15. Best view

499 33 3
                                    


"Baks! Invited tayo sa anniversary party ng RA." Balita ni Sandy nung pumasok ito sa office ko.

Abala ako sa pagbabasa ng mga email nung pumasok ito. Bahagya ko lamang itong sinulyapan at binalik na ulit yung tingin ko sa monitor.

"Nabanggit na sa akin ni Ralph nakaraang araw. Ikaw na pumunta. Busy ako." Sagot ko.

"Kelangan nandoon ka dahil malaking party yun tsaka baka magtampo si Sir Ralph."

Nakapameywang pa ito na humarap sa akin saka nagsalita ulit.

"Pag uwian diretso tayo ng mall kelangan makabili tayo ng gown! Ito namang si Sir Ralph biglaan kung magsabi. Tapos yung party sa susunod na araw na."

Matagal ng nabanggit ni Ralph yung party pero hindi ko lang nabigyan pansin dahil nasa Korea pa ako ng mga panahon na iyon at hindi pa namin alam ang definite date kung kelan ang uwi namin.

"Sumama kana. At tsaka pupunta din daw parents mo. Halos lahat ng malalaking companies sa RA nagpapaToll kaya engrande yung 25th anniversary nila." Dagdag pa nito sabay lapit sa table ko.

"Hindi mo dapat binuburo ang beauty mo dito Mira. Baka maging bagoong ka niyan." Tumawa pa ito ng malakas.

Napatawa ako sabay iling. "Oo na. Sasama na ako mamaya."

"Yan ang sinsabi ko! Aba dapat ready to mingle tayo— este ako pala. Malamang hindi na naman mawalay ang tingin sayo ni Sir Ralph." Bumuntong hininga ito saka nagpatuloy sa paglilintaya tungkol kay Ralph.

"Bakit kasi hindi mo makita ang kagwapuhan ni Sir Ralph. Tall, moreno and handsome. Aba bonus pa yung dimple nya. Mabait, gentle man at higit sa lahat malambing!" Inisa isa pa nito sa daliri nito yung mga katangian ni Ralph habang nag sasalita.

"Baka naman may bonus ka dyan kay Ralph kaya ka bumabalimbing."

Tumawa ito. "Hindi naman masyado. Trip to japan lang naman ang inoffer ng loko. Pero seriously Mira, tinamaan ng matindi sayo yun halos lagi nagtatanong kung ano pa daw ba kulang sa kanya para mapansin mo lang daw sya."

Tumigin ako dito at napabuntong hininga. "Natatakot lang ako Sandy. Masyado akong possessive mag mahal pakiramdam ko masasakal lang siya sa akin."

Tinitigan ako nito sa mga mata ko na tila hindi naniniwala sa rason ko. "Kung mahal ka talaga ni Ralph mamahalin nya kahit ano ka pa Mira. Hindi mo kelangan magbago para sa kanya." Tumigil ito saglit bago nag patuloy.

"baka naman Mira hindi pa nawawala dyan sa puso mo yung intsik na yun?"

Tumayo na ako at niligpit yung mga gamit ko. "Tara na nga! Magshopping nalang tayo." Aya ko dito.

"Ayan! Ayan umiiwas ka pag napag uusapan yung intsik na yun."

Hinila ko nalang ito palabas. "Halika na. Dami mo pa sinabi." Nakatawang sabi ko dito.


Pauwi na kami ni Sandy galing Mall nung tumawag si Ralph at nag aya na mag chill lang sa isang bar na overlooking daw ang buong city.

Dumiretso na kami ni Sandy sa bar na sinasabi nito. Pagdating namin naroon na ito at nakaupo sa loob. Tumayo ito nung makita kami na papalapit na sa table.

Naunang umupo si Sandy sa pwedto kung saan nakaharap kay Ralph. Tatabi sana ako dito nung inilagay nito yung bag na dala sa tabi nito.

"Masyadong mabigat yung bag ko baks! Sa tabi ka nalang ni Sir Ralph umupo." Dahilan nito sabay ngiti sa akin.

Umupo nalang ako sa tabi ni Ralph.

"Wine inorder ko since magagandang babae ang mga kasama ko." Nakangiting sabi ni Ralph.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon