Prologue

27.4K 337 58
                                    

"Oh pusoy na, pusoy na ako!"

Humaba ang nguso ko dahil sa pangatlong pagkakataon ay natalo na naman ako. Mabigat akong bumuntong-hininga at padabog na ibinaba ang baraha ko.

"Wala! Madaya! Nandadaya!" sambit ko dahil hindi ko na matanggap ang pagkatalo ko.

A smirk plastered on his face. Mas lalo akong napairap. "Alam mo, Selene? Just accept your defeat. Hayaan mo, iseseminar kita sa susunod." Tumatawa siya habang inililigpit ang mga baraha.

"Kainis naman, another gastos na naman," mahinang bulong ko sa sarili. Pinagmasdan ko si Chance habang itinatago na niya ang mga baraha sa bulsa niya.

"Oh narinig ko 'yon! 'Kala mo ah, pa-deal deal ka tapos magrerek-"

"Oo na! Oo na! Ang daming sinasabi!" inis kong sambit.

"Oh bat galit-"

"Nand'yan na si Ma'am!"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumalik sa upuan ko. Nakita ko pang tumakbo papunta sa kabilang pinto si Chance para makalabas. Hindi ko naman kasi siya kaklase. Nakidayo lang siya rito para makipagsugal sa akin. Badtrip nga at talo ako.

Lahat ay naalarma rin at nang tuluyang makapasok si Ms. Leona ay tumahimik na ang lahat. Ang sungit nito. Palibhasa walang jowa.

Pero wala rin naman akong jowa. Okay lang 'yan, Ms. Leona. Ramdam kita.

"Good morning," bati niya.

"Good mo-" she cut us off.

"Bring out your assignments. After that, you're going to have a quiz," mabilis niyang sambit kaya mahina akong napabuntong-hininga.

Kagaya nang sinabi niya ay inilabas namin ang mga assignments. Hindi ako natutuwa sa araw ko ngayon dahil umagang-umaga ay natalo ako ng Chance na 'yon. Humanda talaga siya sa akin kapag natalo ko siya. Uubusin ko talaga ang pera niya sa pagkain.

Speaking of pagkain. I haven't eaten breakfast yet. Nagmamadali kasi ako dahil late na ako nagising. Paano ba naman, hindi ako pinatulog ng magaling kong kapatid dahil may insomnia siya at ako ang binuwisit niya kagabi dahil wala siyang magawa.

Nakakabadtrip din 'tong isang 'to. Tuwang-tuwa yata sa palaging pasurprise quiz at dahil palagi na siyang nagpapa-quiz, hindi na surprise. Letse.

Buong oras ng klase ay nakasimangot lang ako. Bukod sa mawawaldas ang pera ko mamaya dahil kay Chance, gutom pa ako tapos 3 lang ang score ko sa quiz out of 15, bonus pa 'yung isa.

"Oh ano? Pinagsisisihan mo na ba?" nakangising tanong ni Chance nang nag break time.

Tamad ko siyang tinignan. "Yes, I'm regretting it now. Pinagsisisihan kong naging magkaibigan tayo!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Awit! Talsik mo lumalaway!"

Hindi ko na siya sinagot. Pikit-mata kong ibinigay ang 250 ko dahil sa isang breaktime pa lang, naka dalawang daan na ang unggoy na ito. Ang mamahal kasi ng pagkain dito sa cafeteria. 'Kala mo mga ginto 'yung pagkain, e.

Habang pumipili kami ng mauupuan ay pinagtitinginan kami ng mga studyante. I admit that this monkey beside me is popular. Paano ba namang hindi? Nasa kanya na yata ang lahat ng kagwapuhan. Halos lahat yata ng babae ay gusto siya at ang mga lalaki naman ay nagseselos sa kanya. Itong unggoy naman, gustong-gusto ang atensyon ng mga tao.

Napailing ako. Kung makakasama lang nila palagi ang Chance na ito ay matuturn-off sila. Ako nga sawang-sawa na sa pagmumukha niya.

Mahina kong sinipa ang binti niya para hindi matapon ang laman ng tray na dala niya. Tumingin siya sa akin at inginuso ko ang malapit sa entrance ng cafeteria.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon