CHAPTER 12

20 6 0
                                    


Nag lalakad kami ngayon ni Ric patungo sa bar na pupuntahan namin. Natanaw ko na isang bar na modern ang design na may halong wood at glass.

Rinig na rinig ko ang music mula sa loob ng bar, nang makalapit na kami sa entrance nasa likuran lang ako ni Ric na may binigay siyang isang card isang lalaki na sa entrance. Kinakabahan parin ako dahil hindi naman ako nag paparty kasi hindi ko naman yon hilig kaya nanlamig ang buo kong katawan.

"Zub pasok na tayo"

Bigla akong natauhan at sumunod ako agad sa kanya. Pag pasok ko maraming tao na satingin ko ay lasing na habang sumasayaw lang sa dance floor, nag lakad lang kami patungo sa isang VIP room.

Pag pasok namin sa isang tinted glass door agad na bumongad sa amin tatlong babae at apat na lalaki agad namang tumayo ang isang lalaki at lumapit sa amin.

"Uy Ric come here na, na tagalan yata kayo"

Hinila ako ni Ric patungo sa table nong team. Agad din ako sumunod at umupo sa itim na sofa. Katabi ko sa right side si Ric tas katabi niya yong creative director. Pag tingin ko sa Left side ko, para akong na statwa dahil sobrang gwapo ng katabi ko. Maputi ang balat tas matangos ang ilong, ang soft ng features di kagaya ni Sin na parang kakainin ka sa kama.

Agad akong napa iwas ng tingin sa lalaki ng kinalabit ni Ric ang kamay ko.

"Jennie this is Zub my assistant photographer"
Sabi ni Ric don sa creative director na ngayon ay naka tingin sa akin at naka ngiti.

"Hi Zub, I'm Jennie the creative director for the shoot tomorrow" nilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya sabay abot ng kamay ko.

"Hi Jas, nice to meet you"

Nag shake hands kami at binigyan ako agad ng baso, di ko alam anong laman nito. baka malasing ako nito di ko ma imagine self ko.

"Just enjoy the night Ric and zub dahil bukas work na agad" sabi niya sa amin saby tawa.

Habang hawak hawak ko ang baso, nag dadalawang isip ako kong iinomin ko bato or hindi. Nakakahiya naman pag diko to iinomin kaya ininom ko agad.

Ang pangit ng lasa at ang init sa lalamonan, na sira ang mukha ko dahil lasa.

"Drink some water"

Shit, pag tingin ko sa gilid ko, naka tingin na yong lalaki na nasa tabi ko at may hawak na tubig. Inabot ko agad yong tubig na nasa kamay niya.
"Thank you sa water"

Agad ko itong ininom. Na bawasan ang init sa lalamonan ko.
"Is this your first time drinking?"

Tanong niya sa akin na parang matatawa na siya. Kaya sobrang hiya ko feeling ko ang pula na ng mukha ko ngayon.

"Yes" sabay ngiti ko sa kanya.

"I'm Ralf by the way" sabay abot ng kamay niya

"I'm zub" sabay lahad din ng kamay ko.

"I think Jennie is drunk, naka limutan niya ng ipakilala ang team niya at ako sa inyo" sabay tawa niya.

Ang pogi nito, yong parang inosente lang yong muka, nag mukha naman akong mag nanakaw dahil katabi ko siya.

"Maybe, Ah.. are you part of the team?" Tanong ko sa kanya.

The Lost ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon