14. Engaged

484 31 6
                                    


"It's nice to be back." Nakangiting sabi ni Sandy. Nakaangat pa ang mga braso nito na  tila may kayakap.

Natawa ako. "Sa loob ng 5 years natin sa Korea nakailang uwi kana."

Umirap ito. "Huh. Syempre iba pa din pag back for good kana no. Pero nalulungkot ako. Wala na gaanong oppa dito." Pinatamlay pa nito ang mukha.

Sa limang taon na magkasama kami ni Sandy nakilala ko yung side nito na may pag kakalog. Kaya hindi ako nalulungkot sa Korea kapag kasama ko ito.

"Marami naman dito ah."

"Kung kasing gwapo ni Nic- " pinutol nito yung sasabihin nung napatingin sa akin. "ay hindi pala! Kasing gwapo ni Sir Ralph . Why not coconut!"

Yung Ralph na tinutukoy nito ay yung may ari ng isang Toll Manufacturing sa Pilipinas.

"Hay. Kung sa akin lang nabaling ang pagtingin ni Sir Ralph baka nagpafiesta na ako sa amin. Imbitado pa ang buong baranggay." Saad pa nito.

Nakilala namin si Ralph 2 years ago nung
um-attend kami ng isang exhibition ng mga equipment sa China. Dahil parehong Pinoy hindi maiwasan na magkakwentuhan at magpalitan ng number.

Lagi ito bumibisita sa Korea kaya naging kaibigan na din namin ito. Ilang beses na itong maglakas loob na manligaw sa akin pero hindi ko pinapansin dahil hindi pa ako ready sa panibagong relasyon.

Kilala na din ito ng parents ko at lumalabas din ang mga ito paminsan minsan dahil iisang Industry ang ginagalawan namin.

"Tagal ng nanliligaw sayo ni Sir Ralph pero friend zone mo lang. Hay. Sayang naman bagay kayo." Sabi pa nito.

"Hindi pa ako ready." Sagot ko. Nauna na ako naglakad palabas ng arrival area.
Mabilis na sinundan ako nito "Kelan kapa magiging ready Mira?"

Kelan ba ako magiging ready?

Hindi ko din masagot sa sarili ko yung tanong kung kelan ba ako papasok sa bagong relasyon.

Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na makaiwas sa tadhanang mabibilanggo ako at mamatay. Sapat na siguro ang limang taon na pag iwas pero hindi ko makita ang sarili ko na pumasok agad sa relasyon.

Natatakot ako sa sarili ko. Dahil sa nangyari nandoon yung agam-agam na masakal lang ito ulit at iwan ako.

"Nandyan na yung sundo natin. Halika na." Iwas ko nalang sa tanong nito.

———

Hinatid muna namin si Sandy bago ako nakauwi sa bahay. Pagbaba ko ng sasakyan agad akong sinalubong nila Mommy at Daddy.

"Mira masaya kami ng Daddy mo na naisipan mo ng bumalik dito for good." Masayang sabi ni Mommy.

"Pumasok muna tayo sa loob tiyak na pagod si Mira sa byahe." Saad ni Daddy.

"Dad naman ang lapit lang ng Korea." Natatawang sabi ko.

Masaya ako dahil nakikita at nahahawakan ko sila. Naiwas ko din ang mga ito sa car accident na syang ikakamatay ng mga ito.

Pagpasok namin sa loob umupo muna kami sa sala para magkwentuhan.

"Papasok kana ba agad sa MRD?" Tanong ni Mommy.

MRD galing sa pangalan ko na Miranda na syang kompanya na itinayo ko nakaraang taon.

Nung una naglabas ako ng mga product na soothing gel. Sa mismong toll manufacturing na pinagttrabahuan ko ito ginawa since nagsisimula palang ako. Naisip ko na ilabas ito dahil alam ko sisikat ito sa kalaunan na katulad nung nangyari sa unang buhay ko.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon