"Dos, gusto mo bang lumabas tayo?"
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero bigla niyang inilayo 'yon. Napalunok ako.
Hangga't maaari, gusto kong magtiis sa ugali niya. Nagbabago siya pero gusto ko siyang intindihin. Ilang linggo na kaming ganito pero nagtitiis ako. Ako na ang nagpapakumbaba dahil ayokong iwan niya ako. Ayokong masira kami dahil lang sa mga pag-aaway namin.
"Selene, busog ako." Nauna na siyang maglakad at nilagpasan ang cafeteria.
Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko. "Tangina talaga no'n."
Napatingin ako kay Chance. Pagod akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang. Ako na lang ang iintindi." Sinundan ko si Dos.
Kung pareho kaming hindi magkakaintindihan, kung pareho naming hindi iintindihin ang isa't-isa ay masisira ang relasyon na 'to. Hangga't kaya kong humawak, hindi ako bibitaw.
Huminga ako nang malalim at tumigil sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang likod ni Dos na papalayo na.
Dos, pagod ka na ba? Pagod na rin ako pero bakit nagbabago ka na? Magpahinga tayo. Please, magpahinga tayo sa isa't-isa. Ayoko nang ganito. Ayokong iwan mo ako.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi dahil alam kong hindi niya naman papakinggan.
I was about to take a step when someone blocked my way. Ngumisi siya at hinaplos ang buhok ko.
"If I were you, iiwan ko na siya. Hindi niya deserve ang kagaya mo, Selene," ani Haven.
"At ikaw? Deserve ka niya? Ginawa mo ngang gumamit ng isang tao dahil akala mo magseselos si Dos. Ginawa mo ngang lokohin ang pinsan ko. Deserve ka ba ng kahit sino?" inis kong sambit. Naiirita ako sa mukha niya pwede bang takpan niya 'yan?
Tumawa siya. It was a bitch laugh. Nakakairitang pakinggan.
Grabe talaga. Akala ko dati Holy Haven siya, holy shit pala.
"I don't care, Selene. Tanga ang pinsan mo. Manloloko rin naman siya ah? He's a womanizer kaya bagay lang sa kanya ang lokohin. Karma lang 'yon," aniya at pinitik ang buhok.
"Huwag mong insultuhin ang pinsan ko. Hindi mo siya kilala," mariing sambit ko.
"I know him and he's a jer-"
"Sige, ituloy mo 'yang sasabihin mo. Ilalampaso ko talaga 'yang pagmumukha mo."
"Edi ilam-" Inis kong dinakot ang batok niya at inginudngod sa lupa. Dito ko na ibubuhos ang lahat ng galit ko dahil sobrang nanggagalaiti ako sa kanya.
"Ahh! Bitch! Pumapatol ako sa babae!" sigaw niya pero hindi ko siya binitawan. Hindi ako natatakot.
Nakikita ko ang mga taong nakatingin sa amin at mukhang nag-eenjoy sa nakikita.
"Selene! Hala!" narinig kong sigaw ni Chance.
Napasigaw ako nang hinablot ni Haven ang buhok ko kaya nabitawan ko siya. "Hindi ka mananalo sa'kin, Selene!" sigaw niya.
"Hoy ano ba! Mga bata ba kayo ba't kayo nag-aaway?!" sigaw ni Chance habang hinahawakan ang dalawang kamay ni Haven kaya nabitawan niya ako.
"Isip bata yata kayo, e! Oh ano pang hinihintay mo, Selene? Puruhan mo!" sigaw ni Chance kaya napakunot ang noo ko pero nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay agad akong lumapit kay Haven para sampalin siya.
"Chance! Fucking jerk!"
"Haven! Fucking holy shit!" ganti ni Chance sa kanya.
Itinaas ko ang kamay ko sa ere para bumwelo sa pagsampal kay Haven kaya napapikit siya.
BINABASA MO ANG
Loving the Half Moon (Formentera Series #1)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Selene, just a normal...