Christine's
I hate this day.
Ngayong araw na 'to ay ang araw ng patay.
February 14, yeah. Isa sa mga araw ng patay ang February 14 para sakin.
Madaming love birds o couples ang nakakalat dito sa park.
May nag-tatawanan, nag-uusap ng seryoso, masayang nag hahabulan, kumakain, at yung iba simpleng nakaupo lang.
Ako, nandito. Nag-iisa at nag-babasa ng libro.
And I am confused.
Why am I confused?
Well, kaya lang naman ako confused sa dahilan kung bakit itinatag ang Valentines Day.
Bakit pa may Valenties Day kung masasakit lang na alaala ang maaalala mo? Bakit pa may Valentines Day kung pwede mo naman mahalin ang isang tao araw-araw? Tiba? Ano toh lokohan? Every Valentines Day mo lang ipapakita na mahal mo ang isang tao? Isang araw sa buong taon?
Eh gago ka pala eh, Dapat pag-nag mamahal ka araw-araw, na sa sobrang pagmamahalan nyo di na kayo mag kakahiwalay.
Pero wag rin pala. Dahil baka sa sobrang pag bigay mo ng pagmamahal sa iba, makalimutan mo na sarili mo.
Baka naman ibuhus mo ang pagmamahal mo sa iba at wala ng matira para sayo?
Para sakin, why spend your whole life loving someone when you can obviously love yourself?
Bakit ka pa maghahanap ng taong mamahalin kung pwede namang sarili mo nalang mahalin mo? Di ka pa iiwan at lalong di ka pa masasaktan.
Bitter? Yes, I am.
To tell you the truth, this day is full of horrible memories that no person would like to remember. Nagsimula lahat ng masasamang nangyari sa akin sa araw ng mga puso, ang araw na pinakaayaw ko.
Pero Pucha. Itong isip na toh, ipamimigay ko toh eh!
Lahat. Lahat lahat ng masasamang nangyari sakin bumalik sa isip ko. Halos mabaliw na ako!
Pero di ito ang tamang oras para mabaliw.
Tsaka masyado akong maganda para maging baliw, noh.
Now, malamang nagtataka kayo kung bakit ako galit sa love eklabush na yan.
Sa kadahilan na walang kwenta yan.
Pamilya ko? Ayun iniwan ako at nagpakasaya sa ibang bansa kasama yung kapatid kong dati na nakapunta sa US at ngayon ay mayaman na. Pabigat lang daw ako at walang kwentang anak.
Parang dati lang paulit ulit nilang binabangit sakin na mahal na mahal daw nila ako at kailan mang di iiwan.
But look, I ended up being alone, unwanted and unlove. And it fucking hurts.
Kamusta na ako at paano ako nabubuhay?
Well dati kasi (inwan na ako nila mama't papa), pinapadalhan parin ako ni Ate Carissa ng pera para sa araw araw kong pagkain. Thrice a month nya ako pinapadalhan. Binilan nya pa ako ng condo ko at bayad na ito.
Masaya na sana ako kahit si ate lang ang nandyan para sakin, pero nagulat ako nang di na nagpadala si ate. Naghihintay nalang ako sa basurahan ng restaurant malapit sa condo ko at dun naghahalungkat ng makakain. Araw-araw ako umiiyak, grade 9 palang ako nun pero ang hirap hirap na ng dinadanas ko. Para bang lahat ng problema sinalo ko. Ganun na ba ako kamalas?
Kinabukasan may tumawag sakin sa condo, papasok na ko nun sa school. Pag sagot ko nagulat ako kung sino tumawag.
"Ate?" Natuwa ako nun dahil tumawag na sakin si ate, na baka matapos na ang kahirapan na dinadanas ko pero fuck.
"Di na kita mapapadalhan simula ngayon. Kalimutan mo na'ko at mamuhay ka na mag-isa." Matigas at cold nyang sabi sakin.
"Pero ate, bakit!?" Di ko na napigilang umiyak at sumigaw. Wala akong pake kung maraming tao dito sa lobby, wala na ako makakapitan si ate nalang.
"Dahil pagod na ako mag padala sayo." Mas naiyak ako sa rason nya. Yun lang. Yun lang rason nya. Kaya nya akong kalimutan dahil lang don!?
"Bakit!? Ano bang ginawa ko at ginaganito nyo ko!" Hindi sya nagsalita pero alam kong nandun parin sya.
"Pamilya ko ba kayo!? Anak o kapatid ba ang turi nyo sakin!? Bakit nyo ba ako pinapahirapan! Bakit kayang kaya nyo ako dito iiwan si Pilipinas na namumuhay mag isa! Bakit kaya nyo ako talikuran ng ganon ganon lang! Bakit nyo ako iniwan sa ere! Ha! Bakit? Sabihin nyo nga! Nang di ako nagmumukang tanga na nagiintay sainyo na umuwi! Nang di na ako umiiyak gabi gabi! Ano ba ang problema!!??" Galit na galit ako habang sinisigaw yan. Lahat ng tao nakatingin na sakin. Pero wala parin akong pakielam. Di parin sya sumasagot kaya nagsalita ako ulit.
"Masasama kayong tao! Mga walanh kwenta! Walang awa! Di ako makapaniwala na---" di ko na natuloy yun sasabihin ko ngbiglang sumigaw si ate.
"AMPON KA!" Natigilan ako. Parang gumuho yung buong mundo ko. Nanginginig na yung tuhod ko pero di ako umupo sa lapag.
"AMPON KA LANG! KAYA DI KA NARARAPAT SA PERA NA PINAPADALA KO! AMPON KA LANG! DI KITA KADUGO AT DI KITA KAANO ANO! WALA KA LANG!" Sumisigaw sya pero alam kong umiiyak din sya. Base sa boses nya na basag. Pag tapos nya sabihin yun binaba nya na yung telepono. Binalik ko na yung telepono, napaupo ako dahil tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko. Umiyak lang ako ng umiyak.
Kaya pala. Kaya pala kaya nilang gawin yun lahat sakin.
Dahil ampon lang pala ako.
At nangyari yun sa araw ng Valentines Day.
<><><>
Vote and comment naman please :D
YOU ARE READING
Hatred in Love
Short StoryShe hates love. Her name is Christine Aguilar, and read the reason behind why.