng walis at nag walis sa buong restsurant, after that kinuha ko yung mop at nag-mop.

Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, "Di ka pa ba aalis?" napalingon ako sakanya "Kanina ka pa dito ah, di ka ba natatakot? Ang laki nito tapos maiiwan ka mag-isa."

Umiling lang ako sakanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Di naman kasi kami close, minsan naguusap kami kung importante pero kung wala naman dapat pagusapan di namin pinapansin ang isa't isa.

Hatred in LoveWhere stories live. Discover now