Chapter 34

9.9K 106 8
                                    

Bumabagsak ang luha sa gilid ng mga mata ko habang tinuturukan ng doktor ang dibdib ko. Nakatulala lang ako sa kisame. Nakakaramdam ako ng sakit pero naubos na ang boses ko para indahin 'yon.

"It's done, Selene. Don't worry, gagaling ka..."

Napatingin ako sa doktor. Sabi ng isang doktor ay may taning na ang buhay ko tapos ito naman ay gagaling ako. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko.

Nang lumabas ang doktor ay pumasok si Dos. Naalala ko na naman ang paghalik niya sa akin kanina kaya nagpanggap akong tulog.

"I saw you."

Wala na akong nagawa kundi dumilat. Tumikhim siya. Hindi dapat ako ang mailang dito, si Dos dapat dahil siya ang humalik sa akin.

"I'm sorry, Selene..." aniya.

"F-for what?" pagmamaang-maangan ko.

"For kissing you," walang pagdadalawang-isip niyang sambit kaya napalunok ako.

Ayos lang, Dos.

"O-oo nga! B-bakit bigla kang nanghahalik?" inis na sambit ko. "Hindi naman tayo!"

"I'm sorry. I will never do that again," aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano?!" napalakas ang boses ko.

"W-what?" naguguluhang tanong niya.

Bakit hindi mo na uulitin?

"H-hindi ko marinig ang sorry mo. L-lakasan mo," sambit ko.

"I'm sorry," mas malakas na sambit niya kaya tumango ako.

"Sige na, l-lumabas ka na... inaantok ako," sambit ko kaya inayos niya ang kumot sa katawan ko.

"Happy New Year and advance happy birthday, Selene..."

Doon lang ako napahinga nang maluwag nang nakaalis na siya.

"Ah naghalikan kayo."

"Shit!" Agad akong napahawak sa puso ko at napatingin sa bandang cr. Lumabas si Chance na may hawak na naman na speaker.

"A-anong ginagawa mo riyan?"

Umupo siya sa sofa. "Umihi ako."

Napahilamos ako sa mukha at tinignan siya. "Narinig mo?"

"Oo, naghalikan kayo tas nag sorry siya tas parang ayaw mo pa na hindi na niya uulit-"

"Chance!" namaos ang boses ko.

Walang ekspresyon siyang tumingin sa akin. "You son of a bitch. Don't shout at me. Siya lang ang pwedeng sigawan ako."

Napakunot ang noo ko. Ilang taon ba kulong kapag nakapatay? Nanggigigil ako sa isang 'to, eh.

"Lalabas ka o mao-ospital ka rin?" mahinang tanong ko kaya tulala siyang tumayo.

"Lalabas." Naglakad siyang parang robot at nang malapit na sa pintuan ay tumakbo na palabas dahil akmang babatuhin ko siya ng unan.

Napailing na lang ako at inayos ang kumot sa katawan ko pero nakita ko ang rashes at pasa sa binti ko.

"Kailan kayo mawawala?" mahinang tanong ko.

Nakatulog ako at nang magising ay sobrang ingay. Nakita ko na lang ang pamilya kong nag kukwentuhan at nang makita nila ako ay natahimik sila.

"Nagising ka ba namin?" tanong ni Tita.

"Hindi po." Opo.

Ngumiti si Lauren at tumabi sa akin. "Birthday mo na bukas, ate!"

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon