CHAPTER 9

22 4 0
                                    


Nasa loob ng sasakyan parin ako ni sin tinuro ko nalang sa kanya kong saan kami kakain, malapit lang kasi ito sa bahay nasa gilid lang ito ng park.

Nang makarating kami agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas sumunod naman siya saakin.

Feeling ko lahat ng tao naka tingin sa amin nasa likoran ko lang sya naka sunod saakin habang naka lagay ang dalawang kamay sa bulsa nya, parang model lang hindi bagay pakainin ng street foods.
Natatawa nalang ako sa utak.

"Nandito na tayo"

Sabi ko sa kanya, nandito na kami sa harap ng cart ni mang kanor saktong sakto dahil walang tao kami lang dito.

"Magandang hapon mang Kanor, kaybigan ko po pala si Sin" bati ko ni mang Kanor bumati rin si mang kanor saakin.

"Magandang hapon Zub at Sin"

Si Sin naman parang wala lang sa kanya kaya tinapik ko agad ang kanyang kamay at papulong kong sabi sa kanya.

"Bumati ka naman jan"

"What?" Wala paring emsyon ang mukha nya.
Parang hindi niya parin naring kaya inulit ko nalang.

"Good afternoon po"

Sabi ni Sin ni mang kanor pero wala parin itong emosyon parang wala paring paki ng tumingin sya sa akin agad akong nag thumbs up.

"Kumakain kaba nito? Ito lang kasi ma afford ko"

Napakamot ako sa ulo at nag smile narin na hiyang hiya ako. Kitang kita ko sa mukha nitong parang nag dadalawang isip.

"Yes" sabi lang niya sa akin, alam kong first time niya baka sumakit ang tiyan nito.

"Okay sabi mo ha, oh ito stick tuhogin mo lang anong bet mo jan"

Sabi ko sa kanya sabay abot ng stick kinuha naman niya agad lumapit na kami at nag simula na akong kumuha.

Habang kumakain ako napa tingin ako ni Sin parang hindi naman siya kukain kaya tumohog ako ng fishball at sinawasaw sa sauce at agad ko itong nilapit sa bunganga niya tumingin lang siya sa akin na parang walang choice kaya kinain niya rin.

"Ano masarap ba?" Tanong ko sa kanya habang naka ngiti.

"Yes, masarap give me more"

Wow ha mag papasubo pa tong gwapo nato natatawa nalang ako at kumuha pa ng pag kain at pinakin ko sa kanya natatawa ako dahil sarap na sarap siya.

Habang tumatawa ako bigla akong nagulat ng nilapit niya ang stick sa may bunganga ko naistatwa ako habang tumiting ako sa mga mata niya para bang nawala ang mga problema ko ibang iba ang nararamdaman ko at gustong gusto ko.

Habang sinusubuan nya ako naka tingin parin ako sa mukha niya nabigla ako ng nilagay nya ang kamay sa pisngi ko sabay tangal ng souce sa gilid ng labi ko gamit ang kanyang daliri.

Alam kong pulang pula na ang mukha ko kaya nong pag tanggal niya ng kamay niya agad akong nag salita.

"Busog na ako, ikaw gusto mo pa ba?"

Tanong ko sa kanya habang na iilang parin ako.

"Ayaw ko na rin" sabi niya saakin kaya nag bayad na ako ni mang kanor at umalis narin kaming dalawa.

Habang nag lalakad kami tahimik lamg kaming dalawa.

"Do you want to drink water or anything"
Sabi niya saakin kaya napa hinto ako.

"Ahmm mamaya nalang pag uwi ko, ikaw baka gusto mo?" Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya.

"Wag kang masyadong lumayo sa akin"

Naka tingin lang ako sa mukha nya kitang kita ko ang pag agting ng kanyang panga kaya napa lunok nalang ako wala akong masabi, ang lakas ng pintig ng puso ko agad akong nag lakad pero hawak parin niya ang kamay ko.

Madilim na ng malapit na kami sa park kong saan sya nag parking. Habang nag lalakad kami patungo sa sasakyan nya nasa ilalim kami ng maliit na kulay dilaw na ilaw parang mga fairy lights at malalaking puno kasabay ng malamig na simoy ng hangin kaya ang isang kamay ko ay nilagay ko sa balikat ko dahil sa ginaw.

Tinanggal niya ang kamay niya at agad nyang nilagay ang kamay sa balikat ko at hinila papalapit sa katawan niya. Ang tigas nga mga braso niya pati na rin ang katawan.

Wala na akong maiisip sa lakas ng pintig ng puso ko napa amoy nalang ako sa kanya ang bango niya sobra.

When I'm with him I feel like I'm floating in the sky, I feel like I can be whoever I want to be like I'm free from all the problems. Just with his eyes I feel like I'm not alone but I don't know if it's okay to feel these things I don't want to assume, I don't want to get hurt.

Nang naka rating kami sa sasakyan nya humiwalay sya saakin at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakayan ng maka pasok ako agad akong tumingin sa bintana. ang amoy nya ay dumikit sa damit ko napa ngiti nalang ako, sana ganito nalang palagi pero ayaw kong masaktan.


Naka uwi na ako sa bahay at nag ready na para maka tulog habang nasa sala ako naka upo kinuha ko ang phone ko tiningnan ko lang ang picture ni Sin habang naka ngiti ng biglang nag salita si bunso.

"Oh kuya bat naka ngiti ka dyan? Tanong niya sa akin at agad kong inoff ang cellphone ko.

"Wala lang bunso" kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Tika nga kuya ang ganda ng cellphone mo ah patingin naman ako kuya"

Lumapit agad si bunso sa akin binigay ko sa kanya ang phone ko.

"Wow kuya mahal to ganito ang brand ng cellphone ng baby ko"

Napa tingin ako sa kanya agad nagulat sa narinig ko parang wala lang ni bunso ang sinabi nya.

"Uy tika nga, anong baby? May jowa kana hindi mo man lang sinabi sa akin"

Agad kong kinuha ang phone ko kaya napa tingin siya sa akin na parang nagulat din.

"Wala yon kuya nag kamali lang baby kasi tawag namin sa isang ka grupo namin"

Sabay kamot sa kanyang ulo, hindi ako naniniwala sa kanya pero hindi ko na sya tinanong pa binalik ko sa kanya ang phone ko agad niyang kinuha at nag selfie.

"Wow kuya ganda talaga nito, bibili rin ako ng cellphone pero hindi ito ang brand mahal nyan yung pang text lang"

Sabi ni bunso habang nag seselfie parin naka tingin lang ako sa kanya. Bibilhan ko sya ng cellphone pag nakaipon ako.

"Lapit ka sa akin Kuya picture tayo"

Lumapit ako sa kanya at nag smile sa camera.

"Kunting tiis nalang bunso pag katapos kong mag aral mag tatrabaho ako agad para mabigyan ko kayo ng maayus na buhay ni mama"

"Kunting tiis nalang bunso pag katapos kong mag aral mag tatrabaho ako agad para mabigyan ko kayo ng maayus na buhay ni mama"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Feel free to correct me guys, Luv you all!!
Enjoy reading!!

The Lost ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon