CHAPTER 4

37 5 0
                                    


Nasa restaurant na kami ni Ric agad naman kaming humanap ng upuan. Habang nag oorder kami ng pag kain biglang nag salita si Ric.

"I will increase your salary zub"

Agad akong napa tingin sa kanya parang hindi maka paniwala.

"Salamat po Ric"

Yan lamang ang tangi kong na sabi sa kanya.

"Hoy Zub tigilan mo yang po mo ha para naman akong matanda nyan, Kita mo ba ang mukha ko oh baby face"

Natatawa niyang sabi sa akin at nag tawanan nalang kaming dalawa habang nag hihintay ng aming order.

Biglang pumasok sa isipan ko si sir Levi, gusto kong mag tanong tungkol sa kanila nag dadalawang isip pa akong mag tanong.

"Okay lang po ba kayo ni sir Levi"

Nahihiya kong tanong.

"Oo naman ganon lang talaga kami palagi"

Kitang kita sa mukha nitong napipilitang maging okay, bakas sa mga ngiti ni ric ang lungkot alam kong nasasaktan ito kaya hindi na ako nag tanong pa.

Mag sasalita pa sana si Ric ng lumapit ang waiter dala ang aming inorder na pagkain.

Habang kumakain kami iniisip ko parin si Mr. Lincoln may kutob talaga ako na siya yong gagong  muntik ng makasagasa sa akin noon.

Pag katapos naming kumain hinatid narin ako ni Ric sa bahay.

"Ma nandito na po ako"

Sambit ko nang pag pasok so sa bahay nakita ko agad ang kapatid ko sa sala na may sinusulat.

"Oh kuya nanjan kana pala"

"Hindi jan aso itong nasa harap mo"

Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nasaan si mama jan?"

Nag tataka kong tanong dahil hindi ko nakita si mama dahil ang alam ko alas 5 palang nasa bahay na yon.

"Nasa kwarto niya kuya, masakit daw katawan niya kaya pina tulog kuna ako nalang ang nag luto ng haponan"

"Ahh sige mag bibihis na ako matutulog na rin, ikaw din matulog kana pag ka tapos mo diyan.

Agad akong pumasok sa aking kwarto nilagay ang bag sa higaan at kumuha ng tuwalya bigla ko nalang naisip hindi pa pala ako nakakabayad para sa intrams.

Napa upo nalang ako sa kama.

Hanggang kaylan kaya ako magiging ganito palagi nalang akong nagpapanggap na okay ako, hanggang kaylan kaya ako magiging masaya.

Kunting kunti nalang makakatapos na ako ng pag aaral alam kong maahon ko ang pamilya ko, gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko kahit wala na sa sarili ko.

Ang hirap ng buhay san ako lulugar?

Nasa canteen kami ngayon kasama si Iva at Rail kumakain kami ngayon habang si Rail may sinasabi sa akin na hindi ko naman na intindihan dahil habang kumakain nag sasalita parang bata.

The Lost ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon