"Pabagsakin mo sila!" sigaw ni Gem.
"Eh ang lakas ni mama! Pano?" pasigaw kong tanong.
"Edi lakasan mo yung pagtulak! Aish! Matatalo tayo yan eh!" sigaw ny pabalik, katulad ng sinabi nya hinawakan ko si Mama sa kamay nya at nakipag tulakan sa kanya, at dahil nilakasan ko yun natumba si Mama, eh dahil nakapatong si Mama sa balikat ni Papa parehas sila nahulog.
"Yes! Nanalo tayo! Yipeee!" binaba na'ko ni Gemini sa tubig at nagtatatalon kami sa tuwa.
"Hay na'ko, natalo nyo kami. Osya mag be-bake na'ko ng cookies." Sabi ni Mama na para bang naiinis na malungkot dahil natalo sila.
"Goodbye kiddos. That was a great game, tutulong nalang ako sa Mama nyo magbake. Ingat kayo ha!" sabi ni daddy.
"Opo!" sabay naming sabi ni Gemini.
Nakatingin lang ako sa kanila hangang mawala na sila sa paningin ko.
Nagtataka ba kayo kung ano ginagawa namin? Well nasa swimming pool kasi kami, tapos napagkasunduan namin na maglaro, kami ni Gemini ang magkapartners at si Mama at Papa naman. Yung mga babae, uupo sa balikat nang mga lalaki pagkatapos magtutulakan yung mga babae at kung sino ang nahulog sila talo.
Eh samin kung sino matalo magbebake ng cookies, at dahil sila Mama ang natalo sila magbebake.
Ngayon naka-upo lang kami sa glid ng pool at nag-rerelax, nakakapagod kanina! Naubos stamina ko.
Kahit kasi medyo may pagkatanda na si Mama, malakas parin sya.
"Hays, second year college na'ko sa pasukan."
"Ako naman first year." napabuntong hininga naman ako, "Ano bang feeling maging college student?" tanong ko sa kanya. Bigla naman nya tinuro yung kumakaway nyang eyebags,
"Kita mo to?" Tanong nya habang nakaturo parin sa eyebags nya, tumango naman ako. "Ibig sabihin lagi kang puyat at pagod. Nakaka-stress kaya maging college student, para kang mababaliw." sabi nya sabay gulo ng buhok nya. "Alam mo yung feeling na parang mabibiyak yung bungo mo. Aish! Basta yun, ka-stress pucha." natawa naman ako sa expression nya.
"Hahahahahahaha, wait, ano bang course mo?" tignan mo nga naman halos one year na rin kami mag bestfriend pero simpleng course nya di ko alam. How mean of me.
YOU ARE READING
Hatred in Love
Short StoryShe hates love. Her name is Christine Aguilar, and read the reason behind why.