"Tsk! Ikaw na talaga ang taong kilala ko na may pinaka matigas na ulo! Amazona na nga, maingay pa, tas mababa sa mga score!" Narinig kong sambit ni Chance pero hindi ako dumilat. Hindi pa naman niya alam na gising na ako, e. Sige lait-laitin mo lang ako.
"Haynako! Amazona!"
Pasimple kong idinilat ang isa kong mata para silipin siya at nakita kong inaayos niya ang kumot sa katawan ko. Gusto ko na siyang batukan pero mas gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.
Muli akong pumikit nang akmang titingin siya sa akin. Bugok talaga. Walang kaalam-alam na gising na ako.
"Hi, vlog! Welcome to my guys! So nasa infirmary ako ngayon kasama ang amazona kong kaibigan, mag hello kayo!" Diyos por santo. Nakuha pang mag vlog sa kalagayan ko?
Kung kasalanan ang pumatay ng kaibigan, patawarin niyo ako.
"Pero 'wag kayong mag-alala, lagnat lang 'yan malayo sa bituka niya. Ako nga 'di nag-aalala, e. Malakas 'to si Selene, guys!"
'Pag ako bumangon dito tapos talaga buhay mo.
Tuluyan na akong dumilat at nagtama ang mga mata namin.
"Oh gising ka na pal-WAAAAH GISING NA SIYA! Seleneeee! Akala ko malala ka na! Huhuhu sobra akong nag-alala! Okay ka lang ba? Saan ang masakit? Buti gising ka-" Agad ko nang pinitik ang noo niya at umupo para isandal ang likod.
"Tigilan mo 'ko sa kaplastikan mo. Nagawa mo pang mag vlog, ah?" mataray na tanong ko sa kanya kaya agad niyang pinatay ang camera.
"Okay ka na ba? Hindi mo naman nakita si San Pedro?"
Binatukan ko siya. "Aray! Napaka amazona!"
"Nakita ko! Kaso binalik ako rito sa lupa, Chance raw ang pangalang gusto niyang kunin, e." Nagkibit-balikat ako.
"Ha?"
"Chance raw-"
"Hanyonghaseyo!" Tumawa siya nang malakas habang pumapalakpak.
Habang tumatawa siya ay mabagal akong umiiling habang nakatingin sa kanya. Kahit kailan bonak ka talaga. Annyeong 'yon, Chance Kyro.
"Get out. I don't wanna be a murderer." Itinuro ko ang pinto.
Nakangiti siyang umiling. "Ayos ka na ba? Buti na lang talaga nandon si Tyler!"
Natigilan ako bigla. Oo nga, nandoon si Tyler pero may narinig akong sinigaw niya noong sinalo niya ako. Hindi ko narinig nang maayos dahil nablanko na ako kanina pero alam kong may sinigaw siya.
"Nasaan na si Tyler?"
"Oh akala ko ba uncrush na? Ba't mo pa rin siya hinahanap?" masungit na tanong niya.
"Malamang tanga siya 'yung nagdala sa'kin dito, asan siya?"
"Umuwi na siyempre! Uwian na, e!"
Napakunot ang noo ko at agad na tumingin sa wrist watch ko. 5 pm na. Nag-stay lang dito si Chance hanggang sa magising ako?
"Okay na ako. Tara na," sambit ko at tumayo kaya inalalayan niya ako.
Tahimik lang ako nang nasa bus na kami. Nasa pinakadulo kami at nasa tabi ako ng bintana. I don't know why I'm still thinking about Tyler. I mean-sa sinigaw niya. Kung narinig ko lang nang maayos ang sinigaw niya edi sana hindi ako nag-iisip ngayon. Buti na lang talaga bumaba na ang lagnat ko.
"Tito, Tita, may sakit si Selene. 'Di po muna siya papasok bu-"
"Papasok ako! Sige na, sige na, umuwi ka na. Magaling na ako," sambit ko at tinulak-tulak na siya paaalis.
BINABASA MO ANG
Loving the Half Moon (Formentera Series #1)
Roman d'amourWarning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Selene, just a normal...