CHAPTER 5

29 6 0
                                    


Mula noong bata pa ako marami na akong tanong sa sarili ko hanggang sa paglaki ko pero hinayaan ko nalang yun.

Rinig na rinig ko ang tunog ng mga sasakyan at ramdam ko ang sinag ng araw na ng galing sa maliit na bintana sa aking kwarta, pilit kong binuka ang mga mata ko at binaling ang paningin ko sa bintana.

Bagong araw bagong laban naman ng buhay. Tumayo na ako at inayos ang higaan pag tingin ko sa lamisa sa tapat ng bintana na kita ko ang calling card nong gagong muntik na akong sagasaan.

Pinulot ko ito hindi ko alam bakit na aalala ko si Mr. Lincoln dahil sa isang perasong papel.

Agad akong kumuha ng tuwalya para maligo pag labas ko nag luluto si mama habang si bunso naman ay kakatapos lang maligo.

"Nag text si Rail wala daw kayung pasok nak"

Sakanya nag titext si Rail at Iva dahil wala akong phone.

"Nak bibilhan kita nag cellphone alam kong kaylangan mo ng phone lalo nat nag tatrabaho kana"

Sabi ni mama habang nag aayos na ng lamisa.

"Wag na ma, may mas importanti pa jan kay sa cellphone"

Ngiti kong sabi ni mama ngumiti rin si mama pabalik sa akin bakas sa kanyang mukha ang pagaalala sa akin.

Kinuha ko ang phone ni nanay at babasahin ko na sana ang text ni Rail pero may text din dito ni Ric.

"Good morning Zub you can get your sweldo here at the studio anytime"

Napa ngiti ako, masaya ang nararamdaman ko makakabayad na ako ng bayarin nito pati narin sa mga utang namin.

"Bat naka ngiti ka kuya?"

Tanong ni Jan na ngayoy naka bihis na ng uniporme.

"Wala Jan wag ka ngag chismoso"

Natatawa kong sabi sa kanya agad namang umupo si Jan at nag aya ng kumain.

Pag katapos kong kumain naligo ako at nag
bihis, pupunta akong studio at mag babayad na din ng bayarin para sa intrams.

Pag pasok ko sa studio may nakita akong malaking paper bag na may naka tatak na mamahaling brand hindi ko na pinansin binati ko si Ric at ganon din siya.

"Zub dahil ikaw ang nag shoot ito ang sahod mo"

Naka ngiting sabi ni Ric saakin sabay ng pag abot ng puting sobre. Gusto kong sumigaw sa saya kaya ngumiti nalang ako nang pina bongga.

"Salamat Ric"

Pag bukas ko ng sobre at binilang ko nag tataka ako dahil akala ko 8 thousand lang ang sahod ko pero bakit naging 15 thousand ito agad kong pinuntahan si Ric at tinanong.

"Ric isasauli ko tong sobra na mali ka yata ng bilang nitong sweldo ko"

Sabay abot ko ng pera nag taka ako bakit hindi niya kinuha ngumiti lang ito.

"Hindi ako nag kamali tama yan sayo yan tanggapin mo na yan pag hindi mo tinanggap magagalit ako.

Napa ngiti ako ng sobra.

The Lost ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon