Pagpasok na pagpasok ko sa bahay sinalubong ako ng mahigpit na yakap nila mama.
"Bata ka, pinakaba mo kami." nakayakap parin sila sakin habang nakatayo kami sa tapat ng pintuan, tumingin ako sa paligid kung makikita ko si Gemini pero ni-anino nya wala.
Napatingin ako sa mga kasambahay namin at ngumiti sila sakin na para bang nagalala rin sila, ngumiti naman ako pabalik, ang dami nag-alala.
"Asan si Gemini? Alam mo ba kung nasaan sya?" tanong ni mama, siniko naman sya ni papa at nilakihan ng mata, may binulong si papa kay mama kaya napatingin sya sakin,
"Ay, oo nga pala. Sorry Christine di ko sinasadya."
"Okay lang po, Mama." Ngumiti ako ng pilit.
"Ah sige po aakyat lang po ako sa kwarto, pagod na po ako eh." Niyakap ko sila parehas tsaka umakyat papuntang kwarto.
Pagsara na pagsara ko ng pinto tumulo na naman luha ko. Tangina. Ang sakit eh. Ang sakit sakit.
Tumayo ako ng maayos, sumandal sa pintuan at napaisip habang umiiyak. I laughed.
Ano nga pala karapatan ko? Isang hamak na ka-MU lang naman nya ako. Haha, pucha. Para kong tanga. Wala nga pala akong karapatan. Bakit ko ba nakalimutan? Napatawa nalang ako sa katangahan ko.
Umupo ako sa lapag, patuloy na umiiyak.
"Ang tanga tanga mo." pinalo ko ng mahina ang ulo ko, "Wala ka namang karapatan, bakit ka nagiinarte dyan?" Niyakap ko tuhod ko, pinatong ko ulo ko dun at umiyak pa lalo.
---
May narinig akong kumakatok sa pintuan. Napadilat nalang ako ng mata ko at tumayo. Nag-inat muna ako tsaka binuksan yung pintuan.
"Good Morning, Christine." binati ako ni Mama.
Ngumiti naman ako ng pilit, "Good Morning din po."
Hinila naman ako ni mama papunta sakanya at niyakap ng mahigpit, at sa oras na yon, umiyak na naman ako.
"Ang saki sakit, Mama. Ang sakit sakit. Alam kong wala akong karapatan, na ka-MU nya lang ako pero naman tiba, sana naman di nya ako pinaasa at ginago. Sana sinabi nya na hindi nya na ako gusto para sa una palang, hindi na ako nag-abala kung paano ko gagawing memorable ang pagsagot ko sa kanya ng 'oo', na sana hindi na ako nag-isip at na-excite sa magiging future namin, na magkakaron kami ng dalawang anak, babae at lalaki na kamuka ko at nya. Na sana hindi na ako nagsayang ng oras sa kanya. Na sana hindi ko nalang sya minahal." humagulgol na naman ako, Mama tried to comfort me, but we both know na I still can't stop crying.
Pagtapos ng ilang minuto, tumigil na ako, "Ma, aalis nalang po ako dito. Hindi nyo naman ako anak at--"
She cut me off, "What did I told you yesterday? Tiba sabi ko dito ka titira at anak kita? That won't change, so whether you like it or not, you'll stay here." diin nya. Ngumiti sya na nag-pangiti rin sakin.
"Thank you, Ma. Sige po, maliligo lang po ako, papasok po ako." ngumiti si Mama at umalis na sa harapan ko, sinara ko na yung pintuan at ni-lock.
Napabuntong hininga naman ako, "Even if you're hurt, you still need to move forward. You can do it Christine. Fight." I looked at my full length mirror, I fucking look like a mess. I know I won't be able to return to my old self, but I know I can be better. But not now, maybe someday.
Pumasok na ako sa banyo, hindi dapat maging hadlang ang feelings and emotions ko sa aking pagaaral. Tutal, pinagaaral lang naman nila ako. Sisiguraduhin kong mag-aaral ako ng mabuti para pag nakapagtapos ako, magsasarili na ako. Pero syempre, hindi ko kakalimutan ang malaking utang na loob ko sakanila.
YOU ARE READING
Hatred in Love
Short StoryShe hates love. Her name is Christine Aguilar, and read the reason behind why.