Pakiramdam ko ubos na ako...
Pero nandiyan si Third at Art. I have them... pero bakit ang sakit? Bakit pakiramdam ko naubos ako?
Nakatingin ako ngayon sa picture ni Mommy. Nakaupo ako sa gilid ng lapida niya habang tinatanggal ang dahon na nakakalat sa ibabaw nito.
"Bakit pinatay mo ang sarili mo? Paano na ako haharap sa taong ginawan mo ng kasalanan?" mahinang tanong ko.
Tumingin ako sa ulap. Madilim.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at yumuko saka pumikit. "Ako ba ang magbabayad ng kasalanang ginawa mo? Baka ako nga dahil dinudurog na ang puso ko sa sakit."
"Paano ko haharapin si Dos? You shouldn't have killed yourself. Sana pinagbayaran mo ang kasalanan mo sa kulungan..." humihikbi kong sambit.
Bumagsak ang ulan at naramdaman kong nabasa ako pero hindi ako gumalaw. Nakayakap pa rin ako sa mga tuhod ko at nakayuko.
Makalipas ang ilang segundo ay hindi ko na nararamdaman ang pagbagsak ng tubig sa katawan ko kaya inangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang kulay itim na payong. Napalunok ako nang unti-unti 'yon gumalaw kaya nasilip ko ang lalaking may-ari ng itim na payong.
Tumibok nang mabilis ang puso ko. He didn't talk to me for a week and now, he's standing in front me. Napalunok ako. I thought he was mad at me but he's smiling right now.
"D-dos..." usal ko.
Inilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako roon. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba 'yon pero kinuha ko na.
"Bakit ka nandito?" inayos ko ang boses ko. Ayokong mautal-utal na lang.
"I'm here to pick you up. Iuuwi na kita, Selene."
I cleared my throat. "S-saan?"
"Sa bahay niyo. Saan pa ba?" tanong niya kaya sinapol ako ng kahihiyan.
Did I expect him to take me to his house? My God. "Ah hindi na... may kasama akong driver," sabi ko.
"Ako ang maghahatid sa'yo," seryosong sambit niya kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"B-ba't ikaw?"
"Iuuwi nga kita..."
"Bakit pa? May driver-"
"Nililigawan kita, nakalimutan mo na ba?"
Dumagundong ang dibdib ko. Wala akong mahanap na salita dahil sa sinabi niya. Pagkatapos ng lahat nang ginawa ni Mommy sa Mama niya ay ipagpapatuloy niya pa rin ang panliligaw sa akin?
"Dos, hindi ko kaya... hindi kita kayang makasama," pagsasabi ko ng totoo habang nakaharap sa mga mata niya.
"Selene, wala kang kasalanan," aniya pero umiling ako. "It was all your mom's fault. Hindi ba natin pwedeng ayusin ang sa atin? I miss you, Selene. I miss you so much. Please come back to me..." Niyakap niya ako kaya pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Ayoko nang lumuha.
"Dos, hindi mo ba ako naiintindihan? Sa tuwing nakikita kita naaalala ko kung anong klaseng tao ang nanay ko. Dos, anong mahirap intindihin do'n?" mahinang tanong ko.
"Selene, 'wag ganito... mahal kita. Ayokong mawala ka. Lahat ng sakit titiisin ko. Lahat lahat makasama ka lang, Selene. Ayoko nang malayo sa'yo."
Bahagya ko siyang tinulak. May pagmamakaawa sa mga mata niya.
"Dos..." Yumuko ako at napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad. "Babalik ako... babalik ako kapag handa na ako... kapag kaya ko nang humarap sa'yo nang hindi nahihiya. Sa ngayon? Dos, masakit. Malalim ang sugat sa mga puso nating dalawa."
BINABASA MO ANG
Loving the Half Moon (Formentera Series #1)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Selene, just a normal...