Chapter 32

11.7K 108 10
                                    

Sunod-sunod ang pag-ubong ginawa ko. Hinang-hina na ako. Mas lalong dumadami ang mga rashes sa katawan ko at parang kaunti na lang ay babagsak na ang katawan ko.

"Selene, pumunta na kaya tayo sa ospital?" tanong ni Tita Lorna. Tinawagan ko kasi siya para samahan ako rito sa kwarto in case na may mangyaring masama sa akin.

Umiling ako. Nahagip ng mga mata ko ang salamin kaya nakita ko ang sarili ko roon. Payat at maputla.

"H-hindi... hindi ko na kayang tumayo..." sambit ko at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng dugo sa ilong ko.

Humagulgol si Tita Lorna. "Selene! Oh my God, Selene!" Niyakap niya ako pero hindi ko na siya kayang yakapin dahil sa panghihina.

"Iuuwi na kita sa Manila. Doon ka na magpapagamot," aniya at biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Dos na walang hunos na tumakbo palapit sa akin.

Agad niya akong niyakap. "Wala akong magawa... tangina wala akong magawa..." bulong niya.

Nakakaramdam ako ng antok pero ayokong pumikit. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Dos pero hindi na ako nakapagreklamo dahil kahit ang pagsasalita ay hindi ko na kayang gawin.

Nagising ako at alam kong nasa ospital ako. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong natutulog si Dos. Nakaupo siya sa upuan sa gilid ko habang hawak ang isang kamay ko.

Eli...

Napapikit ako nang marinig ang boses ni Tita Fatima.

Akala ko ay masusundan 'yon pero natahimik ang isip ko. Maya-maya lang ay nagising si Dos. "Are you okay? Kamusta ang pakiramdam mo? Please, tell me," mabilis na sambit niya.

"O-okay lang... okay lang, Dos." Pinilit kong tumayo kaya tinulungan niya akong makaupo sa kama.

"Nasaan ang iba?" tanong ko.

"We'll go back to Manila later. Doon ka na ipapagamot. Is that okay with you?" tanong niya.

Ayoko nang makaabala sa kanila kaya susundin ko na lang ang gusto nila. Para rin naman sa akin ito kaya uuwi na ako sa Manila.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Chance. Tumabi siya sa akin at magkaharap naman sila ni Dos.

"Selene..." ani Chance.

Ngumiti ako sa kanya. "Sus, ano ka ba. Yakang-yaka 'to, pre."

Nagulat ako nang niyakap niya ako pero kalauna'y napangiti rin ako. Napahiwalay lang siya sa akin nang inilayo siya ni Dos.

"Kaya mo 'di ba, pre?" tanong niya kaya tumango ako.

"Makakayanan mo 'di ba? Selene... malakas ka," aniya.

"Kaya ko, Chance."

"Ay ba't kaya mo? Sana all kaya," aniya at akmang hahampasin ko siya pero agad siyang lumayo sa akin.

"Joke lang! Pero... alam kong kaya mo." Lumapit ulit siya sa akin.

"Oo na, lumabas ka na muna nag-uusap pa kami."

Napatingin ako kay Dos. These past few days ay nararamdaman kong parang may galit siya kay Chance. Ano kayang nangyari sa dalawang 'to? Ang alam ko ay magkaibigan sila, e.

Napanguso si Chance at lumabas na. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Dos.

"What?" tanong niya.

"Are you mad at him or what?" nakakunot-noong tanong ko.

"Wala. May gusto ka bang kainin?" tanong niya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon