Chapter 26

16.1K 131 29
                                    

Sumilip ako sa pinto. Nakita ko ang gulat ni Travis nang makita si Dos kaya lumipad ang tingin niya sa akin pero tinanguan ko lang siya.

Bumagsak ang luha ko nang kinuha ni Dos si Third. Nang niyakap niya ito ay kusang tumigil sa pag-iyak si Third. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pagtulo ng luha ni Dos.
Maya-maya ay niyakap niya si Art. Naninikip ang dibdib ko dahil nakikita ko ang pagkasabik niya sa mga anak niyang itinago ko sa kanya.

Pinunasan niya ang luha niya at inilapag si Art.

Nagsimula akong maglakad papunta sa kwarto ko. Nararamdaman kong sumusunod siya sa akin.

Malakas niyang sinarado ang pinto. "Why didn't you tell me, Selene? May karapatan ako sa kanila," aniya.

Hindi ako nagsalita. Nakatalikod lang ako sa kanya. He can't blame me. I thought he got his friend pregnant so I just kept quiet.

"Selene, anak ko rin sila... bakit hindi mo sinabi sa akin?" mahinahon ang boses niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko.

"They are my own flesh and blood... bakit mo sila ipinagkait sa akin?" mahinahon pa rin ngunit ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"You have no idea how much I want to have children with you," bulong niya at hinarap ako sa kanya. He wiped my tears. "Nagbago na ang isip ko, Selene. May mga anak tayo. I'll win you again and bring you back into my arms... I'll court you even if you don't feel the same way anymore... I'll win you back again... whatever it takes."

Hindi na ako nakapagsalita. Tanging hikbi na lang ang nagagawa ko dahil mukhang malabo ang sinasabi niya. Mag-asawa na ang mga magulang namin and we need to admit that this is just an ill-fated relationship. Masaklap ang tadhana pagdating sa aming dalawa ni Dos.

"Dos, mali... mali 'to..." sambit ko at kumawala sa kanya.

"Sel-"

"Dos, mag-asawa na ang mga magulang natin!" malakas kong sigaw sa kanya kaya saglit siyang natigilan.

"Kaya pwede ba? Tigilan mo na ang kahibangan mo! Hindi tayo pwede!" frustrated na sigaw ko at napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad.

"Kahibangan?" tanong niya. "Selene, kung kahibangan ang tawag sa pagmamahal sa'yo, pipiliin ko na lang maging hibang habang buhay."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Hibang na nga talaga siya. Wala na akong masabi.

"I am not the old Dos anymore, Selene. Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi na kita iiwan. Tangina... hindi na... ulit. Hindi na," mariing sambit niya na para bang hahawakan niya talaga ang mga sinabi niya.

Wala na akong magagawa sa kanya. Bahala siya. Hindi na rin ako maniniwala sa sinabi niya dahil iniwan niya ako noong nagmakaawa ako sa kanyang 'wag niya akong iwan.

Pero kung sinabi ko ba noon na magkaka-anak kami mananatili siya sa akin?

Baka nga pareho kaming may mali. Pareho kaming may kasalanan. Kagaya nang sinabi ko noon sa kanya, relasyon naming dalawa 'to.

Pero hindi ko na siya pagtatabuyan. Hahayaan ko siya sa ginagawa niya. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya niya.

"Selene, hindi tayo magkapatid." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "At kahit anong sabihin nila, hinding-hindi ko tatanggapin na kapatid kita dahil ina ka ng mga anak ko... magiging asawa kita."

Nagwala ang puso ko. Bakit kahit may anak na kami ay ganito pa rin ako? Hindi ako nakasagot. Naiinis ako pero masaya ako. Tangina naman.

Kinagabihan ay dumating si Tita Lorna. Pauwi na sana si Dos pero napigilan siya dahil sabi ni Tita, sa guess room na raw siya mag stay dahil gabi na. Balak kasi ni Dos mag stay sa hotel ngayon.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon