16.

453 27 2
                                    


Muli kong tiningnan sa salamin yung suot ko na plain white gown. Mabilisan lang namin itong nabili ni Sandy sa Mall kaya hindi na ako gaanong pumili ng magarbo. Mas maige na hindi ako masyadong mapansin sa damit ko para maaga akong makauwi mamaya kung sakali.

Napangiti ako sa sarili habang nakatingin pa din sa salamin. Ibang Mira na yung sa harap ko ngayon, hindi katulad noon na laging tila anino ni Nicholas. Yung Mira ngayon na may sariling disposiyon na sa buhay. Kaya hindi ko pa din maiwasan na mgapasalamat sa Taas dahil binigyan ako ng pagkakataon na maayos ang panibagong buhay ko.

Bumaba na ako sa sala, naroon na si Sandy habang busy sa kakapindot sa cellpohone nito. Dito na ito nag ayos para sabay kaming pumunta sa venue ng anniversary ng RA.

"Wow, dyosang dyosa ang peg natin ah. Lady in white." Sabi nito nung makita na akong pababa ng sala.

Napangiti ako. "Ganda mo ngayon." Puri ko.

"Baks, parati akong maganda no." Sabay tawa. " Kaya nga nahuhumaling na sa akin yung frenny ni Ralph. Mamaya tabi daw kami sa table. Naka sitting arrangement daw."

Napatigil ako sa paglalakad.

Sitting Arrangement?

For sure katabi ko sila Mommy and Daddy. Nauna na na silang umalis kanina dahil gusto pa daw nila makakwentuhan yung ibang mga kakilala bago magsimula yung party.

"Baka naman mamaya hindi kapa sumabay sa akin pauwi nyan ha?"

Humagikhik ito. "It depends on the situation."

Napailing nalang ako sa sagot nito. Kahit kelan talaga itong si Sandy. Akala ko noon hindi makabasag pinggan yun pala nasa loob ang kulo.

Sumakay na kami sa nakaabang na mag hahatid sa amin. Pag dating namin sa hotel hindi ko maiwasan kabahan.

Malamang narito din ang mga Liu dahil sila ang pinaka malaking client ng RA.

Pinakita namin ni Sandy yung invitation card sa may receiving area ng hotel saka kami sinamahan para ihatid sa designated seat namin.

Saktong oras lang kami dumating kaya anytime magsisimula na yung program. May mga artistang ininvite ang RA para magperform. May award ceremony pa ito para sa mga clients and suppliers kaya malamang matagal matatapos yung event.

Unang hinatid si Sandy sa assigned seat nito na hindi naman nalalayo sa harap ng stage, kasama nito sa table yung mga manager ng ibang company. Tinanguan ko na si Sandy saka sumunod doon sa maghahatid sa akin sa table ko.

Napadaan ako sa table nila Mommy kaya huminto muna ako para batiin ang mga ito. Pinakilala ako nito sa mga kasama nito sa table na matatagal na din sa Industry.

"Mira, nagkita naba kayo ni Ra—, o ayan na pala sya sa likod mo." Si Mommy.

Lumapit sa akin si Ralph. "Wow. Lalo kang gumanda Mira. Come, Papakilala kita sa parents ko." Hinawakan ako nito sa braso at lumapit kami sa mga magulang nito. Habang si Mommy naman ay bumalik na sa upuan nito.

"Ma, Pa si Mira po pala."

"Hi, Iha, Nice to meet you. Now I know kung bakit laging nasa Korea si Ralph." Bati ng Mommy nito. Nakangiti ito habang nakatitig sa mukha ko.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon