A year had passed and everything went smoothly.
Hindi kami nagkaroon ng mabigat na prolema at masaya ako sa pamilya ko.
Hindi nila ako inaapi at sa totoo nga tinuturi nila akong parang isang prinsesa, minsan nga nung nagkausap kami ni Gemini sabi nya naiingit daw sya sakin, feeling nya daw kasi ako yung totoong anak nila Mama at Papa at hindi daw sya. Natawa naman ako sa sinabi nya, loko loko talaga kahit kelan, hahaha.
At oo, mama at papa na tawag ko sa kanila, sila rin naman ang pumilit sakin kaya pumayag na'ko.
Di na ako nahihiya sa kanila pero syempre alam ko parin ang puwesto ko. Syempre gumagawa rin ako ng household chores kahit ayaw nila. At syempre ako parin ang cook nila.
Natutuwa nga ako dahil kada-luto ko ay sarap na sarap sila, ngumingiti pa sila na abot hangang tenga, at madalas nga pumapalakpak pa sila. Parang mga bata lang sila kumilos pag nagluluto ako, hahahaha.
Lahat kami masaya, at alam nyo ba? Pag may problema ang isa, sosolusyonan ng lahat, tulong tulong kami dito, kaya masaya kami.
To be honest sila ang pinaka importante sa buhay ko. Sila umintindi sakin, nagmahal ng totoo, nagalaga ng walang katapusan, at nagparamdam sakin na masaya pa ang mabuhay. Sila ang nag parealize sakin na, di lang puro problema at sakit ang ibinibigay ng buhay, pati rin pala ang saya at ligaya. Masaya ako dahil nakilala ko sila, nagpapasalamat din ako dahil tinangap nila ako bilang ako.
"Let us please call on our Valedictorian of batch 2015, Christine Aguilar!" Maligayang bangit ng adviser. Bigla naman ako natuhan at nagulat sa malakas na palakpakan kong narinig. Napatayo ako at tumingin sa paligid ko, lahat ng tao pumapalakpak at nakangiti sakin na para bang proud na proud sila.
Lumapit sakin si Mama, Papa at Gemini. Masaya kaming umakyat sa stage, nakipag shake hands muna ako sa principal, "Congratulations Christine," Bati nya sakin,
"Maraming salamat po." Sagot ko naman, nakipag shake hands naman yung principal namin kanila Mama at Papa at binigay ang mga medal ko, best in math, science, English, Filipino, Student Council's President, 1st place in Biprisa and Riprisa basketball girls, 1st place in Biprisa and Riprisa tennis, 1st place in Riprisa and Biprisa badminton, 1st place on chess and Valedictorian of bath 2015.
Ngiting ngiting sinabit sakin nila Mama at Papa ang mga medals ko, nang naisabit na nila, pinicturan kami nung photographer at nag bow na kami, bumaba na kami sa stage at niyakap naman nila akong lahat.
"We are so proud of you," sabi ni mama,
YOU ARE READING
Hatred in Love
Short StoryShe hates love. Her name is Christine Aguilar, and read the reason behind why.