6. Past III

401 19 2
                                    


Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas.

"Open the door right now!" Boses nung nasa labas ng pinto.

Tumingin ako sa katabi na nagising na din sa ingay.

Napahawak ito sa mukha. " Miranda! What did you do??!"

Hinaplos ko yung mukha nito. "You know that I always loved you Nick. Nauna lang ang Honeymoon natin.."

Napatingin kaming dalawa sa pinto ng bumukas ito. Naroon ang Ah Ma at Mommy nito nabigla sa itsura namin ni Nicholas na parehong nasa kama pa at tanging kumot lang ang nakatakip sa amin.

"Both of you! Magbihis kayo at sumunod sa study room. Mag uusap tayo!" Mariing sabi ng Ah Ma nito.

Napahawak ako ng mahigpit sa kumot. Planado ko lahat ng pangyayari. Binayaran ko yung maid nila na iset up yung terrace. At kapag hindi nya ako nakitang lumabas ng hating gabi sa kwarto pasimple nitong ikukwento sa matandang Liu na hindi ako nakauwi kagabi.

Pag nalaman ng matandang Liu na nandito ako tiyak na aayain ako nitong kumain ng breakfast. Sanay ito na naroon ako parati sa bahay ng mga ito kaya meron din akong sariling kwarto.

Sasabihin din ng katulong na nag inuman kami ni Nicholas kagabi sa kwarto nito at hindi na ako nakalabas.

Traditional ang matandang Liu. Sa tagal ko ng nakikitulog dito lagi nitong sinasabi na dapat sa mag asawa lamang ang ganito. Hintayin ko na makasal muna kami ni Nicholas.

"Talanga planado mo to Miranda. Akala ko kahit papaano mag mamatured na yang utak mo. Pero hanggang ngayon sarili mo lang ang iniisip mo." Galit na sabi ni Nicholas. Bumangon na ito at nagmamadali na isinuot yung mga damit nitong nagkalat sa sahig.

Tumayo na din ako at binalabal yung kumot sa katawan ko. "Hindi ko pinagsisihan yung nangyari sa atin Nicholas. Kung ano desisyon ni Ah Ma yun ang susundin ko." Tumalikod na ako dumiretso sa banyo.

Pag dating ko sa study room, Naroon na si Nicholas. Naroon na din ang Ah Ma, Mommy at daddy nito.

"Tinawagan ko na ang parents mo iha, papunta na sila." Bungad nung mommy ni Nicholas.

Napayuko na lang ako na kunyari ay nahihiya. Pero sa loob ko sobrang saya ko dahil naayon lahat sa plano ko. Hindi papayag ang mga magulang ko na hindi kami makasal agad ni Nicholas pag nalaman nila ang nang yari sa amin.

"Sit down Mira." Utos ng Ah Ma nito. Sumunod ako at umupo sa tabi ni Nicholas. Hindi ito tumitingin sa akin sinula ng pumasok ako, tahimik lang itong nakaupo.

"Nabanggit na namin sa parents mo ang situation Miranda. Nahihiya kami sa mga magulang mo dahil baka isipin nilang pinagsasamantalahan ni Nicholas ang pagkakaibigan nyo." Sabi ng daddy nito.

Maya maya humahangos na dumating yung mga magulang ko. Nakatingin sa akin si daddy na tila galit. Umiwas ako ng tingin, hindi ko matingnan si daday ng diretso.

Naguusap lahat ng nakakatanda at parehong tahimik lang kami ni Nicholas.

"Both families decided na magpakasal kayo in 4 months. Hindi na dapat patagalin dahil panigurado na pag uusapan kayo lalo't hindi
lang kami nag nakakita sa sitwasyon nyo kanina. May ibang tao pa dito." Saad ng matandang Liu.

"Don't worry Mira tutulungan ko kayo mag prepare sa madaliang kasal na to." Nakangiting sabi ng mommy ni Nicholas.

"Since decided na ang lahat at magiging isang pamilya na tayo, Rey and Melanie dito na kayo mag lunch para mapagusapan natin yung ibang detalye." Aya pa ng daddy ni Nicholas sa parents ko.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon