18.

458 28 2
                                    

"Here." Inabot sa akin ni Ralph yung bote ng Beer.  Nasa Coron kami ngayon, nag yayaan kami na mag long weekend dito.

"Thank you." Nakangiting kinuha ko yung bote. Binalik ko ulit yung tanaw sa harap ng dagat kung saan naroon sila Sandy kasama yung kaibigan ni Ralph na kanina pa naglalampungan.

"Ang sweet nila." Sabi nito.

"Inggit ka?"

Natatawang nilinga ako nito. "Kung sasabihin ko ba na Yes, sasagutin mo na din ba ako ng matamis na Yes mo?"

Binalik ko ulit yung tingin kila Sandy na naghahabulan na tila kala mo mga bata.

"I know, may ibang tao dyan sa puso mo Mira. I can feel it. Kahit noon pa. Pero hindi kita susukuan."

Uminom ako ng beer na binigay nito.

Sa totoo lang wala akong mapintas kay Ralph. Sa ngayon natatakot pa din ako na muling buksan yung puso ko. Yung confidence ko paunti-unti ng bumabalik. Pero yung puso ko hindi ko masabi kong ready naba ulit.

Napabuntong hininga ako. Tinitimbang ko yung sarili kung sasabihin ko ba yung tungkol sa amin ni Nicholas.

"Fiancé ko noon si Nicholas."Simula ko.

Tahimik lang ito na nag aabang ng susunod ko na ikukwento.

"I was madly inlove with him since bata palang kami. For me he's the only man in my heart. Lagi nya akong anino noon and I'm so confident that time na ako lang ang para sa kanya. Lahat halos ng mga kakilala namin alam na kung gaano ako ka-desperada sa kanya. And then one day, I woke up and realized na hindi talaga sya para sa akin."

Tumingin ako dito. "Every move, every decision and plans that I made kasama sya. Then one day nasira lahat yung pangarap ko para sa amin. Napakaraming pangarap Ralph. Lahat ng 'yon kasama sya. Kaya that time basag na basag ako. Hindi ko alam kung paano mag sisimula ulit ng bagong pangarap na ako na lang."

"I've cried every night. I was so desperate. Then, I realized that I need to be on my own. I need to plan and build my career on my own without Nicholas in my life."

Nagsimula na tumulo yung luha ko.

"Ngayon, nakakabangon na ako. My confidence slowly getting there. Pero yung puso ko Ralph, takot ng magmahal sa ngayon. I think that if I open my heart again, baka maging desperada ako ulit. Baka masakal ng pag mamahal ko yung taong iyon. Baka hindi ko na kayanin Ralph. I'm so scared."

Hinawakan nito yung mukha ko at pinunasan nito yung luha ko.

"I'm not forcing you to love me agad Mira. Pero mag hihintay ako na mabuksan ulit ang puso mo. Hindi ako magsasawang maghintay Mira. i will always be here for you habang inaayos mo ang sarili mo." Nakangiting sabi nito habang hawak pa rin nito ang mukha ko.

"Hindi kita mamadaliin." Dugtong pa nito.

Tahimik na binalik ko yung tingin ko kila Sandy na pabalik na sa pwesto namin. Agad ko inayos yung sarili ko.

Hindi ko alam Ralph, kung kelan ako magiging handa ulit.

Nag lalagay ako ng skin care routine ko nung lumabas sa banyo si Sandy.

"Mukhang masinsinan yung usapan nyo ni Sir Ralph kanina ah." Usisa nito habang nagpupunas ng buhok.

"Sinabi ko na sa kanya yung nakaraan ko."

Nanlaki yung mga mata nito habang nakatingin sa akin. "ANO?!! Para mo na din binasted yung tao."

"Natatakot ako Sandy."

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon