20

371 24 6
                                    

'Last na 'to.' 

Ilang beses ko na atang sinasabi ito sa sarili ko. At ngayon nandito ako sa rest house nila Nicholas sa Palawan. Magkasama kami nila Mommy sa chopper na pinahiram ng pamilya nila Nicholas. Nauna na daw dumating sila Nicholas at ang pamilya nito sa Palawan.

"Mommy, hindi ba nakaka-ilang na narito tayo?" Tanong ko kay Mommy pag kababa namin.

Naiisip ko si Kirsten, ano nalang ang mararamdaman nito ang ng nanay nito kapag nakita kami na narito. Engaged na sila, hindi ko maiwasan na mailang dahil na din sa nakaraan namin ni Nicholas.

"Nag kausap na kami ni Neri regarding sa set-up natin. Wala naman problema kay Kirsten since magkaibigan naman ang pamilya natin kahit na hindi natuloy yung arranged marriage nyo ni Nicholas." Sagot nito. Ramdam ko yung pag kasabik sa parents ko na muling magkakasama sila ulit ng pamilya nila Nicholas. Dumistansya lamang sila noon dahil sa pag iwas ko.

"Mommy." Muling tawag ko dito. Huminto ako sa pag lalakad at humarap dito. " Sa susunod na invitation nila hindi na po ako sasama. Last na po ito. Hindi magandang tingnan na narito pa ako. Gusto ko lang pagbigyan si Ah Ma dahil kagagaling nya lang sa sakit."

"Ayoko din na may masabi sa sakin si Kirsten at lalo na si Claudia. Bilang respeto nalang din sa pamilya nya." Dagdag ko pa.

Talaga ba Miranda? O baka gusto mo nalang talaga iwasan si Nicholas dahil umuusbong muli yung nararamdaman mo?

Tumango ito. "I understand. Mahirap kasing tumanggi sa ngayon kay Aunty."
Nakikita ko sa mga mata nya yung lungkot. Matagal na silang mag kaibigan ni Tita Neri since elementary days pa lang. Habang si Daddy naman kaibigan ni Tito Jess nung high school. Kaya nung maging sila ni Tita Neri at Tito Jess doon nag kakilala yung parents ko. Kaya halos noong college lagi silang magkakasama hanggang sa nag ka-anak.

"Mukhang malalim ata ang pinag uusapan nyo ha?" Nakangiting sabi ni Daddy ng maabutan pa kami nito sa may entrance ng Rest house. "Let's go. Nasa loob na daw sila. Kanina pa tayo hinihintay."

Pag dating namin sa loob agad kaming sinalubong ni Tita Neri. "Lunch muna tayo saka namin kayo iikot dito sa Rest house."

Sumunod kami dito papunta sa dinning area, naroon na ang pamilya nito maliban kay Nicholas. Lumapit ako kay Ah Ma at hinalikan ito sa pisngi.

"Magugustuhan mo dito Iha. Malayo sa City itong lugar namin kaya solong solo mo yung beach." Nakangiting sabi nito habang hawak yung kamay ko.

Gumanti na lamang ako ng ngiti dito. Hangga't maari gusto ko ng umuwi. Pero ang usapan 1 night lang kami dito at bukas ang balik ng Manila.

"Si Nicholas?" Tanong ni Daddy.

"Nasa taas, nag aayos ng mga stocks. Pahirapan na kasi due to Covid." Sagot ni Tito Jess.
Nag simula na kaming kumain habang nag uusap sila tungkol sa mga bagong prices ng mga stocks ng materials. Pag katapos ko kumain nauna na akong nag paalam na mag ikot ikot.

May kalakihan ang rest house ng mga Liu, may kataasan din ito kaya maglalakad ka pababa  para makarating sa dagat. Sa labas naman ng dinning area naka pwesto yung infinity pool.

Sa living room maganda yung pag kaka-interior, halos naka glass wall lahat kaya kitang kita agad sa labas yung mga puno. Nabanggit kanina ni Tita Neri na kung pupunta sa City kekelanganin mo pa gumamit ng speed boat.

Noong unang buhay ko kakabili pa lang nila sa property na ito at hindi pa naiisipan na tayuan ng rest house. Naalala ko noon na gusto ni Nicholas na tumira malayo sa City.

Siguro kung kami nag katuluyan baka dito kami nakatira.

'Stop it Mira.'

Napapikit ako nung maamoy ko yung pamilyar pabango. Kahit nakatalikod o nakapikit pa ako yung amoy nito hinding hindi ko pa din maipag kakaila sa iba.

Escape From Mr. LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon