9. Past VI

255 13 0
                                    


"Sandy dumiretso ka muna sa office. May ipapagawa ako sayo."

Hindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw. Hindi rin ako makatulog sa kakaisip kung paano ako makakalusot kay Nicholas at paano din mapaalis si Kirsten sa Allure. Halos hindi na ako makapag focus sa project namin.

Ilang araw na din wala si Nicholas dahil nasa Thailand ito para mafinalize yung extract na gagamitin na for production.

"Sandy, ongoing stability na yung product natin na hair grower. Halos okay na yung formula. Sayo ko ipapasa yung data nung stability. Then ikaw ang magmomonitor nung status. Hanggat maari ikaw lang ang gagawa dahil confidential yung project na to." Saad ko.

Tumango ito. "Noted Maam."

"Lahat ng data directly sa akin ipapasa okay?" Tumayo na ako at lumabas na sa office.

Pagkalabas ko nakasalubong ko si Kirsten sa hallway. Huminto ako sa paglakad at hinarap ito.

"Lakas talaga ng loob mo no? Hindi kaba nahihiya? Halos lahat ng tao dito pinaguusapan ka?" Mataray na sabi ko.

Hindi ako pinansin nito. Dumiretso ito sa paglalakad. Hinila ko yung braso nito.
"Umaasa kapa na babalikan ka ni Nicholas? Nagkakamali ka dahil umaasa ka lang sa wala. Hindi ka kalevel ni Nicholas. Kaya umalis ka na!"

Humarap ito sa akin, nanatiling nakahawak pa din ang kamay ko sa braso nito.
"Bakit ako aalis Miranda? Akala mo ba nagtagumpay kana? Hindi pa kayo kasal ni Nicholas." Nang uuyam na sagot nito.

Tiningnan ko yung kaharap. Hindi ito yung Kirsten na kilala ko na napaksubmissive. Yung halos lahat ng mga kakilala ko ay tila gusto maging tagapagtanggol kapag nakikitang umiiyak ito.

Tumawa ako. "So, ito pala ang totoong mukha mo." Muli ko syang tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Gold digger!" Nang uuyam na sabi ko.

Inalis nito yung pagkakahawak ko sa braso nito. "Hindi ka din ba nahihiya sa sarili mo na dikit ka ng dikit kay Nicholas? Mas masahol kapa sa linta actually."

Akmang sasampalin ko sana ito na agad naman nitong naiwasan.

"Kapag talo ka sa salitaan ngayon mananampal ka? Huwag ako Miranda. Kahit anong gawin mo hindi mapupunta sayo si Nicholas. Magdurusa ka lang." nakangiting sabi pa nito. Tumalikod na ito.

Hinablot ko yung braso nito. Pumiglas ito at itinulak ako ng mahina, nung mapansin ko na may taong paparating agad ko itinumba yung sarili ko sa sahig.

Napasapo ako sa tiyan ko. "Kapag may nangyari sa dinadala ko Kirsten pagbabayaran mo ito." Umiiyak na sigaw ko.

"Mira!!" Humahangos na dinaluhan ako ng Daddy ni Nicholas. May mga kasunod itong ibang Departed Head.

Inalalayan ako na makatayo. "Are you okay?" Nag aalalang tanong nito.

Tumango ako sabay punas ng luha.

Nilingon nito si Kirsten na tila nabigla sa pangyayari. Nanatiling nakaangat pa ang kamay ni Kirsten na ginamit nito nung itulak ako at yun ang aktong naabutan ng dadday ni Nicolas.

"Bigyan mo ng Notice for Termination si Ms. Vallero. ASAP!" Sabi nito sa HR Department Head na kasama nito.

Natatarantang tumango yung kausap nito.

"ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito. At kung may mangyaring hindi maganda sa dinadala ni Mira hindi lang Termination ang aabutin mo." Galit na sigaw nito.

Nagulat lahat ng taong naroon at napatingin sa tiyan ko.

"Let's go Mira. Dadalhin kita sa Clinic." Aya nito sa akin.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon