17.

466 26 0
                                    

"Anong seminar bet mo?" Usisa sa akin ni Sandy. Nakatingin pa din ako sa poster na nakakabit sa board. May iba't ibang seminar doon na pagpipilian.

"Ito nalang yung sa sunscreen, since nasa prototype na tayo ng sunscreen baka may mga bagong ideas tayo na makuha."

Tumango ito. Sabay tingin sa akin. "Kakalabanin mo ba talaga Allure Mira? Malakas yung sun screen nila halos napasok na nila ang mga top beaches sa atin."

Tumawa ako. "Bakit hindi ba pwede maglabas tayo ng sunscreen na mas appealing? You know yung brand natin nakikilala na lalo na nasa mga leading stores."

Nakilala na kami sa market kaya paunti unti na kaming nag eexpand ng mga products namin. Marami na akong naiisip na concept. Nung una namin nilabas  ang Aloe Vera gel, nag labas din ang Allure ng sarili at iba-ibang variants pa. May pa rose, snail etc. pa. Since nakilala kami sa gel hindi na kami nag labas pa ng ibang variant. Nagstick nalang kami na iisang variant lang kaya naisipan ko na maghanap din kami ng ipapantapat sa sunblock nito. May isang product din kami na nilabas yung foam facial wash na alam ko hahanapan din ng Allure ng pantapat.

Pumasok na kami ni Sandy sa loob. Sa may pinakalikuran nalang ang available slot kaya doon na kami dumiretso ni Sandy. Hindi pa nag sstart yung seminar, nagp-prepare palang ng mga materials yung speaker kaya medyo maingay pa sa loob.

"Sayang wala si Sir Ralph. Hectic ata sila ngayon kaya ibang tao nalang ang pinadala dito." Saad ni Sandy.

"Gusto mo lang kamo mag palibre."

"Syempre. Kuripot mo kaya." Nakaingos na sabi ni Sandy.

Napatigil ako sa pagtawa nung nakita ko si Nicholas na pumasok sa loob ng seminar room. Tumingin muna ito sa brochure na hawak nito sabay tingin sa paligid. Nung makita ako dumiretso na ito sa pwesto namin dahil bakante yung upuan na katabi ko.

Dire-diretso itong naglakad sa pwesto namin. Hindi kaila na yung ilang babae sa harap namin nakatingin kay Nicholas. Ang gwapo kasi talaga nito lalo pa ang formal tingnan dahil sa suot nitong slacks at long sleeve na puti na nakarolyo ng bahagya, tapos ang bango bango pa nya tingnan.

Naisip ko na makipag palit ng upuan kay Sandy. Pero parang mukha naman na napaka-immature ko tingnan.

"Puso mo sis. Baka mafreeze yan sa lakas ng tibok ah." Bulong na sabi ni Sandy sabay ngisi.

Hindi na alang ako umimik. Inabala ko nalang yung sarili ko na basahin ulit yung brochure na hawak ko.

"Hi Sir Liu." Bati ni Sandy dito nung makalapit si Nicholas.

Tumango lamang ito kay Sandy.

"Sungit naman." Bulong ni Sandy sa akin.

Bakit kasi sa dinami dami ng venue nandito pa ito. Dalawang In-cos na yung napuntahan namin ni Sandy, which is yung una sa Japan then Hong Kong at never namin na-encounter si Nicholas dahil laging ibang participant ang pinapadala nito. Kaya kampante ako na hindi ito pupunta.

Tahimik lang ito umupo sa tabi ko. Habang busy sa pag babasa sa hawak nitong brochure.

Napapikit ako nung maamoy ko yung pabango nito. Hindi pa din sya nag papalit ng pabango.

Hanggang sa matapos magdiscuss yung speaker hindi ako lumingon dito. Yung na discus nung speaker dumaan lang sa right ear ko sabay labas sa left ear. Wala ako naintindihan kahit ni-isa dahil sa katabi ko.  Sakit lang ata ng ulo ang nakuha ko sa Seminar na 'to.

Kelangan ko ng ibuprofen!

"Sandy may dala kabang advil?" Tanong ko.

"Nasa hotel sis. May masakit ba sayo?"

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon