"Nanghihina na ang katawan mo."
Hindi ko pinansin si Chance. Habang lumilipas kasi ang araw ay nanghihina ako. Hindi na pumapasok si Haven dahil nga buntis siya. Binitbit ko ang bag ko nang mag ring na ang bell.
"Selene, kakain ka na?" tanong ni Chance habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Hindi, sasamahan lang kita."
Tinignan ko ang mga studyante. Wala nang sinuman ang nang babastos o kumakalaban sa akin dahil kumalat ang balitang ako ang anak ng Dean.
Masama ang loob ko kay Mommy dahil sa sinabi niya sa akin kaya hindi ko siya pinapansin. Tanggap ko naman na may pamilya na siya pero ang hindi ko matanggap, 'yung ayaw niya akong tanggapin sa pamilya niya.
"Bakit? Wala ka na naman bang gana?" tanong ni Chance kaya tumango ako.
"Edi hindi na rin ako kakain!" sigaw niya kaya tinignan ko siya.
"Kumain ka," sambit ko.
Umiling siya. "Hindi ka kakain, e!"
"Kumain ka sabi," mariing sambit ko.
"Kahit ano pang sabihin mo hindi ako kakain!"
"Edi wag." Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Ito na! Kakain na... 'wag ka lang magalit. Kasi naman! Kumain ka dapat kahit wala kang gana," aniya habang naglalakad na kami papunta sa cafeteria.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Dos na tumatawa kasama ang ilang babae. Kumuyom ang mga kamao ko. Pagkatapos ng hiwalayan namin, nagagawa niyang tumawa ulit? Nasaan ang pagmamahal na sinabi niya noon sa akin?
Hinila na lang ako ni Chance papasok sa loob. Ayoko na rin makita ang mga ngiti na 'yon. Pag graduate namin, sana hindi na magtagpo ang mga landas namin dahil grabe ang sakit na ipinaramdam niya sa akin.
Ganoon talaga ang pag-ibig. You can't call it love if you can't be hurt but love doesn't include cheating because first of all, if the person really loves you, he won't do something that will destroy you. Kung mahal ka niyan, gagawa siya ng bagay na bubuo sa'yo.
Pag-ibig nga ba talaga ang binigay sa akin ni Dos?
Sa tingin ko hindi. Pagpapakitang-tao lang ang lahat.
Kumakain na si Chance. Kahit anong pilit niya sa akin na kumain ako ay hindi niya ako napilit. Sinabi kong baka masayang lang ang pagkain dahil wala naman akong gana.
"Mag ccr lang ako pre," paalam ko at inilapag ang bag ko sa upuan sa harap niya.
"Sige, pagbalik mo order mo 'ko apple juice ah?" aniya kaya tumango ako.
Tumayo na ako at naglakad papuntang comfort room. Pagdating ko ro'n ay pumili ako ng isang cubicle at pumasok na.
Pagtapos ay saglit kong itinaas ang sleeve ng uniform ko sa pang itaas. Mahaba kasi 'to at abot hanggang palapulsuhan kaya natatakpan ang mga pasa at rashes ko.
I took a deep breath and fixed my uniform. Lumabas ako at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay lumabas na ng cr pero may naabutan akong mga babaeng nakaharang sa daan ko.
"Are you really the daughter of our Dean?" mataray na tanong niya.
"No wonder magkamukha kayo," ani ng isa.
"Magkamukha at parehong... mang-aagaw ng partner." Napakunot ang noo ko sa sinabi nila pero nagtawanan na sila.
"What do you mean?" mahinang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Loving the Half Moon (Formentera Series #1)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Selene, just a normal...